Chapter 15: Sofia

7.5K 220 2
                                    

-


Anak siya nina Ate Charlotte at Kuya Rayli? Bakit hindi ko ito alam?

Napakunot ang aking mga mata at akmang magsasalita pa lamang nang may marinig akong sumigaw na nagmumula sa labas ng kwarto kung saan kami naroon.

"Raaawwr!" paghihinagpis ng isang hayop na hindi ko mawari kung sino o ano ba iyon.

Naalala ko iyong mga aso na may katawan na tao. Hindi kaya sila iyon?

"Awoo!"

Okay. Mukhang may iba pang mga hayop ang naghahanao sa akin.

Bigla namang umiyak ulit si Sofia kaya inalalayan ko siya patayo. Ang lamig ng kanyang mga kamay at nanginginig pa ito.

"Sofia, alam kong ngayon lang tayo nagkakilala ngunit kahit anong mangyari, huwag kang lalayo sa akin, ayos ba iyon?"

Tumango lamang si Sofia 'saka pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Tinignan ko siya muli 'saka na tumalikod at hinawakan siya sa kanyang kamay bago naglakad patungo sa kung saan ako nanggaling kanina.

Hawak-hawak ko lamang si Sofia sa aking kanang kamay habang ang lampara naman ay sa kaliwa.

Nang makarating kami sa pintuan ay sinubukan kong ilapat ang aking tenga roonpara marinig kung ano na ba ang kaganapan sa labas.

Narinig ko ang ilang mga alagad ng white witch na naguusap, mga sandata at panangga ang nagtatama mula sa isa't-isa.

"Nawawala ang prinsesa!"

"Ano? Patay tayo diyan. Kailangan natin siyang mahanap sa--"

Naputol ang sasabihin ng isa na ipinagtaka ko. Hangga't sa may narinig akong mga yapak patungo sa kung saan man sila naroon dahilan para sila'y mapatahimik.

"What's going on here?" tanong ng isang babae na sa pagkakaalala ko ay ang white witch ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Tinignan ko si Sofia nang magsalita muli ang kanyang mga alagad.

"My Lady, I'm sorry but the princess is gone."

"What?" matigas na tanong nito. "FIND HER OR I SWEAR I AM GOING TO CUT ALL YOUR HEADS OFF!" malakas na sigaw nito dahilan para makarinig ako ng mabibigat na yabag.

Makalipas ng ilang minuto ay hindi na ako nakarinig ng tunog o kaluskos mula sa labas. Ibinaba ko ang lampara na hawak ko 'saka binuksan ng kaonti ang pintuan.

Nang makita kong walang tao sa hallway ay isinara ko muli ang pintuan at yumuko para mapantayan ko si Sofia.

"Lalabas na tayo, okay? Huwag kang mag-alala dahil iuuwi kita sa mommy mo." sabi ko sakanya na tinanguan niya lamang. Binuksan ko muli ang pintuan ng bahagya 'saka kami tuluyang lumabas mula roon ng dahan-dahan ngunit mabilis.

Hindi kami pwedeng makita ng white witch. Nakalabas na ako mula sa kulungan at kasa-kasama ko na rin si Sofia. Kailangan ko siyang mai-uwi kay ate Charlotte.

Naka-ilang ikot na kami ngunit hindi kami makahanap ng lagusan o daan para makalabas ng palasyo. Hanggang sa napadpad kami sa isang basement. Sinubukan kong maghanap ng daan palabas at nang may makita ako ay agad kong hinila si Sofia upang maka-alis na kami.

"Where do you think you're going?" napatigil kaming pareho ni Sofia sa pagkaripas ng takbo.

Shit. Bistado na.

Nilingon koi yon at nagulat ako nang makita kong may ulong kalabaw ito ngunit may katawang tao. Hinawakan ko muli ang kamay ni Sofia ngunit nagpumiglas ito.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon