THERA POV
Pagkatapos nilang umalis naging tahimik naman ang silid ng Emperor, Hindi ko rin magawang umimik dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Bakit sobra sobra naman ang pagbabago? Hindi pa dapat kami magtagpo ng tunay kong Ama lalo na ang iba pang membro ng aking tunay na pamilya.
Bakit parang pakiramdam ko lagi akong nasa alanganin, dahil ba ito sa pagbabago ko ng kapalaran ng tunay na Thera?
"Mga mahal kong Prinsipe, ilibot niyo muna si Thera at ang isang batang lalaki na inyong kasama dahil may pag-uusapan kami ng General Leon."Pagbasag ng katahimikan ng Emperor.
"Gusto ko siyang ipakilala kay Ina, Papa." Sabi naman ni Jai sa kaniya, nakangiti itong tumingin sa akin kaya pilit akong ngumiti sa kaniya pabalik.
Binaba naman ako ni Dada, "Sumama ka muna sa mga Prinsipe, Princess para maaliw ka naman." Sabi niya sa akin at tsaka niya ako hinawakan sa ulo, tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.
Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya tinignan ko kung sino yun nakita ko naman si Jai na nakangiting nakatingin sa akin, hinila niya ako paalis sa opisina ng kanilang Ama, kasunod naman namin ang dalawang Prinsipe at si Azelo.
"Ipakilala na muna kita kay Ina bago ka namin igala dito sa palasyo, Xixi." Sabi niya habang hila hila ako, hindi naman ako kumibo sa kaniya at hinayaan lang siya na hila hilain ako.
Hayss, masyadong nakaka stress ang nagyari ngayon, ano naman kaya mangyayari sa susunod? Sana naman hindi nila ako sapilitan kunin kay Dada dahil masaya na ako.
"Huwag mo masyadong isipin ang nangyayari, ang mahalaga na kay General Leon ka pa rin." Sabi ng ika limang Prinsipe, hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at naka hawak sa balikat ko na agad naman niyang tinanggal pagkatapos niyang magsalita sa akin.
"Kilala ko ang General Leon, tiyak ako na hindi niya hahayaan na makuha ka nila lalo na't kung ayaw mo." Dagdag nitong sabi sa akin.
"Tama si Kuya Jovan, Xixi kaya huwag mo na masyadong isipin ang nangyari kanina." Sabi naman ni Jairto, dahil sa mga sinabi nila medyo naging magaan naman ang pakiramdam ko at hindi na muna mag-isip ng kung ano ano.
"Oh, nandito na tayo." Nanabik na usal ni Jairto at agad na binuksan ang pintuan.
Pagkabukas ng pintuan nakita ko ang isang magandang babaeng buntis na nakaupo habang may katulong na nanghahanda ng maiinom at pagkain.
"Mama." Tawag ni Jairto at agad na tumakbo palapit sa kaniya sumunod naman ang dalawang prinsipe habang ako dahan dahang lumapit sa kanila.
"Kamusta ang araw niyo mga anak ko." Tanong sa kanila ng kanilang Ina habang ngiti sa kaniyang labi at isa isa silang hinahalikan sa kanilang pisnge.
"Maayos naman Ina. "Sagot ni Jihan sa kaniya na nakangiti rin sa kanilang Ina.
Napatingin naman siya sa akin at sa gawi ni Azelo, "May kasama pala kayong magandang bata at lalaki." Sabi niya at sinenyasan kami na lumapit sa kaniya, " hali kayo, lapit kayo sa akin huwag kayong mahiya. "
Bago kami lumapit napatingin na muna ako kila Jai, binigyan lang nila ako ng tango kaya tuluyan na akong lumapit sa kanilang Ina.
Pagkalapit namin sa kaniya hinawakan niya ang pisnge ko, "napaka ganda mo namang bata at ikaw." Pagpupuri niya sa amin ni Azelo.
"Sila po ang sinasabi ko sa inyo Mama, siya po si Thera at siya naman si Azelo ang kasama naming nagsasanay" Sabi ni Jairto sa kaniya
Inalis na niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa mukha ko at ngumiti naman ito sa akin, "Ikaw pala ang babaeng kaibigan ng mga anak ko, alam mo bang labis akong nasarapan sa binigay mong pagkain kay Jairto." Sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...