Chapter 20: Gone

6K 190 4
                                    


Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

Si papa, kalaban si Deatro. Sina Knight naman ay kinakalaban iyong mga kasamahan ni Deatro. Iyong mga bisita naman ay nagsitakbuhan na papalabas ng grand hall, sina mama at ang mga kapatid ko, sumama din sa pakikipaglaban.

Habang ako ay nakatunganga lamang dito sa gitna ng grandhall.

Ang gulo na.

"Elizabeth, tumakas ka na! Lio, itakas mo si Elizabeth!" sigaw ni papa sa amin ni Lio nang biglang umatake nanaman si Deatro dahilan para mapaiwas siya ng tingin mula sa amin at dinepensahan ang sarili.

Nang mapatay ni Lio iyong kinakalaban niya ay tumakbo siya sa akin 'saka ako hinawakan sa palapulsuhan at hinatak papalayo ng grand hall.

Hindi ako makasalita sa mga kaguluhang nangyayari ngayon. Nilingon ko ang grand hall. Ang kaninang kumikinang at magarbong disenyo nito ay puno na ng dugo, nakahilatang mga tao at mga nakikipaglaban.

Tinignan ko si mama at nang magtama ang aming mga tingin ay tinanguan niya lamang ako 'saka muling nakipaglaban.

Ibinaling ko ang tingin sa kung saan kami tumatakbo ni Lio. Hanggang sa makarating kami sa hagdanan ng palasyo. Tumigil siya roon saka ako pinatayo. Lumuhod siya at pagkatapos ay kinuha ang aking paa upang matanggal ang aking sapatos.

"Kahit anong mangyari, sa akin lang ang tingin. Sa likod lang kita at 'wag kang gagalaw." Utos niya habang tinatanggal ang aking sapatos.

Nang matanggal niya iyon ay 'saka kami muling tumakbo. Papalabas palang sana kami nang higanteng pintuan nang may tumambad sa aming dalawang lalake na nakasuot ng itim na gutay gutay na damit.

Napalingon sa akin si Lio 'saka niya inatake ang mga iyon. Depensa rito, atake roon. Muntik na siyang masaksak mula sa likod ngunit naka-ilag at naharangan iyon ng kanyang sandata.

Hindi ko na namalayan na nakalabas na pala kami nang tuluyan sa palasyo. Lumapit kami sa isang kabayo na kulay puti. Pina-akyat niya ako roon saka siya sumunod. Hanggang sa nagsimula na ngang patakbuhin ni Lio ang kabayong iyon.

NIlingon ko muli ang palasyo bago tuluyang itinuon ang aking pansin sa daang tinatahak namin ni Lio.

"Saan-Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya. Hindi ko alam na nanginginig na pala ako dahil sa boses kong pautal-utal.

"Basta kumapit ka lang." sagot naman niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang damit bago niya ito mas pinabilisan ang pagkakatakbo ng kabayo.

Hanggang sa may naaaninag na akong isang maliit na bahay ngunit hindi ito masyadong mahalata dahil sa kadiliman. Napansin ko lamang iyon nang malapit na kami mula roon.

Tumigil ang kabayo sa harapan nito.

Bumaba si Lio bago ako. Lumapit ako sa bahay nang magsalita si Lio. Iginiya niya ako papasok ng bahay na iyon. Isinara niya ang pinto at napansin kong may ginawa siyang kung ano sa pintuan. Hindi ko rin alam kung ano iyon pero parang mahika upang magsilbi na proteksyon sa bahay.

Inikot ko ang tingin sa bahay. Simple lamang ito. May sala, may mesa at may isang kwarto na panigurado akong naroon ang kama. May maliit din itong kusina ngunit wala naming gamit at pagkain.

"Dito muna tayong dalawa. Kailangan kang ilayo sa kingdom mo." Sambit ni Lio mula sa aking likuran. "Babalik rin tayo bukas pagkatapos maayos nina Knight ang gulo." Dagdag pa nito.

Narinig ko ang kanyang mga yapak papalapit sa mesa sa kaliwang bahagi ng bahay. Tumunog din ang kanyang sandata nang ipatong niya ito sa mesa.

Lumapit ako sa mesa na nasa kanang bahagi ng bahay. "Magkapatid ba sila papa at King Deatro?" tanong ko sakanya habang inaayos niya ang kanyang armor at gamit.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon