THERA POV.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng maramdam ko naman ang init ng sinag nang araw.
Pagkamulat ko sa mga mata ko tinignan ko ang paligid ko, kaagad kong nakita ng tatlong Prinsipe sa gilid ng kama ko habang seryosong nagbabasa ng libro nila.
"Bakit sila dito nagbabasa?" Tanong ko sa aking isipan.
Gulat namang napatingin sa akin si Prinsipe Jihan nung magtampo ang aming mga mata.
"Buti gising ka na." Sabi niya at binaba ang kaniyang librong binabasa.
Dahil sa pagsalita ni Prinsipe Jihan, napatingin na rin sa akin ang dalawa pang Prinsipe.
"Hah, gising ka na Xixi." Masayang usal ni Prinsipe Jairto sabay lapit sa akin.
Dahan dahan ko namang binangon ang sarili ko sa pagkakahinga dahil ramdam ko ang gutom at uhaw.
"T-Tubig." Utal kong sabi dahil sa uhaw.
May maid naman na nagmamadaling kumuha ng tubig at binigay sa akin, paglabigay niya sa akin kaagad kong ininom.
Habang umiinom ako ng tubig, "Dalawang araw ka ng walang malay." Rinig kong sabi ni Prinsipe Jovan kaya naibuga ko ang kunting tubig na ininom ko.
"Y-Young miss, ayos lang po kayo?" Nag-aalalang tanong sa akin nung maid na nag-abot sa akin ng tubig.
"Ayos lang po, nagulat lang po ha ha ha." Sagot ko sa maid.
Tumingin ako sa mga Prinsipe at, "Totoo bang dalawang araw na akong walang malay?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.
Sabay sabay naman silang tatlo na tumango sa akin, "Dalawang araw nga dahil dalawang araw na rin kami nandito na hinihintay kang magising." Sabi sa akin ni Prinsipe Jovan habang nakangiti, napatulala naman ako sa kaniya dahil ito yata ang kauna unahang makita ko siyang nakangiti ng maganda sa paningin?
Anong meron? Naka kain ba siya ng hindi maganda kaya good mood siya ngayon?
"A-Ah, s-salamat." Nahihiya kong usal sa kaniya.
Mas lalo akong nahiya nung biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom, pulang pula tuloy ang mata ko habang nakayuko at hawak ang tiyan ko.
"Hahaha, mukhang gutom ka Xixi." Natatawang sabi ni Jairto kaya naman hindi ko makuhang tignan sila.
"Kumuha kayo ng pagkain para kay Thera at paki sabihan sila Mama, Papa, at Tito na gising na si Thera." Rinig kong utos ni Prinsipe kaya napaangat ako ng ulo.
"Tiisin mo muna, hintayin mong bumalik ang maids na kumuha ng pagkain para sayo." Sabi sa akin Prinsipe Jihan na nakangiti.
Sasagot sana ako sa kaniya ngunit nagulat ako ng may narinig akong iyak ng baby
"Waah! Waah!" Sunod sunod na iyak ng baby kaya hinanap ko kung saan yun, napatingin ako sa kabilang gilid ng kama ko nakita doon ang isang malaking higaan na para sa mga baby.
"Bakit nandito rin ang mga baby? Wala pa ba silang kwarto?" Sunod sunod kong tanong sa aking isipan.
"Waah! Waa!" Iyak ulit ng babies kaya naisipan kong tumayo sa higaan ko at lapitan sila kahit nanghihina ako sa gutom ngayon.
"Thera! Kami na bahala nanghihina ka pa." Pagpigil sa akin ni Jovan pero hindi ko siya pinakinggang.
Tinignan ako ang mga babies sa unang tingin ko sa kanila umiiyak pa rin silang tatlo pero ng magtagpo ang mga mata naming araw natigil silang umiyak.
BINABASA MO ANG
T H E R A (EDITING)
RandomIvory known as Alvara is an abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read before her death. She became Thera Howard the abandoned daughter of Duke Alaric Howard. BOOK 1: CO...