THERA POV.
Habang naglalakad ako palayo kay Kuya Helios nakasalubong ko naman ang isa ko pang kapatid.
"Hans, Ano 'to sibling reunion?" Tanong ko sa aking isipan.
Kapwa kaming napatigil at nagpatingin sa isa't isa hindi ko alam kung may sasabihin ba siya o wala dahil lumipas na ang ilang segundo nakatayo at nakatingin lang kami sa isa't isa.
Nagpasya nalang ako na maglakad muli at hindi nalang siya pansinin, ngunit hindi pa man ako nakakalagpas sa kaniya ng bigla niya akong higitin at yakapin.
Hindi ako kumibo, hinayaan ko lang siya na yakapin ako.
Sa tagal ng pagkakayakap niya sa akin ramdam ko ang pagbasa ng balikat ko at rinig ko ang mahinang pag-iyak niya.
"P-Patawad, patawarin mo 'ko bunso," Tumatangis niyang panghihingi ng tawad sa akin.
Kanina si Kuya Helios, ngayon naman ikaw? Kuya kong mapanglait."
"Patawad bunso."
"Patawad." Paulit ulit niyang sambit kaya mahina ko siyang tinatapik sa balikat.
"Kumalas ka muna sa pagkakayakap sa akin, basa na damit ko sa luha mo eh." Pabulong kong reklamo sa kaniya para lang medyo gumaan ang mood niya.
Pagka-kalas niya sa pagkakayakap sa akin, sinuri ko ang kabuoan niyang hitsura parang walang tulog at parang pagod.
"Pinapabayaan mo po ba ang iyong sarili?" Tanong ko sa kaniya.
Parang hindi niya inaasahan ang tanong ko sa kaniya, "H-Hindi." Nakayuko niyang sagot sa akin.
"Sinungaling." Biglang bigkas ko sa kaniya na ikinagulat niyang tingin sa akin.
"Sa mukha mo palang halata na hindi mo inaalagaan ang sarili mo." Inis kong pagkakasabi sa kaniya.
Para siyang tinakasan ng kaluluwa sa katawan dahil sa sinabi ko sa kaniya, " Inaala—"
"Sinungaling! Ayaw ko pa naman sa lahat ang sinungaling" Pagputol ko sa sasabihin niya at naiinis na nakatingin sa kaniya.
Nagtaka naman ako ng yumuko siya, "H-Hindi ka ba galit?" Tanong niya sa akin, nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya.
"Syempre galit." Agad kong sagot sa kaniya kaya naman nasa akin na ang atensyon niya hindi na siya nakayuko pa.
"Pero Kuya ko pa rin kayong dalawa at hindi magbabago yun kahit may iba na akong pamilya." Dagdag ko at ngumiti sa kaniya.
Hindi ko alam pero may kunting kirot akong naramdaman ng makita ko siyang umiiyak habang nakatingin sa akin.
"I-Ibigsabihin p-pwede pa rin kaming maging Kuya sayo?" Umiiyak na tanong niya sa akin habang ang mga mata niya na punong puno ng pag-asa.
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kaya yumakap ako sa kaniya at umiyak na rin.
"Pwede, pwedeng pwede Kuya Hans." Umiiyak kong sabi sa kaniya ngunit hindi lungkot kundi......saya.
Nanatili lang kami sa ganung posisyon nakayakap sa isa't isa habang umiiyak, maya maya lang ay naramdaman ko na may isa pang tao na nakayakap sa amin.
"Umalis ka kanina tapos kay Kuya Hans ka lang pala nakipag-ayos, madaya ka bunso." Tampo niyang reklamo sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at kumalas na kay Kuya Hans.
Napatawa ako sandali ng makita ko siyang pulang pula na ang mga mata niya sa kakaiyak.
"Tinawanan mo pa talaga ako ahh." Reklamo niyang nakanguso pa sa akin.
Nakatanggap naman siya ng batok kay Kuya Hans kaya naman pigil ang tawa kong nakatingin sa kanila.
"Arghh Kuya naman!" Daing niya habang nakahawak sa batok niya.
"Umayos ka nga, parang mas bata kapa kumpara sa bunso natin eh." Saway sa kaniya ni Kuya Hans dahilan para ayusin nito ang sarili.
"Saan ka ngayon nakatira bunso? Sino na ang pamilya mo ngayon?" Tanong niya sa akin ramdam ko naman lungkot niya sa pangalawang tanong niya sa akin.
"Tumitira ako kay Dada, inampon niya ako." Sagot ko sa kaniya.
"Sinong Dada?"
Sasagutin ko sana ang panibago niyang tanong ng may iba nang sumagot.
"Si General Leon tama ba? Binanggit mo kanina ang buong mong pangalan sa akin." Sabi ni Kuya Helios.
"Thera Roxiae Valor, walang ibang Valor sa kahariang ito kundi ang General Leon lamang." Dugtong niya sa kaniyang sinabi.
Tumango na lamang ako sa kaniya para ipakitang tama lahat ng sinabi niya.
"Alam ba niya na kami ang totoo mong pamilya?" Tanong ulit ni Kuya Hans.
Tanong na hindi ko inaasahan na itatanungin niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"Bakit?"
Napahinga ako ng malalim bago ako nagsalit, " Hindi pa ako handa baka kasi isipin ni Dada na iiwan ko siya." Sabi ko at huminto na muna
"Baka ibalik niya ako sa inyo." Mahinang sabi ko sa kanila, tama lang na marinig nila ang sinabi ko.
"Ayaw mo na bang bumalik sa amin bunso?" Malungkot na tanong sa akin ni Kuya Hans.
"Kuya." Tawag sa kaniya ni Kuya Hans kaya nagkatinginan sila, tingin na nagpapahiwatig ng sagot.
"H-Hindi na, ayaw ko ng mawalay pa kay Dada." Buong loob kong sagot sa kaniya kahit sa kaloob loob ko ay parang hinahati ako sa kirot na nararamdaman ko.
Sabay silang dalawa na yumakap sa akin kaya naman yumakap na rin ako pabalik sa kanilang dalawa.
"Ayos lang, kami naman ang may kakagawan para mawala ka sa amin eh, basta ang mahalaga masaya ka." Malambing na pagkakasabi ni Kuya Hans.
"Kuya mo pa rin naman kami diba? Sapat na yun sa amin dahil magagawa na namin ang responsibilidad namin bilang nakakatandang kapatid mo." Sabi naman ni Kuya Helios.
Kumalas na silang dalawa sa pagkakayakap sa akin at ginawaran ako ng isang ngiti.
"Salamat Kuya Hans, Kuya Helios." Abot tenga kong ngiting nagpasalamat sa kanilang dalawa.
"Oh! Princess nandiyan ka lang pala." Rinig kong sabi ng isang kilalang boses.
Nakita ko naman na palapit sa pwesto namin si Kuya Dale.
Kita ko ang pagtataka sa mukha niya ng makita niya sila Kuya Hans at Kuya Helios.
"Kilala mo ba sila Princess?" Tanong niya sa akin pagkadating niya sa pwesto ko.
Bago ako sumagot sa kaniya kinarga niya ako at sandaling hinalikan ang pisnge ko.
"Kuya ko rin po sila, Kuya Dale." Inosenteng sagot ko sa kaniya.
Nagulat naman ako ng magbago ang ekspresyon niya at matalim na tumingin kila Kuya Hans at Kuya Helios.
"Ako lang Kuya niya." Sabi niya sa kanila habang matalim paring nakatingin sa kanilang dalawa.
Napa 0 naman ako ng makita kong hindi sila natinag kay Kuya Dale, nagbago din ang ekspresyon nilang dalawa naging walang emosyon.
"Si Thera na mismo nagsabi General Dale, KUYA din kami ni Thera." Walang emosyong usal ni Kuya Hans kay Kuya Dale.
"Princess" tawag sa akin ni Kuya Dale na kaninang masamang nakatingin sa dalawa, ngayong nasa harap ko naman ay parang isang tutang nagmamakaawang bigyan ng pagkain ng kaniyang amo.
Napabuga ako sandali bago ko hawakan ang magkabilang pisnge ni Kuya Dale.
"Mahal po kita Kuya Dale, pero Kuya ko rin po sila." Kalmadong pagkasabi ko sa kaniya at ngumiti.
"Ahhh!! Ang cute mo Princess!" Panggigil nito sa akin.
"Rinig niyo yun? Mahal niya ako." Pang-iinggit niya sa dalawa na wala din namang pakeng nakatingin sa kaniya.
————————————————
Maraming salamat po sa pagbabasa at sa paghihintay sa updates ng THERA. Ingat kayong lahat.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...