--
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa office ni papa katulad ng sinabi niya sa akin kanina. Kasama ko iyong apat na nakasunod lamang sa aking likuran.
Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ni papa ay huminga muna ako ng malalim at hinawakan ang doorknob ng pintuan nito.
Akmang pipihitin ko na sana ito nang bigla akong hilain ni Lio sa isang tabi. Isinandal niya ako sa pader 'saka ako tinignan.
"Ano?" tanong ko sakanya.
Lumapit naman siya sa aking tenga bago bumulong. "I love you."
Biglang lumundag ang aking puso nang marinig iyon. Naramdaman ko ulit ang milyon-milyong mga paru-paro na nais kumawala sa loob ng aking tiyan.
Tinignan ko siya 'saka ngumiti at tumango. "Oo na."
Lumayo na siya sa akin habang ako naman ay tumayo ng maayos. Humarap muli ako sa pintuan at tuluyan na akong pumasok sa loob ng office ni papa.
Nadatnan ko siyang nakadungaw sa malaking bintana na nasa likod ng kanyang mesa.
Isinara ko ang pintuan bago naglakad papalapit sa mesa ni papa.
"Pa?" hinarap niya ako bago umupo sakanyang upuan. Itinuro niya sa akin ang upuan na nakapwesto sa harapan ng kanyang mesa.
"I want to tell you something Elizabeth." Sabi nito sa kanyang seryosong boses.
Bigla akong kinabahan. Iilang beses lamang ginagamit ni papa ang kanyang seryosong boses sa akin. Mukhang hindi ito magandang balita.
"Ano 'yon pa?" tanong ko ng may halong kaba.
"You see," panimula nito. "King Emillio is a good friend of mine. He's my bestfriend."
"Okay po."
"We had this agreement that his youngest child and my youngest child are going to marry each other once they turn 20."
"Okay. Ano pong kinalaman ko—"
Nang mapagtanto ko na ako ang bunsong anak ay bigla akong napatigil. Ibig sabihin no'n ay ako ang magpapakasal sa bunsong anak din ni King Emilio.
"Elizabeth, once you turn 20, I want you to marry Prince Lionardo."
Tila ba para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari pagdating ko pa lamang ng Enchanted World. Magmula no'ng nalaman kong ako ang nawawalang prinsesa, no'ng nalaman kong buhay ang aking mga magulang at kapatid, na ako ang nakatakdang makikipaglaban kay Deatro, lahat ng 'yon ay bumalik sa akin.
Tapos ngayon, malalaman ko na lamang na ako pala ay arranged marriage sa isang prinsipe na hindi ko naman kilala.
Bakit ako pa? Bakit hindi nalang iyong ibang mga prinsesa diya'n? Masyado na akong maraming iniisip tapos dadagdag pa ang mga ganitong bagay.
Napabuntong hininga ako. "Pa,"
"I hope you understand that we, the Smyth honor our word. Hindi natin pinapabayaan ang mga pangakong ginawa natin."
Napahawak ako sa aking ulo."Bakit hindi mo po ito sinabi sa akin noong una pa lamang, pa?"
Tinignan ko siya ng may kasamang lungkot. Hindi ko aakalain na ibebenta lamang ako ng sarili kong ama.
"Pa, patawad pero hindi ako sumasang-ayon sa bagay na ito." Iyon lang ang tangi kong nasabi bago na tumayo at lumabas sa office ng aking ama.
Nang makalabas ako rito ay hindi ko na pinansin ang apat na naghihintay sa akin sa labas. Tinawag nila ang aking pangalan ngunit hindi ko sila nilingon.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...