Nang mamatay ang papa, akala ko iyon na ang pinakamalalang balita na matatangap ko, ngunit mas masakit palang malaman na ang taong minamahal mo na natamaan ng malubhang sakit ay buhay pa ngunit darating ang panahon na alam mong mawawala rin siya.
Kumbaga, hinihintay mo na lamang ang araw na mawala ito ng tuluyan at wala ka nang magagawa kung 'di tanggapin ang kapalaran na nakalaan para sa'yo.
Sabi nga ng prof ko noon sa Edukasyon sa Pagpapakatao, kung ito ang nakatakda para sa'yo, wala ka nang magagawa kung 'di tanggapin ito. Kung hindi mo naman kaya, doon ka gumawa at magsulat ng panibagong storya mo.
Ngunit paano ko muling isusulat ang kapalaran ko kung paunti-unting nawawala ang mga taong mahal ko.
Bumalik ang aking atensyon sa realidad nang marinig ko ang boses ni Phoebe.
"Gising ang reyna, yes pero unti-unti na siyang manghihina at unti-unti na rin siyang mawawala." Paliwanag nito. "Ang maitim na kapangyarihan ay hindi masusulosyunan ng kahit na anong lunas sapagkat para itong nakakapit na sa iyong sistema. Papahinain ang iyong katawan, kukunin ang lahat ng iyong enerhiya hanggang sa hindi ka na makahinga."
"I'm really sorry, Elizabeth, Queen Victoria but this kind of magic has not yet been cured by.. any of us in the Wizardium."
Napapikit ako ng mga mata dahil sa galit, dahil sa inis, sa takot at kaba. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa lahat ng nasa paligid ko.
Lalung-lalo na kay Phoebe.
"Thank you, Phoebe. Now, I know wala na talaga akong chance—"
"Ma? Seryoso ka ba?" Hindi ko na namalayan ang pagsigaw ko at ang pagtayo ko mula sa silya. "Bakit tayo sumusuko agad? Ang wizards lang ba ang may kakayahan na gumamot?"
"Liza—"
Tinignan ko si Phoebe na nanggagalit ang mga mata. "Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo kayang gamutin ang nanay ko?"
Alam kong pati siya ay nabigla rin sa mga inaakto ko dahil bakas sa mukha niya ang gulat at takot. "Elizabeth, I-I-"
"Magaling ka 'di ba? Hindi pwedeng pati ang nanay ko, mawala sa akin. Alam mo ba ang pakiramdam na mawalan ng pamilya, Phoebe? Hindi mo alam. Kaya gumawa ka ng paraan para magamot ang nanay ko!"
Lahat ng tao sa loob ng kwarto ni mama ay pinapakalma ako ngunit tila ba wala akong narinig kung 'di ang paulit-ulit na tono kung paano sinabi ni Phoebe na hindi na gagaling ang aking nanay.
Napansin ko rin sina Yala at Knight na pumunta sa likuran ni Phoebe para ilayo ito mula sa akin. At kinakampihan pa nila ang babaeng ito?
Hanggang sa nakaramdam ako ng kamay sa aking palapulsuhan dahilan para mapalingon ako kung sino iyon.
Si Lio.
"Elizabeth," bigla lamang akong nagising nang marinig ko ang tawag ni mama sa pangalan ko. Tinignan ko siya at bakas sa mukha niya ang lungkot sa inakto ko.
Nahiya ako sa sarili ko. Sa sobrang kahihiyan ay tumakbo na lamang ako palabas ng kwarto ni mama. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa akin si Lio.
Napansin ko na lamang iyon nang magsalita siya mula sa likuran ko.
"Ano 'yon?"
Nilingon ko siya, na may galit sa aking mga mata.
Alam kong alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Ngunit magkaiba kami ng sitwasyon.
"Ano ba'ng pakealam mo?"
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...