Chapter 5: Princess

16.3K 390 4
                                    


"Sigurado ka ba diyan Elizabeth?" tanong ni Mama saka lumapit kay papa. "Nag-usap kami ng papa mo. Nagkamali kami. Hindi magandang pasabakin ka agad. Kakarating mo pa lamang ngunit heto kami, gumagawa ng paraan para mawala ka nanaman sa piling namin."

Bumuntong hininga si papa. "Hindi mo kailangang gawin ito."

Umiling ako saka ngumiti. Naiintindihan ko na ngayon. Magkaiba ang mundo ko sa mundo na ginagalawan nila. Dito, hindi ka pwedeng umayaw. Kahit anong mangyare, kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo, dadating at dadating ang panahon na eventually, kailangan mo ring harapin ang ikinakatakot mo.

"Gagawin ko po ito para sa sarili ko at para na rin po sainyo." Pagpapaliwanag ko sakanila. I mean, siguro ito na rin ang paraan para makabawi ako sakanila. Hindi ko din alam kung saan ako babawi pero parang ganun na nga. "At kung ako nga po talaga ang itinakda, hindi ko rin naman poi yon matatakasan, di'ba?"

Napangiti silang dalawa sa sinabi ko. "Well in that case, sa susunod na kabilugan ng buwan, maaari ka nang magsimula." sabi ni papa tsaka niya tawagin ang isa sa mga kasamahan namin na nagngangalang Mckenzie.

"Pakitawag sila." utos ni papa na tinanguan naman ni Mack saka ito umalis. Ibinalik ni papa ang tingin niya sa akin. "Hindi mo pa kilala ang mga kapatid mo kaya siguro oras na para makilala mo sila ng lubusan." sabi ni papa na sakto din namang dumating ang mga kapatid ko.

"What's the matter pa?" tanong ni Kuya George or Kuya William. Ewan ko. Magkahawig kasi sila as in sobra. Ang pagkakaiba lang ata ay 'yong height nila at yung kulay ng buhok.

"Children, please introduce your selves to your sister."

"I'm George, ang panganay na anak." Paninimula nung lalakeng nag-tanong kanina kay papa. Black na black ang kanyang buhok. Pati ang kanyang mga mata ay black din. Maputi at matangkad. Siya ang pinakamatangkad sa aming magkakapatid. Kung pwede nga lang na jowain ko na siya, go agad. Ang gwapo!

Pero ang incest ang kalalabasan no'n at isa pa, hindi ako pumapatol sa kapatid ko no.

"Ako si William. Ang pangatlong anak ng family." sabi ng na katabi lamang ni Kuya George. Kapag kay Kuya George ay black hair, ang sakanya ay black na may highlights na kulay brown. 'Yong mata niya ay color brown rin at maputi. Matangkad din siya pero mas matangkad si Kuya George. Napansin ko ding kahawig niya si mama.

"I'm Ate Charlotte. Ang pangalawa sa family." Pagpapakilala nung babaeng katabi ni Kuya William. Maganda siya at ang kanyang buhok ay black na may highlights na green na naka-braid at ipinatong sa kanang balikat nito. Ang cute naman! 'Yong mga mata niya ay light green at pulang pula ang labi. Maputi naman kaming lahat ngunit iba ang kanyang kaputian. Nangingibabaw!

"I'm Ate Diana, ang pang-apat." sabi ng babaeng may pagkabrown ang buhok. Parang pinaghalong brown at dirty white. Hindi masyadong light, hindi rin masyadong dark, sakto lang. Black ang mga mata niya as in super black na parang nakacontact-lens. Mapupula rin ang labi at maputi.

"Ngayon naman ay ipapakilala kita sa mga guards and maids mo." nakangiting sabi ni papa pagkatapos nilang magpakilala lahat.

"Kate." tawag ni mama. Pagkalipas ng ilang minute ay dumating din 'yong Kate. Siya 'yong nakausap ko kanina pagkapasok ko pa lamang ng castle.

Napakunot naman ang aking noo saka hinarap si papa.

"Maids at guards? Kailangan po ba talaga 'yon?" tanong ko sakanila. I mean, sa palagay ko masyado na akong malaki para alagaan ang sarili ko. Nakayanan ko namang pumasok ng school na hindi nadadapa o kaya nakikidnap.

Ang awkward kaya! Lahat ng galaw mo o kahit saan ka pumunta, kailangan may kasa-kasama ka. Saan naman ang privacy ko doon?

"Kailangan talaga." Napalingon ako doon sa nagsalita at napansin kong si Lio pala iyon kasama si Jameson.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon