-
"So Elizabeth, how was Queen Cigam?" singit ni papa habang naguusap sila ni mama dito sa may dining area. Kwinento ko ang lahat ng nangyari with Lio and Jameson behind me.Pati na rin iyong insidenteng muntikan na akong mahulog.
FLASHBACK
Habang naglalakad kami pabalik ng kingdom, napagdesisyunan kong mag-open ng topic dahil sobrang tahimik ng paligid. Yung tipo bang nakakabingi. Isa pa, naging komportable na din naman ako na kasama si Lio kaya ayos na sa'kin.
Hindi ko lang alam kung gano'n din siya sa akin.
"Nasaan 'yong tatay ni Ate Glimmer?" tanong ko kay Lio. Hindi ko kasi siya nakita sa Gashi Kingdom at wala din naman siyang nababanggit sa akin.
May pagkatsismosa rin ako, inaamin ko pero nakakapagtaka lang.
"Namatay na siya noon. Habang nakikipag-laban sa mga kaaway." kwento niya. "Inatake kasi ang Gashi Kingdom noon."
"Akala ko ba hindi maaaring makita ng kung sino man ang Gashi Kingdom dahil sa mahika nito?"
Napa-iling si Lio. "Hindi naman talaga invisible ang Gashi Kingdom dati. Naisipan lamang na lagyan ni Queen Cigam ng mahika ito pagkatapos ng nangyari sa kanyang asawa 9 years ago."
Napatango na lamang ako ng marahan 'saka humingi ng pasensya. Hindi ko naman alam na gano'n pala ang nangyare. Kung alam ko lang, hindi ko na sana pa tinanong.
Napagpasyahan kong h'wag namagsalita dahil wala na rin naman akong maisip na itatanong hanggang sa siya naman ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa'min.
"Ba't bigla kang tumahimik?" tanong niya saka ngumiti.
"Wala naman. Sampalin mo nga--" di na ako natapos kasi sinampal na niya ako pero siyempre sa may braso lang.
Nanlaki ang aking mga mata 'saka siya tinignan. "Ouch!"
"Anong 'ouch'? Hiningi mo kaya." depensa niya na ikinainis ko. Alam kong hiningi ko pero siyempre 'di ba?! Hindi naman ata nakakarespeto yung nananampal ka ng babae. "Hindi ka nananaginip. Prinsesa ka talaga." dugtong pa niya.
"Paano?" tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo. Ang hirap kasi paniwalaan. Ang hirap parin paniwalaan na isa akong prinsesa.
Nagkaroon na kami ng grand ball. Nakilala ko ang mga iba't-ibang hari at reyna mula sa iba't-ibang kingdoms. Binigyan na ako ni Queen Faye ng bracelet at ni Queen Cigam ng compact mirror pero hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi pa rin ako maka-move on. Hindi parin ako makapaniwala na prinsesa na talaga ako. Dati rati no'ng bata ako, pinapangarap ko lang na maging katulad nila Cinderella, Aurora at Belle. Ngayon, hindi ko na kailangan pang pangarapin dahil may dugong prinsesa pala ako.
Ganito pala ang pakiramdam nang maging prinsesa. Hindi siya katulad ng nababasa sa mga libro o napapanood sa mga pelikula.
Ang hirap.
"Anong paano? King and Queen yung nanay mo. Ano bang tawag sa babaeng anak? Edi prinsesa 'di ba at ikaw yun." Napatingin ako sakanya 'saka kumunot ang noo. "Gusto mo bang ipaliwanag ko pa kung paano ka ginawa literally?"
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin kaya pinalo ko siya sa may braso na tinawanan lamang niya.
"Pilosopo." bulong ko 'saka siya sinapak muli sa may braso kaso alam kong napalakas iyon kaya kumaripas na ako ng tumakbo dahil alam ko kung gaano kasakit yun!
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...