Chapter 2: The Truth

23.8K 644 15
                                    

-

History ang klase namin ngayon about a kingdom on a far far away land pero walang nakakapunta pa. Mysterious kasi at hindi alam kung paano. Isang lalake lang daw ang nakapunta. Nakabalik pero pagkatapos sabihin ang mga nakita sa kingdom na yun, namatay din daw. Medyo creepy nga eh at medyo hindi makatotohanan.

"There is a King and Queen named King Williamson and Queen Victoria. They have five children named Prince George, Prince William, Princess Charlotte, Princess Diana and Princess Elizabeth but Princess Elizabeth," hinarap niya ang screen saka pinindot ang button mula sa presenter. Bumungad doon ang iba't ibang sketches ng mga mukha ng royalty family hangga't sa nag-next slide at nag-flash sa buong klase ang itsura ni Princess Elizabeth noong bata pa siya. "is known to be missing."

Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko sa rasong hindi ko din alam. Doon na napakunot ang aking noo. Princess Elizabeth? 'Di ba sabi ng mga lalake kanina, Princess Elizabeth? 'Yon ang pangalan na binabanggit nila, ang pangalan na tawag nila sa akin.

"Princess Elizabeth is known to have the Heart Diamond Necklace which is what King Deatro wants, the King of the other life. He rules the World Of Death." sabi nung teacher namin saka pinindot ulet yung button sa presenter at nag-flash sa screen ang kwintas na Heart Diamond Necklace.

Napasinghap ako sa nakikita ko saka hinawakan angkwintas na naksabit sa aking leeg. Yung kwintas ko yun ah! Paano.. Paanong yung kwintas ko?

"Now, let's move on to the castle." sabi ni Sir Miro saka ipinagpatuloy ang discussion ngunit hindi na ako masyadong nakinig pa dahil abala pa rin ako sa pagi-isip kung 'yon nga ba ang kwintas ko o parehas lamang kami ng kwintas.

Hindi na ako masyadng naka-focus. Gulong-gulo yung utak ko. Busy sa pag-iisip kung paano naging Heart Diamond Necklace ang kwintas ko.

~*~*~

Tumunog na ang school bell na sinyales na lunch break na. Wala akong balak kumain kaya napagpasyahan ko na lamang na puntahan Sir Miro para magtanong at maklaruhan tungkol sa lesson niya kanina.

Kumatok ako ng marahan sa pintuan ng faculty room saka ipinihit ang door know at sumilip sa loob. "Sir Miro?" tawag ko sa pangalan niya nang ma-realize ko na wala palang tao sa loob.

Nadismaya ako. Akala ko kasi makakausap ko si Sir Miro tungkol sa bagay na iyon. Akmang paalis na sana ako nang biglang may nagsalita mula sa likod na cubicle.

"Yes?" sagot ng isang teacher. Pagtingin ko, si Sir Miro pala.

Tuluyan na akong pumasok sa faculty room. Lumapit ako ka-agad sa cubicle ni sir. Doon ko siya nakita na nagsusulat ng lesson plan niya. Mukhang nakaistorbo pa ako pero ito na ang pagkakataon.

Baka sakaling maklaruhan lang ako kahit k'onti.

"Sir may tatanungin lang sana ako tungkol sa lesson kanina." paliwanag ko kay sir. Pinaupo naman niya ako sa mono block na katapat niya.

"Ano yun Natie? May hindi ka ba naintindihan sa lesson kanina? Nahalata ko din na medyo hindi ka na masyadong nakikinig at nakatingin sa screen after kong i-discuss ang tungkol sa kwintas. Did it bother you?"

Napa-buntong hininga ako.

"Yun na nga po sir eh." sabi ko. "Sir, ano po yung tungkol sa Heart Diamond Necklace?"

Ibinaba niya ang ballpen na hawak niya saka ako tuluyang hinrap. Pinagdikit niya ang dalawa niyang kamay saka in-adjust ang eyeglasses na suot niya. "Ang Heart Diamond Necklace ang gustong kunin ni King Deatro. Ang kwintas kasi na iyon ay may kakayahan na mabuhay ka ng walang hanggan. You will live forever. Eternal life. Immortal ka, kumbaga. Parang mga Olympian Gods. Zeus for example." Pagpapaliwanag niya. "Pero sa kasamaang palad, nawala ang Heart Diamond Necklace. It is known that Princess Elizabeth have it pero dahil nga nawawala siya, nawawala din ang kwintas."

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon