CHAPTER 7

3.4K 140 2
                                    


THERA POV

Pagkatapos ng nangyari kanina sa pagitan naming tatlo nila General Leon at General Dale, panandalian akong nawala sa aking isipan dahil naalala ko kung gaano ang delikado ang dalawang taong yun.

Pero wala naman silang ginagawang masama sa akin kaya ayos lang, baka sila pa makakatulong sa akin makaalis sa mansion na ito.

Si General Leon at General Dale na parehas na binansagan na halimaw sa pakikidigma dahil sa taglay nilang lakas at kakayahan.

Parehas din silang pinapaburan ng Emperor, kumbaga isa din silang noble kahit General silang dalawa....sa pagkakaalala ko kapantay nila sa posisyon ang duke.

Hindi ko akalain na ang dalawang taong yun ay magiging konektado ako sa kanila lalo na parehas nila akong gustong ampunin.

Kahit malas ako eh, magkakaroon pa rin ako ng swerte minsan.




F L A S H B A C K

"Kukunin kita mamayang gabi dahil doon ka na sa bahay ko titira." Nakangiting sabi sa akin ni Dada

"Bakit? Bakit gusto niyo po akong ampunin?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya dahil hindi pa ma proseso sa utak ko ang nangyayari ngayon.

Ako na bata palang ay mamamatay tao na ang tingin sa akin ng lahat, kaya tinatanong ko sa aking sarili kung may tatanggap pa ba sa akin? Lalo na sa kamalasang dala-dala ko sa ibang tao.

"Dahil gusto kita maging anak." Sabi niya habang nakangiti pa rin sa akin.

Napaiyak naman ako habang nakatingin sa kaniya, "T-Talaga po?*hic*" Naiiyak kong tanong sa kaniya.

Ito ang kauna-unahang na may taong gusto ako bilang maging anak nila, may tao pa rin pala na gusto ako.

"Shss....Oo naman, gaya ng sabi ko kanina pinoproseso na ang pag-ampon ko sayo, kaya payag ka ba na ampunin kita?" Tanong niya sa akin, hindi pa rin naalis ang ngiti sa kaniyang labi at pinunasan niya ang luha ko sa mukha.

Bakit pa siya nagtatanong kung payag ako na ampunin niya akong pinopropeso na pala? Pero pagkakataon ko na ito at hindi ko na sasayangin pa.

Labis ang tuwa at saya sa puso ko dahil may matatawag na akong pamilya, may mauuwian na akong Ama.

Masaya akong ngumiti sa harapan niya, "Opo, payag po akong magpa-ampon sa 'yo." Sabi ko at niyakap ko siya.

Hindi ko na iisipin kung paano ako makakaalis dito kung aampunin niya ako, mas napaaga pa nga ang pag-alis ko rito.

"Young miss?" Rinig kong tawag sa akin ni Ate Alyana kaya napatingin ako sa kaniya, gulat siyang napatingin sa amin lalo na kay Dada.

"G-General L-Leon, kayo po p-pala." Utal utal na bigkas ni Ate Alyana.

"Ikaw ba ang nag-aalaga kay Thera?" Tanong ni Dada sa kaniya.

"O-Opo, ako nga po ang nag-aalaga sa kaniya at saka yung iba pa pong maids na nandito." Sagot niya kay Dada habang kinakabahan pa.

"Ayusin mo ang gamit niya pati na rin ang sa inyo, susunduin ko kayo mamaya at simula bukas sa akin na kayo magtatrabaho." Utos sa kaniya ni Dada na siya namang kinagulat ni Ate Alyana, napatingin siya sa akin ngunit ningitian ko lamang siya.

Sigurado akong gulat na gulat niya sa nangyayari o naguguluhan.

"Ano po-"Hindi natapos ang sasabihin niya ng putulin ni Dada ang sasabihin niya sana.

T H E R A (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon