Chapter 13: Prince Snow

8.8K 236 3
                                    

-


I dedicate this to my beautiful cousin, Ate Alyssa (AlyMar21) dahil tinulungan niya ako sa chapter na ito. Thank you!

-Yaniii

~*~*~

"Elizabeth," May tumatawag sa pangalan ko ngunit hindi ko alam kung kanino o kung saan nanggagaling iyon. Ang alam ko lamang ay kalaban ito.

Wala akong balak lumingon. Tumatakbo lamang ako sa loob ng Cursed Forest, naghahanap ng daan para makatakas habang sumisigiaw ng saklolo. Alam kong may humahabol sa akin ngunit hindi ko mawari kung sino.

Isa lang ang nasa isipan ko: kailangan kong matakas dito.

"Elizabeth," tawag ulet ng humahabol sa akin pero hindi ko siya makita. Itim lahat ng nakikita ko. Binabalot ng itim ang cursed forest at hindi ko na rin alam kung nasaan na ba ako.

"Elizabeth," hanggang sa mapatigil ako dahil isang bangin ang kaharap ko ngayon. Tumingin ako sa kanat ngunit pader lamang ito at gano'n din sa kaliwan. Lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"Elizabeth," Pagkasabi niya no'n ay unti unti akong napapaatras.

"Elizabeth," sambit niya ulet sa pangalan ko. Nararamdaman ko na ang dulo ng lupa. Bigla din naging mahangin na para bang itinutulak ako nito para mahulog na ako sa bangin ng tuluyan. Nararamdaman ko na din na may mga nahuhulog na mga bato.

Sheez, Mahuhulog na ako.

Lumitaw ang isang maitim na lumulutang na hangin kung saan ang kanyang mga mata ay kulay pula na nagbabaga na para ang apoy.

Napapikit ako at nang pagmulat ko,

"Die!" sa pagsigaw niyang iyon ay nagulat ako. Dahil do'n ay tuluyan na nga akong napaatras at nahulog sa bangin.

"Aaaaaaaaaaahhhhhh!"

"Aaaaahhh!" napasigaw ako dahil sa bangungot na iyon at napa-upo mula sa pagkakahiga ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay napatigil ako nang mapagtanto kong andito ako sa kama.

Tinignan ko ang aking paligid. Hindi itim. Walang bangin. Walang hangin na malalakas.

Wala din iyong itim na humahabol sa akin.

Napahawak na lamang ako sa aking ulo at napayuko. Ipinatong ko ang aking ulo sa magkabila kong tuhod at napabuntong hininga nang biglang bumukas ang aking pintuan dahilan para mapa-angat ako ng tingin.

Tuloy-tuloy na pumasok sina Lio at James kasama sina Dayala at Knight.

"Elizabeth? Anong nangyari?" dumiretso si Lio sa kama ko kung saan nakaupo pa rin ako hanggang ngayon habang 'yong tatlo naman ay sinuri ang paligid ng kwarto ko kung may kalaban ba.

Bakas sa mukha ni Lio ang pagaalala ngunit umiling lamang ako.

"Wala. Nananaginip lang ako." Tinignan ko silang tatlo. "Pasensya na." sabi ko sakanila.

"Okay lang. Trabaho rin namin iyon." sabi ni Dayala 'saka ngumiti.

"Hindi makakaya ng konsensya namin kapag hindi ka namin naprotektahan mula kay Deatro." Dagdag pa ni Knight na tinanguan ko lamang saka ulit ipinatong ang ulo sa tuhod ko.

Hanggang sa may mga yapak akong narinig. Pag-angat ko ng tingin ay si Ate Charlotte pala ito.

Tumayo si Lio mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko para bigyan ng espasyo si ate Charlotte. Napansin ko ring lumabas na sina Knight at Dayala ngunit nanatili pa rin sa loob sina James at Lio "Liza? Anong nangyari?" tanong niya saakin saka lumapit at umupo sa kama ko.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon