-
Nang makababa na kami, namangha ako sa itsura ng grand hall dahil sobrang ganda! Kung kahapon ay hindi pa natatapos ay maganda na ang kinalabasan, ngayon naman ay mas maganda dahil tapos na tapos na ito. Katulad ng kahapon ay may mga laso na nakasabit sa mga pader, mga bulaklak sa ibaba na malalaki at maliliit at nangingibabaw sa gitna ang ganda ng higanteng diamond chandelier kung saan matatagpuan sa ibaba nito ang mga taong masayang nagsasayawan at nakikipag-kwentuhan.Napansin ko rin na may mga paruparo na mas nagpabuhay sa grand hall atang mini orchestra kung saan ako tumugtog ng piano noon.
Ang daming mga bisita na may makukulay na kasuotan!
Nang mahagilap ng aking mga mata sina Ate at Kuya ay napagpasyahan kong lumapit sa kanila bago nagpaalam si Lio na pupuntahan muna niya sina Knight.
Nang makalapit ako sakanila ay napansin kong may mga kasama pala sila. "Hi Kuya." bati ko kina kuya saka ngumiti.
"Oh Elizabeth," tinignan niya ako 'saka ngumiti. "you're so beautiful. Kamukhang-kamukha mo si mama." puri sa'kin ni Kuya William.
"By the way, I want you to meet Aura," inilahad ko ang aking kamay. "my wife." Dagdag pa nito na naging dahilan ng pagnganga ko.
Asawa? May asawa na pala si Kuya William? May nagtangkang pumatol? Pero 'di na din naman ako magtataka dahil gwapo naman si kuya. Nagulat lamang ako dahil nagmumukhang bata pa lamang ito at hindi mo aakalain na kasal na pala.
"Asawa mo, kuya?" tanong ko sakanya saka tumingin sa babae. Nginitian niya ako saka ako nilapitan at bines-beso imbes na tanggapin ang nakalahad kong kamay.
Maganda siya. Kulay itim na may berdeng mga laso ang kanyang buhok. Ang tangos ng ilong at ang puti niya. Ang kanyang mga mata ay kulay berde, dahilan para magtaka ako dahil mukhang pamilyar ang kanyang mga mata. Ngunit isa lamang ang masasabi ko: perfect!
Naka-jackpot si kuya William dito.
"Yes Elizabeth. Siya ang anak ni King Gino and Queen Faye. Ang namumuno sa Chantis Kingdom." paliwanag ni Kuya. Kaya pala pamilyar ang kanyang mga mata dahil kapareha nito ang kanyang mga magulang na may kulay berde din na mga mata. Napatango na lamang ako ng marahan.
Kaya pala ang ganda ganda niya dahil nagmana sa nanay.
"Isa kang engkantada?" tanong ko sa asawa. Tumango naman siya saka ngumiti. Ang ganda ng ngiti niya. Nagiging tomboy na ata ako. Nako po masamang ispiritu ng katomboyan, layuan mo po ako.
"Nice to meet you po uhm.."
"Call me Ate Aura." Sabi niya saka ngumiti. Ang ganda ng tinig ng boses niya. Siya na. Siya na talaga. Siguro magaling din itong kumanta. May kutob ako.
"Ate Aura, ba;t ang ganda mo?" tanong ko sakanya dahilan para mapatawa kami ni Kuya George at Kuya William kung saan sumabay din si Ate Aura. Nakatitig lamang ako sakanya nang bigla na lamang dumating si Ate Charlotte kasama ang isang lalake.
"Elizabeth, I want you to meet Rayli. My husband." sabi ni Ate Charlotte. "Prince siya sa Ruby Kingdom." dugtong niya pa.
Wait, Ruby Kingdom?
"Kapatid mo po ba si Prince Eddie?" tanong ko sakanya. Kumunot ang noo niya saka ngumiti.
"Yes." sagot niya. Ngumiti naman ako.
"It's a pleasure to meet you."
"May I ask, how did you know him?"
Napatawa ako ng marahan habang naiisip kung paano ko siya nakilala dahil hindi ito ang tipikal na paraan para magkakilala ang dalawang tao ngunit ikwinento ko na lamang sakanila kung paano.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...