-
Nagpagulong-gulong na ako sa kama ngunit hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako makatulog! Ngunit si Harry, kahit ilang beses na ata akong galaw ng galaw sa kama ay hidni pa rin siya nagigising.Pinagmasdan ko siya habang natutulog ng pagkahimbing-himbing.
Sana ol.
Napanguso na lamang ako saka napagpasyahang bumangon at lumapit sa aking bintana.
Gano'n pa rin ang langit. Wala pa ring mga bituin at ang buwan lamang ang makikita mong pagkalaki-laki. Bumagsak ang aking tingin sa forest. Habang nakatingin ako sa mga puno dito ay may nakita akong parang gumagalaw.
Ano kaya iyon?
Naghintay pa akong ilang Segundo at nakita ko ulit na may gumalaw sa gitna ng mga puno. Napakunot ang aking noo.
Sa sobrang curious ko ay napagpasyahan kong bumaba ng kwarto at lumabas ng palasyo para tignan iyon.
Nang makababa ako ay patay na ang mga ilaw ngunit may mga nagroronda na mga gwuardiya ng palasyo. May apoy din na nagsisilbing ilaw sa labas ng kingdom na napansin ko mula sa pader na gawa sa glass. Panigurado akong may mga gwuardiya sa labas kaya napagpasyahan kong sa pintuan patungong garden ako dadaan.
Nagulat ako ng may makita akong anino. Sheez!
Agad akong nagtago sa likod ng pillar. Malapit na lamang ako mula sa pintuan ng garden nang makita ko ulit ang anino na iyon.
"Sino 'yan?" pabulong kong tanong ngunit walang sumagot. Parang multo.
Pero ang tanong, may multo ba dito?
"Sino iyan?!" napa-taas na ang boses ko ngunit hindi masyadong malakas na iyong tipong maririnig ng mga gwuardiya sa labas.
Kasi naman, walang sumasagot! Sino ba kasi iyon? Hindi ko pamandin suot ang bracelet ko kaya hindi ko alam kung kaaway ba iyon o ano.
"Sino ya—aaaahh--ump." nagulat ako. Napasigaw. Natakot nang may humawak sa akin sa balikat ko. Nang sumigaw ako ay agad ba naman na tinakpan iyong bunganga ko.
"Shh, Tumahimik ka nga. Ang ingay mo." sabi ng lalakeng pamilyar ang boses. Paglingon ko ay awtomatikong kumulo ang dugo na dumadaloy sa katawan ko at kumunot ang noo ko.
"Lio? Ano bang ginagawa mo dito?" pagalit na tanong ko sakanya. Hindi na ako natutuwa na lagi na lamang niya akong ginugulat.
Pero imbes na sagutin niya ako ay naguluhan ako ng tumawa siya. Tawa lang siya ng tawa na para bang wala nang bukas. Ano bang nakakatawa sa lalakeng 'to?
"Grabe. Natakot ka talaga?" tanong niya saka tumawa ulet.
"Nagulat lang ako no. Hindi natakot. May pagkakaiba iyon. Paano kasi, bigla nalang may kamay na sumusulpot at hinahawakan ako sa balikat. Sino bang hindi magugulat doon?" pagdedepensa ko sakanya pero tawa pa rin siya ng tawa.
Okay. Medyo naooffend na ako.
Napanguso ako saka pinagkrus ang aking mga kamay at itinapat ito sa dibdib ko.
After 1000 na 'ha ha' niya ay sa wakas, sumeryoso na rin ang kanyang mga mukha at inayos ang tayo 'saka ako tinignan.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin 'saka kumunot ang noo.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan?"
"Simula nang kausapin ako ng papa mo, nangako ako na babantayan ko ang lahat ng galaw mo. Kaya nang lumabas ka kanina mula sa kwarto mo ay agad kitang sinundan."
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...