CHAPTER 47

1.7K 80 9
                                    







THERA POV.


"Hi babies, tayo nalang tatlo naiwan dito. Lumabas ang Mama kasama si Jairto, kakainip diba?" Sabi ko habang kinakausap ang mga anak ng Empress na nakatingin lang sila sa akin.

"Sana magiging maayos ang paglaki niyo, yun lang masamang tao na sasaktan kayo......pero nandito naman si ate Thera niyo, ako ang bahala sa inyong tatlo hehehe." Proud kong sabi habang nakatingin sa kanila.

Natuwa ako nung parehas silang ngumiti sa akin, "Ang cute cute niyo talaga, gusto ko na kayong makalaro at makatakbo sa garden na kasama kayong tatlo."

"Ang swerte niyo dahil buo ang pamilya niyo, samantalang yun akin." Kunwaring malungkot kong sabi

"Syempre buo din! Ang dami dami pa nga eh. Padagdag ng dagdag ang pamilya ko, diba mga babies?" Masayang sabi ko sa kanila.

"Akala ko madadrama ka hahaha." Natatawang sabi ng isang boses na medyo matagal ko hindi nakakasama dahil nandito ako sa palasyo.

Kaagad akong humarap sa pwesto niya at hindi nga ako nagkakamali siya nga si, "Azelo!" Patakbong tawag ko sa kaniya.

Pagkalapit ko sa kaniya kaagad ko siyang niyakap kahit malaki ang kaibigan ng height namin dahil parang mas tumangkad siya ngayon, may lahi bang kapre ang mga tao dito sa mundo na 'to?

"Kamusta ka na? Na miss kita." Tanong ko habang naka yakap sa kaniya.

"Ako nga dapat magtanong niyan sayo dahil ang dami kong balitaan sa mga nangyari sayo dito sa palasyo." Sabi niya sa akin kaya napatingala ako sa kaniya.

"Hihihi, okay na ako ngayon. Sorry kung pinag-alala kita."

Pagkatapos kong sabihin yun bigla niya akong niyakap ng pabalik, "Pwede bang ingatan mo naman ang sarili mo dahil may pagkakataon talaga na hindi kita matulongan kapag wala ako sa tabi." Pabulong nitong sabi sa akin

Ang mga boses na para nangungusap sa akin, "Pakiusap, ingatan mo sarili mo." Nangungusap na sabi niya sa akin.

Napakipit na lamang ako na nakangiti habang nakayakap sa kaniya, "Susubukan ko, salamat Azelo." Sabi ko sa kaniya.

Kumalas siya ng pagkakayap sa akin may isang maliit na kahon siyang nilabas sa bulsa niya, "Ano yan?" Tanong ko sa kaniya.

Binigay niya sa akin ang kahon na nakangiti, "Para sayo yan, pinag-ipunan ko pa yan." Sabi niya sa akin.

Pabirong tinignan ko siya para asarin ng kunti, "Weh? Akin 'to?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo, sayo nga yan. Inipon ko yung pera na binibigay sa akin ng Dada mo na paggastos ko daw at sweldo sa pagiging baguhan na nagsasanay sa inyo." Paliwanag niya sa akin.

"Ah? Baka ginugutom mo sarili mo niyan para mabili lang ako nito ah." Sabi ko sa kaniya.

"May pagkain na binibigay sa amin doon. Ang dami panga, sobra sobra pa amin kahit malalakas kumain yung mga kasama ko dun." Pagpaliwanag niya ulit sa akin, napangiti naman ako ng malapad sa kaniya.

Iniipon niya binibigay sa kaniya ni Dada para mabilhan lang ako nito, ang swerte ko naman.

"Maraming salamat, Azelo." Buong puso kong pasalamat sa kaniya at binuksan ang binigay niya sa akin.

Pagkabukas ko sa maliit na kahon, nakita ko ang isang kwentas na may pendant na bilog sa ilalim at half moon sa ibabaw.

"Pasensya na, yan lang kinaya ko." Mahinang sabi niya sa akin.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon