Chapter 31-edited

2.2K 90 6
                                    

H A N S  POV

"B–Bakit? Bakit mo siya hinahanap ha?!" Sigaw niya kay Ama, nagsimula namang mangilid ang kanilang luha niya habang nakatingin siya kay Ama na parang wala sa kaniyang sarili.

"A—"

"Wala na siya! Nang dahil sayo kaya wala na siya!" Putol ni Helios sa sasabihin ni Ama

"Nandito ka ba para malaman kung buhay pa siya? Para ano? Para pahirapahan siya at iparamdam sa kaniya na hindi mo siya kinikilalang anak?." Galit nitong tanong  niya kay Ama na siya namang sunod na pagtulo ng luha niya.

Kita ko ang paggulat sa mga mata ni Ama, nanatili siyang nakatayo sa kaniyang kinatatayuan.

Umiwas naman ng tingin sa kaniya si Helios, "Huli na, hindi na siya babalik pa." Mahinang ani 'ya ngunit rinig pa rin namin, rinig ko ang paghikbi niya ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko rin alam kung ano ang dapat kung maramdaman,  magagalit ba ako? Dahil hinahanap ni Ama si Thera o mamaaawa dahil sa sitwasyon ng aming Ama?

Pagkatapos maproseso sa utak niya lahat ng sinabi ni Helios, hindi ko inaasahan ang biglaang paluhod na pagbagsak niya at ang reaksyon na ngayon ko lang muli nakita.

Reaksyong hindi tanggap ang pangyayari may nawalang mahalagang tao sa buhay niya.

"Bakit Dad? Bakit ngayon mo lang napagtanto ang lahat? Huli ka na para magsisi!" Mga salitang gusto kong sigaw sa kaniya ngunit hindi ko kaya dahil maski ako ay naging parte din sa pagtalikod kay Thera noon.

Mapait na lamang ako napangiti habang binabalikan ang mga alaalang hinding hindi ko makalimutan.







F L A S H B A C K

"Duchess! " Sigaw ng iba sa loob ng silid ni Ina habang ako ay nanginginig sa takot na lumalapit sa gilid ni Ina.

Kita ko ang unti unting pamumutla ng mukha ni Ina at ramdam na ramdam ko ang paghina ng tibok ng puso niya.

Napalingon naman siya sa gawi ko at pilit na ngumiti,  "H–Hans." Nanghihinang tawag niya sa akin.

"A-Anak ko patawad, pakiusap alagaan mo ang iyong kapatid.....p-protektahan  m-mo  s-siya." Bilin ni Ina bago niya ipikit ang kaniyang mga mata.

Simula nun nagsimula ng mas lalong magkagulo sa loob ng silid may iilan na humahagulgol na sa iyak habang ako kay nanatiling nakatingin kay Ina.....nagbabasakaling gumising siya.

Hanggang sa.

"Ano ba! Bakit hindi nagigising ang Asawa ko? Sinabi kong pagalingin niyo siya!" Malakas na sigaw ni Ama sa mga manggagamot, nagising ang diwa ko dahil dun.

"Patawad Duke ngunit wala na ang Duchess." Malungkot na paghihingi ng tawad ng katastaasang healer.

"Hindi! Pinaka makapangyarihang healer ka diba? Pagagalingin mo ang Asawa ko!" Sigaw ni Ama sa kaniya.

Umiiling siya kay Ama, "Patawad, nasa limitasyon na ang kapangyarihan ko." Ani 'ya na siyang kinaguho ng mundo ko.

Ramdam ko naman ang pagkawala ng malakas na aura ni Ama ngunit sinawalang bahala ko na lamang iyon dahil pinagmamasdan ko si Ina habang may mga luhang tumutulo sa aking mukha.

"Mom." Mahinang tawag ko sa kaniya.

"Uwahhh, uwahhh." Iyak ng sanggol kaya napadako ang tingin ko sa tapat na tagapag silbi ni Ina dahil karga karga niya ito.

Lungkot at saya ang naramdaman ko ng makita ko sa malayo ang kapatid naming isinilang. Lalapitan sana ako sa pwesto nila ng bigla nalang magsalita si Ama.

"Ibigay mo sa akin ang batang yan." Walang emosyong utos ni Ama sa tagapag silbi ni Ina ngunit hindi siya sinunod nito umiiyak siyang umiiling kay Ama.

"Sabing ibigay mo sa akin ang batang yan! Nang dahil sa kaniya namatay ang asawa ko........buhay sa buhay." Ani 'ya na nagpatigil sa akin, nangilabot ako ng makita ko ang reaksyon ni Ama, galit. Na kahit ano mang oras ay kaya niyang pumatay.

Puno naman ng takot ang tagapag silbi ni Ina ngunit lakas loob siyang yumuko kay Ama, "pakiusap, wag niyo po siya patayin nakikiusap po ako Duke.....a-ako ng bahala sa kaniya, h-hayaan niyo po akong alagaan siya." Pagmamakaawa niya kay Ama.

Ngunit hindi siya pinakinggang ni Ama, sumugod si ama sa kanila ngunit mabilis namang umilag ang tagapag silbi at bigla nalang naglaho.

"Hanapin sila at dalhin sa akin!" Utos na ama na agad kung ikinaalarma, binalutan ko ng yelo ang buong pituan para hindi sila makalabas.

"Hans!" Sigaw ni Ama sa akin.

Nanginig naman ako sa takot ngunit lakas loob ko siyang hinarap, " Hayaan mo siya Ama!"

"H-Hayaan  m-mo silang  m-maghirap ng sa ganun ay  m-maranasan n-nila ang hirap at s-sakit na dinadanas natin ngayon" lakas loob kong sabi kay Ama.

"Patawad, patawad bunso hindi ko pa kayang harapin ang responsibilidad ko bilang nakakatandang kapatid mo." Malungkot turan sa aking isipan.

"Simula sa araw na ito ayaw kong makarinig ng anumang tungkol sa batang iyon, wala akong anak na mamamatay tao, abandonahin ang mansyong ito pati na ang mga walang kwentang katulong rito." Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Ama matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

E N D   O F   F L A S H B A CK






Alam kong alam ni Ama na dito nanirahan sila Thera dahil pinaalam niya ito kay Butler Vin, gaya ng sinabi niya noon tuloyan nga niyang inambandona ang mansyon ni Ina kasama na doon ang mga nanilbihan kay Ina pati na si Thera.

"W-Wala  n-na?" Wala sa kaniyang sariling tanong sa harap namin.

Lalapitan sana siya ni Helios pero pinigilan ko siya, batid ko ang galit na nararamdaman ni Helios.

Lumapit ako ng kunti sa pwesto ni Ama, hindi ko akalaing makikita ko siyang wala sa kaniyang sariling katinuan.

"Bakit mo pa siya hinahanap kung hinayaan mo na siyang makuha ng iba, Ama?" Tanong ko sa kaniya.

"Hinayaan kong makuha ng iba? A-Akala ko ba w-wala na siya?" Tanong niya rin sa akin.

"Wala na nga siya sa atin dahil pina ampon mo siya sa ibang tao." Nagtitimping inis kong sabi sa kaniya.

"Pina ampon? "Dismayadong tanong niya sa akin.

"Pina ampon mo siya kay General Leon!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hinayaan mong ampunin siya ni General Leon, kaya anong klaseng kadramahan yan ama? Hindi ba't wala ka namang paki sa kaniya."

"Hi-Hindi ko alam na siya ang batang yun." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Dahil wala kang pakielam sa kaniya! Hindi ka nga nagdalawang isip na ipaampon si Thera sa kaniya eh!" Muli kong sigaw sa kaniya.

"K-Kukunin ko siya." Sabi niya at nagmadaling tumayo ngunit agad ko siyang inambahan ng suntok sa mukha para magising siya.

"Wag mo siyang guluhin! Hindi na siya babalik pa sa atin, hindi na niya gustong bumalik sa atin!" Galit kong sabi sa kaniya, bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat sa pagkasuntok ko sa kaniya.

"Kami na ang makakalaban mo DAD, kapag sasaktan mo ang bunso namin." Banta ko sa kaniya at saka ko hinala si Helios pa umalis.

"Kuya." Rinig kong tawag sa akin ni Helios habang nagkakalad kami.

"Kausapin natin si General Leon." Sabi ko sa kaniya.









Pasensya na kung ngayon lang ulit nakapag update,  inayos ko lang lahat dito sa bagong gadgets na gagamitin ko. Maraming salamat sa pagbabasa ng THERA. Ingat kayong lahat❤

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon