-
Grabe! Talagang pagod na ako ha. Pagod na pagod na pagod ako ngayong araw na ito. Sumasakit na nga ulo at katawan ko sa sobrang dami ng pinapagawa ng mga teacher saamin tapos sabay-sabay pa. Pati ba naman sa pagbibigay ng requirements, nagpapabibuhan itong mga 'to?
Malapit na ang final exams. Hindi ako makapaniwala na ilang buwan na lamang ay magkokolehiyo na ako. Sa wakas, maaabot ko na rin ang mga pangarap na inilaan ko para sa sarili ko.
Sigurado akong marami akong mamimiss sa high school life ko. Malamang ay magi-iba na ang lahat pagkatapak ko ng kolehiyo. Hindi lang ako makapaniwala na una, nakapasa ako sa entrance exam ng dream university ko at pangalawa, nakapasa ako sa exam ng scholarship na ina-applyan ko.
Wala akong inexpect sa buhay ko kundi maayos ang magiging journey ko pero sobra-sobra ang mga blessings na ibinibigay saakin ni Lord.
Ngayong gabi, marami na naman akong tatapusin na mga requirements. Hirap talaga pag graduating ka na lalo na kung nasa star section ka dahil nasa'yo ang pressure at expectations. Halos pinapabilis na din kasi ng mga teachers ang pag-pasa ng requirements dahil mauuna kaming mga graduating na magtake ng exams at pagkatapos ay practice na lamang ang magaganap. Hays.
Nag-palit na ako ng damit pantulog saka na humiga sa kama ko. Doon lang na-relax ang buong katawan ko. Para akong lantang gulay. Sobrang nanghihina ang bawat parte ng katawan ko. Kaya nga siguro ilang minuto pa lang ay nakatulog na ako sa sobrang pagod ko.
This is really a tiring day. Kailangan ko ng pahinga at tulog.
~*~*~
"Isuot mo to lagi para protektado ka. Don't wear it off, okay?" sabi ng lalakeng hindi ko kilala na may katabing babae. Pareho silang nakasuot ng itim na cloak. Maamo ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga mata ay nangungusap.
Sino sila? Hindi ko sila kilala.
Teka, nasaan ba ako? Atsaka ano daw? Protektado? Protektado saan?
"Halika na." sabi ng babae sa lalake saka nila ako hinalikan sa noo at naglakad na palayo. Papalayo mula saakin. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero wala akong makita kundi kulay itim.
May bumuhat naman saakin na isang babae. 'Di ko makita ang mukha niya pero parang kilala ko siya. Parang ang pamilyar ng mukha niya.
Ano ba'ng nangyayare?
Hangga't sa nag-iba ang paligid at napagtanto kong nasa tabi kami ng dagat. Akmang sasakay na sana ang babaeng naka-hawak saakin nang makarinig kami ng isang malakas na parang sumabog na ewan. May nakikita na rin akong mga usok sa kalangitan. Nilingon iyon ng babae ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay agad-agad itong umakyat sa bangka.
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak lamang ng umiyak nang biglang kumanta ang babaeng nakahawak saakin.
Nagtataka ako sapagkat walang sumasagwan sa bangka ngunit gumagalaw kami. Papalayo sa tabi ng dagat, papalayo sa kung saan nanggagaling ang usok at apoy.
Tanging ang naririnig ko lamang ay ang matamis na boses ng babaeng kasa-kasama ko. Sakanya lamang nakatuon ang aking tingin na para bang may mahika ang boses niya.
*BOOGSH*
~*~*~
"Lola!" sigaw ko nang makagising ako. Bumungad saakin ang study table ko pagkamulat ko ng mga mata.
Panaginip lang pala.
Napapikit ako ng mata saka bumuntong hininga na sinabayan ko pa ng pag-himas sa aking ulo at sentido. Nang mapunta ang aking kamay sa leeg ay naramdaman ko ang kwintas na may heart-shaped pendant sa gitna na pinalibutan ng diamond circle shaped na mga bato.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...