CHAPTER 50

1.9K 82 2
                                    


THERA POV.

Pagkatapos ng naganap na pag-uusap namin sa opisina ng Emperor. Gusto ni Lolo na maglakad lakad kami sa garden, pumayag naman ako dahil hindi ko siya magawang tanggihan matapos nung nangyari kanina.

"Gusto kong sumama ka sa akin ngayon." Sabi niya sa akin.

"Kaya po kayo nandito para diyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Tama ka."

"Alam po ba ito ng Ama ko?" Tanong ko sa kaniya dahil mahirap na baka magalit si Dada sa akin kapag basta basta akong sumama sa kaniya.

"Sinong Ama?" Tanong niya na hindi sinasagot ang tanong ko.

"Si Dada, ang General." Sagot ko sabay tingin sa kaniya.

Hindi ko mapaliwanag ng mabuti ang ekpresyon na pinapakita niya sa akin pero ngumiti siya sa akin kahit may lungkot ang mga mata niya.

"Kailangan ko pa bang magpaalam sa General kahit apo naman kita?"

Bago ko sagutin ang tanong niya huminto kami sa isang lugar kung saan nakatanim ang hyacinth na bulaklak.

"Lolo?" Tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Do you know the meaning of purple hyacint?" Tanong ko sa kaniya

"Yes, purple hyacint is the symbol of eternal love." Sagot niya sa akin.

"Nasagot ko na po ba ang tanong niyo kanina?" Tanong ko at tumingin sa kaniya na nakatingin

Kita ko ang pagkagulat niya sa tanong ko mukhang nakuha niya kung anong ibigsabihin kong sabihin.

I love my father, I love my Dada.

He is the only person who has a very special place in my heart because he accepted me even though he didn't know me very well before he adopted me. That is why my love for Dada is eternal.

"Huling huli na talaga. Kung nalaman ko lang na nagbubuntis si Julianne at hindi ko na muna sana inisip nun na umalis para magpahinga sa ibang lugar, nasa amin ka sana ngayon." Mahinang sabi niya at ramdam ko ang pagsisisi sa boses niya.

Hinarap ko siya ng maayos, "Hindi niyo naman po kailangan sisihin ang inyong sarili."

"Naging pabaya ako, wala akong nagawa para sayo." Ani 'ya, sa sandaling ito may tumutulo ng luha mula sa mga mata niya.

"Kung may kamalayan lang ako mga nangyayari noon, hindi ka nasa naghirap noon at maranasan ang mga bagay na dapat ang mga nakakatanda ang umayos." Napayukom nalang ako ng kamay habang nakikinig sa kaniya.

Bakit?

Bakit parang mas mukha pa siyang nagsisisi kesa sa tunay na Ama ko na hindi man lang nagpakita ulit sa akin?

Bakit parang inaaako niya ang kalasanan na hindi naman dapat?

Bakit mukhang siya pa ang misirable na dapat ang tunay na ama ko 'di ba?

'di ba?

Bakit? "Ha?" Takang hawak ko sa mukha ko dahil hindi ko alam na umiyak na pala ako.

"Kasalanan k–"

"Taman na!" Sigaw ko sa kaniya, dahil ayaw ko ng marinig ang sasabihin niya na punong puno ng pagsisisi.

Hindi naman niya dapat sisihin ang sarili niya.

"Hindi kailanman naging kasalanan ng Ama ang kasalanan ng Anak! Hindi rin responsibility ng isang Ama ang responsibility ng Anak lalo na kung may sarili na itong buhay at pamilyang binuo. Hindi niyo kailangan magsisi dahil sa inambandona niya ako." *Hic* hindi ko na mapigilan ang sarili ko na umiyak habang sinasabi ang mga katagang yun sa kaniya.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon