THIRD PERSON POV
( A time while Thera and General Leon having a dinner together in the house of Valor.)
Sa isang banda nagmamadaling makarating si Helios sa mazon mansion bakas sa mukha nito ang kagalakan na makita muli si Thera dahil sa loob ng ilang taon na hindi nIya ito nakita nagkaroon sIyang mission na kailangan nIyang gawin kaya naman hindi na nito nakadalaw pa simula nung araw na una niyang nakita si Thera sa mansion.
Dala dala nito ang iba't ibang uri ng pambatang laruan, at ilan pang matatamis na pagkain.
"Sana magustuhan ni lil sis ang dala ko." Nanabik na bigkas niya habang nagmamadaling maglakad.
Pumunta ito sa lugar kung saan sila nito unang nagkita ngunit hindi niya ito nahanap ang kaniya nais na makita muli, dumaretso ito sa silid tulogan ni Thera ngunit bigo itong makita siya.
"Nasaan siya? Bakit parang ang tahimik naman dito at mukhang wala ng tao dito."
Nagsimula na itong makaramdam ng kaba, kaba na hindi niya maunawaan ng mabuti.
Palinga linga ito sa loob ng silid na nagbabasakaling makita niya ito dahil inaakala nito ay tinataguan lamang siya ni Thera.
"Thera?" Tawag nito habang nililibot ang kaniya paningin ngunit wala parin siyang nakuhang sagot at hindi niya ito makita kahit anong gawin niyang paglilibot sa buong silid ni Thera.
Napatigil lamang ito sa paghahanap ng mahagip ng kaniyang mata ang isang pirasong papel na nasa lamesa na may nakapatong na maliit na kahon.
Isang liham na iniwan ni Thera bago ito umalis sa mansion.
Ang nilalaman ng liham:
Kuya Helios, Kuya Hans
Kung sino man sa inyo ang unang makakabasa nitong sulat na aking iniwan sa lamesa ng aking silid. Huwag na kayong mag-abala pang hanapin ako dahil mag-aaksaya lamang kayo ng oras kung ako man ay inyong hahanapin, baka sakali lang naman na hahanapin niyo talaga ako hehehehe.
Sa araw na ito ay inyong mabasa marahil ay wala na ako sa mazon mansion ngayon.
Patawad kung hindi na ako sa personal na nagpaalam upang ipaalam sa inyo ang aking paglisan sa tahanan kung saan niyo ako inambandona at hinayaang maghirap. May iniwan akong munting kahon, may laman iyan sa loob. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano iyan o kung paano niyo yan gagamitin o pakikinabangan dahil tiyak ako na mag kaalam kayo tungkol sa mga bagay na mayroon ang kahon na iniwan ko para sa inyo, alam kong magiging madali nalang sa inyo kung paano gamitin ang mga yan.
Yan ang simbolo ng aking pasasalamat dahil hinayaan niyo parin akong mabuhay kahit inambandona niyo ako sa palasyong wala kahit ano maliban sa mga katulong na nag-alaga sa akin. Simbolo rin ito ng aking pahingi ng kapatawaran dahil tinakasan ko ang kapalaran ko upang baguhin ito, ayaw kong mabuhay sa mundong ito na nakakulong ng habang buhay sa mazon mansion. Nais kong lumabas at makita ang ganda ng mundong ito na pinagkait niyo sa akin ng limang taon.
Sa pamamagitan ng sulat na ito pinapaalam ko rin sa inyo na dito ko na rin pinuputol ang ano mang ugnayan at katauhan ko sa inyo, hindi na ako si Thera Howard na kilala niyong inambandona at mamamatay tao dahil ako na si Thera ba pansamantalang ordinaryong tao o bata na mamumuhay sa mundong ito.
Mapait man ang mundong binungad niyo sa akin nung ako ay isinilang ngunit labis parin akong nagpapasalamat dahil may mga taong tumanggap parin sa akin, may kilala na akong taong pupuna sa mga kulang na hindi niyo ibinigay. Ang taong magbibigay sa akin ng "Pamilya" at "Pagmamahal".
Kung sakali mang pagtatagpuin ang ating mga landas balang araw, nais ko na huwag niyo akong kilalanin bilang Thera Howard. Kilalanin niyo ako sa bago at kinikilala kong totoong pagkatao o pagkikilanlan ko dahil gaya ng aking itinala sa mensaheng ito hindi na ako isang Howard. Hindi na ako si Thera Howard na ang batang inambandona niyo ng mahigit limang taon.
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Nagmamahal, Thera
PAALAM.
Habang ito ay kan'ya binabasa ay tumutulo naman ang luha nito, hindi maunawaan ang naghahalong nararamdaman...lungkot, galit, pagsisisi, at pagkadismaya sa sarili.
Ito ay hindi na bago sa kan'ya dahil ito rin ang kaniyang naramdaman nung araw na namatay ang kanilang pinaka mamahal na ina.
Ang pakiramdam na sakit dahil nawalan ng napaka importanteng tao sa buhay niya.
Ang pakiramdam ng pagsisisi dahil walang nagawang kahit ano upang pigilan ang pagkawala ng mga ito sa kaniyang piling.
Pakiramdam ng pagsisisi at galit dahil isa siyang walang kwenta para gampanan ang responsibilidad na dapat hindi na niya dapat kinalimutan.
F L A S H B A C K
"Ina!!" Magiliw na pagtawag ng isang inosenteng batang lalaki sa kaniyang ina.
"Helios" Isang mainit na yakap at halik ang giniwad nito sa isang batang sabik na sabik na makita siya.
"Ina, sinamahan ako ni Kuya Hans na mag-aliw sa bayan." Sayang bigkas nito sa kaniyang ina.
"Sa susunod isasama ko ang bunso naming kapatid kapag naipanganak mo na siya ina." Sabi nito sa kaniyang ina habang nakangiti, isang ngiting hindi matutumbasan ng kahit anumang bagay sa mundo.
Isang ngiting hindi mo akalain na mapapalitan ng isang malamig na tingin at walang emosyong mukha.
"Anak, Helios nais kong ipangako mo sa akin na bilang nakakatandang kapatid aalalagaan at poprotektahan mo ang nakakabata mong kapatid na babae." Hiling ng kaniyang ina bago pa man dumating ang araw na hindi nila inaasahan.
"Pangako Ina!" Buong pusong pagtanggap nito sa kahilingan ng kaniyang ina.
Sa hindi inaasahan dumating ang araw na magpapabago sa lahat.
"Kuya? Kuya anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang lahat?" Nag-alalang tanong nito sa kaniyang nakakatandang kapatid.
"Hindi ko alam, mukhang si Ina ang kanilang pinagkakaguluhan."
"S-Si I-Ina?" Utal na tanong niya, nakaramdam siya ng kaba at takot kaya naman tumakbo ito sa silid kung saan nanganganak ang kanilang Ina.
"Helios!"
Pagkarating ng batang si Helios sa silid, gumuho ang mundo nito ng makitang maputla ang kanilang Ina at ang iyak ng ilang katulong na nasa loon ng silid.
"I-Ina?" Tawag niya sa kanilang ina habang dahan-dahan itong lumalapit sa pwesto nito.
"A-Ano p-pong n-nangyayar?" Tanong niya ngunit walang sumasagot o pumapansin sa kaniya.
Na pa tigil siya sa kaniyang pwesto nang marinig niya ang mga katagang, "Patawad, Duke. Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya."
"Wala na po ang Duchess, wala na siyang buhay pa." Mga katagang nagpaguho ng kaniyang mundo
Magagawa pa kaya niyang tuparin ang kaniyang ipinangako sa kanilang ina kung may iba ng gagawa nito?
Thank you for reading ❤️
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...