Chapter 21-Edited

2.6K 113 7
                                    

KINAUMAGAHAN

THERA POV

Sabik na sabik kong tinatahak ang daan patungo sa kusina ng mag-isa dahil wala si Ate Alyana pina kuha ko sa kaniya ang iba kung gagamitin para sa paggawa ng home made cady ko.

Pagkarating ko sa kusina ng mga tagapag luto, masaya ko silang sinalubong lahat, "Good morning po."

Napansin ko naman ang pagkabigla sa kanilang mukha at saya sa kanilang mga mata.

"P-Princess?" Hindi makapaniwalang tawag sa akin ng iba.

"Pasensya na po kung ang aga aga ko kayong inistorbo sa inyong gawain." Panghihingi ko sa kanila ng paumahin at saka ngumiti sa kanila.

"A-Ah a-ayos l-lang Princess." Utal utal na sabi sa akin ng isa sa kanila, kita ko naman ang pagkataranta nito at pagiging nerbyoso. Kung susuriin naiiba ang kaniyang kasuotan sa iba parang siya yata ang head chef dito.

"Ikaw po ba ang head chef?" Tanong ko sa kàniya at lumapit sa kaniya para siya ay tapatan.

Bahagya siyang nagulat sa tanong ko kung kaya't sunod sunod na tango ang naging tugon niya sa aking katanungan.

"Maaari po bang makiluto sa kusina ninyo?" Tanong ko sa kanila na isa isa silang binalingan ng tingin.

Tinignan ko muli ang head chef, "May gagawin po kasi akong candy." Sabi ko sa kaniya.

"Candy?" Patanong nitong tanong sa akin.

Tumango ako sa kaniya, " opo candy, isang uri po iyon ng matamis na pagkain, pasok po inyo sa panlasa ng mga katulad ko rin pong bata." Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong daliri na binaba ko rin kaagad.

Hindi ako nakatanggap sa kaniya ng ilang salita dahil habang pinagmamasdan ko siya ay tila napaka lalim ng iniisip.

Maya maya lang ay narinig namin ang pagkabukas ng pinto, nakita ko naman si Ate Alyana na pumasok.

"Princess, ito na ang mga gamit na pinakuha mo." Sabi niya sa akin habang dala dala ang hindi gaanong kalaki na basket.

Tumango ako sa kaniya at tinuro ang lamesang ginagamit dito sa kusina, "Paki lapag nalang po doon Ate." Sabi ko sa kaniya na kaagad naman niyang sinunod.

Sunod ako sa kaniya, dahil sa mataas ang lamesang ginagamit nila hindi ko talaga maabot.

Palinga linga naman ako sa paligid para makahanap ng pwede kong pagpatungan.

Napansin ko naman ang isang lalaki na papalapit sa aking pwesto habang karga karga nito ang kahon na gawa sa kahoy.

Ilalapag niya sana sa harapan ko kaya umatras ako para mailapag niya.

Pagkatapos niya ilapag, tumingin siya sa akin na nakangiti kaya ngumiti na rin ako sa kaniya pabalik.

"Maraming salamat po." Pagpapasalamat ko sa kaniya at pumatong na ako sa kahon kaya naman sakto na ako sa lamesa.

Tumingin ako sa kanilang lahat na nakatingin din pala sa akin, " Hindi ko po ito kayang gawin na mag-isa kaya kailangan ko po ng tulong ninyo, pwede po ba?" Tanong ko sa kanila, nagsitinginan naman silang lahat sa isa't-isa bago nila ako tignan.

Nagulat nalang ako ng masaya silang tumingin sa aking pwesto, "Masaya po kaming tulongan ka, Prinsesa." Sabay sabay nilang bigkas kaya naman tuwang tuwa akong ngumiti sa kanila.

Sinimulan ko ng buksan ang dalang basket ni Ate Alyana, nilabas ko ang apat na candy mold ko at ang vanilla extract na ginawa ko gamit ang vanilla beans at bourbon.

6-12 months bago gamitin ang vanilla extract kaya naman dinamihan ko na ang paggawa nito habang nasa mazon mansion pa kami noon.

"Princess, ano nyang nasa bote? At itong may maraming disenyo ng parisukat at bilog?" Tanong sa akin ng head chef, hindi ko napansin na nasa tabi ko pala siya.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon