Chapter 7: Bracelet

12K 332 4
                                    

-


"Ah ano po 'yon?" pagu-ulit ko sakanya kahit naman klarong-klaro sa akin ang sinabi ng reyna ngunit pumikit lamang ito at pag-mulat niya, bumalik na ito sa orihinal na kulay berde. Makalipas ang ilang segundo ay binitawan na rin niya ang ang aking kamay 'saka ako nginitian.

Ang.. weird.

Anong nangyare?

"Tara na sa dining room." aya ni Papa 'saka na kami nag-lakad patungong dining room.

Habang naglalakad kami ay patuloy lang ang pagu-usap nina mama at papa kina King Gino at Queen Faye ngunit hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang mga salitang binanggit ng reyna. Ang sobrang weird lang talaga. Ang sobrang weird.

Natural ba sakanila ang manghula?

Nang makarating kami ng hapag-kainan ay agad akong napatingin sa mahabang mesa. Napabuntong hininga na lamang ako and at the same time, napangiti. Ang dami nanamang pagkain.

"By the way Gino, bukas na ang grand ball ni Elizabeth. I'm inviting you to come. Mamaya pa kasi ididistribute ang mga invitations pero I'm inviting you now." sabi ni papa.

Masayang nagtinginan ang mag-asawa. "That seems fun. We'll come. Don't worry Will." sabi ni King Gino. "I mean, we wouldn't miss the long lost princess' first grand ball, right?" dagdag pa niya saka ibinaling ang tingin sa lugar ko saka ngumiti.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang din ako.

"Kamusta ka na Elizabeth?" tanong ng Queen Faye. Nilunok ko muna ang pagkaing nginunguya ko bago siya sinagot.

"Okay naman po ako, Q-Queen Faye." sabi ko 'saka ngumiti kahit na pautal-utal na ako. Hindi ko naman siguro kasi sigurado kung okay nga ba talaga ako. Nagulat din ako sa biglaan niyang pagtapon ng atensyon sa akin dahil kanina lang ay abala silang nagchi-chikahan ni mama. Isa pa, hindi pa rin matanggal-tanggal sa isipan ko ang mga sinabi niya.

"Nagtataka ka siguro kung ano ang ibig sabihin ng mga binanggit ko sa'yo." pagtatanong niya kung saan nakuha niya talaga ang atensyon ko. Isa rin ba siyang mind reader katulad ni James or sadyang may kakayahan siyang makita ang hinaharap?

"Ano po ba'ng ibig sabihin no'n, mahal na re-reyna?"

"You'll know soon, sweetie." sagot niya. "When the perfect time comes." Dagdag pa nito bago ipinagpatuloy ang pag-kain. Great! Ngayon, nang-iwan na naman ng panibagong manggugulo sa utak ko.

I'll know soon? Nakakasuspense naman. Nakaka-intriga. Bakit kasi 'di pa sabihin agad?

Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na ang mga kasamahan ng hari at reyna dahil babalik na sila sa Chantis Kingdom ngunit nagpa-iwan pa sina King Gino at Queen Faye at dalawang gwuardya.

Lumapit si King Gino kay papa at mama habang si Queen Faye naman ay sa akin.

"May regalo ako sayo Elizabeth." sabi niya saka inilabas ang isang gold box with gold pixie dust glitters. Ang ganda!

Sobrang naiinlove talaga ako sa mga kahon. Kahit 'yong maliit lang na kahon? Kahit yung sobrang plain na kahon basta maayos? Kahit 'yon lang i-regalo mo sa'kin, ayos na. Tatanggapin ko pa rin with all my heart.

"Wear this tomorrow. It will make you and your gown more beautiful." sabi niya saka binuksan ang kahon.

Isang bracelet ang maayos na nakalagay sa loob ng. Simple lang siya ngunit sobrang ganda. Nababagay sa bracelet na ito ang mga katagang "Simple but beautiful". May isang heart na may pixie dust gold na malaki na parang siya ang pinaka-main trinket sa whole bracelet 'saka ito pinaligiran ng mga heart na maliliit made out of diamonds naman.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon