Chapter 26: Kiss

6.7K 199 1
                                    

--

Napaikot ang aking tingin sa kwarto kung saan ako naroon. Nasa Topaz Kingdom ako? Wow. Kaya para halos dilaw ang kulay ng lahat ng parte nito.

"Ah hello Sh-Shine." sabi ko sakanya.

"Ikaw si Princess Elizabeth ng Diamond Kingdom. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka sa tahanan namin." Napangiti ako roon.

"Malaking bagay na ba 'yon?"

Napatawa siya ng marahan. "Pasensya ka na. Ang Diamond Kingdom kasi ang pinakamataas sa lahat ng kingdoms sa Enchanted World. Sa Pretiosa Concilium, ang Diamond King and Queen ang pinakamataas kaya isang privilege na nandito ka sa aming palasyo."

"Uhm Pre-Pretiosa—"

"Pretiosa Concilium." Napangiti siya pero napakunot ang aking noo.

"Sorry pero ano 'yon?"

"Iyon ang tawag sa council ng lahat ng kingdoms sa tuwing nagtitipon-tipon sila para sa isang meeting."

Pretiosa Concilium.

Hindi ko alam na may gano'n palang bagay. Ngayon ko lang napagtanto na marami pa pala akong dapat matutunan.

Napatango na lamang ako 'saka sumandal sa headboard ng kama. Tumayo si Shine atsaka kumuha ng tsaa mula doon sa mesa na katabi ng kama ko 'saka ito inabot sa akin.

"Salamat." Sabi ko bago iyon inabot.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin. Ibinaba ko ang maliit na baso na hawak ko saka tumango kahit na ang totoo ay naguguluhan pa rin ako sa kung ano ba ang mga nangyari.

"Ano ba'ng nangyare?" tanong ko sakanya.

"Naglalakad ako sa loob ng Enchanted Forest nang makita kita. Nahimatay ka kasi hinawakan mo ang gray rose. Also known as Dark Rose." Paliwanag niya.

Doon ko naalala na oo nga pala, nakatagpo ako ng isang grey rose na nagdulot sa akin ng kasiyahan kaya kinuha ko ito sa poste. Pagkatapos no'n, wala na akong maalala.

"Ang grey rose, kapag hahawakan mo ito ay mahihimatay ka at magkakaroon ng panaginip. Iyon ay isang paraan upang ihatid o ipakita saiyo ang kapalaran mo. Pwede rin naman na kabaliktaran ang dala no'n."

Napakunot ang aking noo. Iyong ikakasal ako kay Lio pero naging si Deatro. Ibig sabihin, pwede rin na magkatotoo iyon? Pwede rin na kabaliktaran?

Hindi ba parang ang weird?

"Gano'n ba?"

"Huli na no'ng nakita kita. Nahawakan mo na ang grey rose kaya napagpasyahan kong idala kita dito sa palasyo."

Ngumiti ako. "Salamat, Shine. Utang ko sa'yo ang buhay ko."

Tinapik niya ang ulo ko. "H'wag kang mag-alala. Kaibigan mo ako simula ngayon."

Maganda rin ito para umayos ang pakikisalamuha ko sa mga tao.

"Shine, salamat sa pagligtas sa akin pero mukhang kailangan ko na umuwi."

"Teka, hindi ka pa kumakain. Tsaka gabi na, uuwi ka pa? Baka mapano ka sa daan."

"Baka naga-alala na ang mga tao sa palasyo. Hindi kasi nila alam na lumabas ako at gumala. Doon na lang din ako kakain."

"Hayaan mo na ihatid kita pauwi." Tumango na lang ako 'saka ngumiti.

~*~*~

"Shine, salamat sa paghatid. Hindi naman kinakailangan pero salamat pa rin." sabi ko sakanya saka ngumiti.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon