--
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon na nakasulat sa kanyang mukha. Kanina'y may gana pa siyang biruin ako ngunit ngayon, napansin ko ang lungkot sa mukha nito.
Alam kong mahirap paniwalaan. Mahirap rin para sa akin.
No'ng isang araw, naglakas loob akong umamin sa tunay kong nararamdaman sakanya. Bakit ang bilis naman bawiin ng tadhana ang masaya naming alaala?
Napabuntong hininga ako.
"Paano na tayo, Liza?" tanong sa akin ni Lio nang marinig niya ang aking sinabi. Naramdaman ko ang kanyang palad sa akin bago ako muling tinignan. "Mahal na mahal kita."
Napangiti ako. "Hindi ko rin alam. Hindi ako pumayag, pero alam kong isang araw, kailangan ko muling harapin si papa para sa bagay na iyon."
"Kahit na."
"Lio, mas magandang h'wag muna natin iyon pag-usapan. Kailangan kong pagbutihin ang aking page-ensayo dahil nalalapit na ang digmaan. Kailangan kong protektahan ang mga magulang ko."
"Tama ka." Napasinghap siya bago ibinaling ang tingin sa mga Monddia. "Siguro nga ituon muna natin sa mga ibang bagay ang atensyon natin." Sabi nito na may halong kalungkutan sakanyang boses.
"Lio,"
"Mauna na ako, Liza. Baka kailangan na rin ako nila James." Paalam nito bago tumayo at nagtungo sa pintuan pababa ng tower, iniwan akong mag-isa habang nakatingin sa kanyang dinaanan.
Nakasakit pa nga ako.
Ngayon ay mag-isa ko na lamang dito sa aking inuupuan habang tinitignan ang mga Monddia.
~*~*~
"Liza! Liza!" dali-dali akong napabangon nang marinig ang malalakas na pagsigaw ni Natie sa aking pangalan.
Bumukas ng malawak ang aking pintuan at doon pumasok si Natie na natataranta at hingal na hingal. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay dahilan para mapakunot ang aking noo.
Teka, anong nangyare?
"Natie?" ibinaling ko ang tingin sa aking bintana bago ibinalik sakanya. "Umaga na pala. Anong—" bago pa ako matapos sa aking sasabihin ay marahas niyang hinawakan ang aking mga braso at tinignan ako ng mariin sa mga mata.
"Ang mama at papa niyo po, nawawala. Kinidnap ng mga kasamahan ni King Deatro."
"Asan ang mga kapatid ko?"
"Nasa baba po—"
Hindi ko na siya pinatapos. Agad akong napabangon, kinuha ang aking roba at lumabas ng aking kwarto para puntahan ang aking mga kapatid.
Kinakabahan na rin ako pero hindi ito katulad ng dati dahil ngayon, alam ko na kung saan dapat matagpuan ang aking mga magulang.
Hindi nga lang ako sigurado kung paano ko iyon gagawin dahil na panahon na ito, maghaharap na kami ng tuluyan ni Deatro.
Pagkababa ko, nakita ko sina ate na umiiyak sa balikat ng kanilang mga asawa habang sina kuya naman ay kinakausap ang ibang mga gwuardiya, nagtatanong kung bakit dali-dali na lamang nakidnap sina mama at papa.
Akmang lalapit pa lamang sana ako sakanila nang hawakan ni Lio ang aking balikat.
"'Yong kwintas mo?" tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mga mata 'saka agad na kinapa ang aking dibdib kung saan naroon ang aking kwintas ngunit nang mapagtantong wala iyon ay umiling ako kay Lio.
"Nasa kwarto ko ata."
"Tignan mo."
Agad-agad akong napatakbo sa taas papuntang kwarto ko para makita kung ando'n pa nga iyon.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...