Chapter 30: Undefine Feeling

6.1K 173 8
                                    

--

Nagulantang ang aking mundo nang saksakin ni Deatro si Lio sa kanyang tagiliran. Sinubukan kong tignan ang kanyang sandata kung meron ba itong maitim na kapangyarihan na dahilan ng pagkamatay ng aking mama.

Ngunit maswerte pa si Lio dahil wala itong itim na kapangyarihan.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang atakihin si Deatro. Malamang ay ang Sinata ang nagtulak sa akin upang kalabanin ito.

Ginawa ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Lena Meghan at kung nandito lamang siya, alam kong proud siya sa akin.

Hinarang ko si Sinata upang hindi maitama sa akin ni Deatro ang kanyang sandata. Alam kong nainis siya sa ginawa kong iyon dahilan para mapaabante siya muli.

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang sandata at ang lakas na taglay nito.

"Give up, Liza. You know you can't win over me."

Umiling ako bago inikot si Sinata sa aking kamay at hinarang ng mabilis ang bawat kanyang pag-abante hanggang sa napalipad ko ang kanyang sandata.

Tinadyakan ko siya sa kanyang dibdib dahilan para mapaupo siya. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang lakas na dumadaloy sa aking mga braso at binti ngunit sa tuwing nagpapakita sa aking isipan ang hitsura ni Lio na sinaksak ay iyon ang nagpupursigi sa akin upang kalabanin si Deatro.

"This isn't over." Sabi niya no' bago ko siya sinaksak sa kanyang puso dahilan para mag-iba ito ng anyo at naging abo.

Alam kong hindi pa patay si Deatro dahil ang kanyang ulo ang kailangan kong makuha upang masigurado na wala na talaga siya sa mundong ito.

Walang sino man ang maaaring makasira ng kapayapaan na tinataglay ng Diamond Kingdom. Kahit sino, kahit pa si Deatro.

Bumigat ang aking mga mata at tila ba naramdaman ko ang pagod at panghihina nang marinig ko ang pagtawag ng aking pangalan mula sa aking likuran.

"Liza!"

Paglingon ko ay nakita ko sina James na buhat-buhat si Lio sa kanilang mga braso. Napatakbo ako roon.

Hinawakan ko ang kanyang palapulsuhan upang masuri kung meron pa ba siyang pulso. Tinignan ko sina mama at papa bago si Lio. Nagtutubig na ang aking mga mata ngunit pinigilan ko ang pagbagsak nito.

"Lio, please.." sabi ko kay Lio. Nakaawang ang kanyang bibig at nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi na siya gumagalaw o nagsasalita at ang kanyang mga kamay ay hinaharangan ang kanyang sugat.

Duguan ang kanyang suot mula sa mga dugo na lumalabas mula sa kanuang tagiliran kung saan ito tinamaan ni Deatro.

Hanggang sa napansin ko na may umiilaw sa loob ng aking suot. Inilabas ko ito at napagtantong ang kwintas ko pala iyon. Nang ilapit ko sa aking mukha ay napansin ang likidong kulay dilaw sa loob nito, katulad ng likido na nakita ko noong mahimatay si Queen Cigam.

"Liza, akin na 'yang kwintas mo." sabi ni Knight at sa sobrang pagkataranta ay hinubad ko na nga ito at inabot sakanya

Binuksan iyon ni Knight na para bang isang locket bago inilapit ang kwintas sa bibig ni Lio at pinatakan iyon.

Makalipas ang ilang Segundo ay napansin kong tumigil na ang paglabas ng dugo mula sa kanyang tagiliran. Nang buksan ko ang kanyang damit ay wala na rin iyong sugat.

Tinignan ko ang mukha ni Lio at bumalik na ang tunay na kulay ng balat nito. Pati ang kanyang bibig na kanina'y puti ay naging pula na.

Nabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng pag-asa ang aking mukha.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon