Chapter 10: Jack and Jill

11.2K 277 7
                                    

-


"Good morning Elizabeth." narinig kong pag-bati sa'kin ng isang boses babae. Paggising ko, nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ng aking kama. Nagkusot-kusot muna ako ng mata bago umupo at sumandal sa headboard ng aking kama 'saka siya tinignan ng mabuti. Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan ang aking mga galaw.

"Ma? Anong ginagawa niyo po dito?" pagtataka ko. Tumayo naman siya 'saka lumapit sa aking mga bintana.

Hindi naman kasi siya ganito sa akin lately since no'ng nakadating ako dito sa mundong 'to. Ngayon lang ata niya ako ginising.

"Masama bang gisingin ang prinsesa ko?" tanong niya saakin saka hinawi ang mga kurtina at binuksan ang bintana dahilan para makapasok ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Hindi naman ma." I slowly said. "Nakakapagtaka lang." Nginitian niya ako saka siya lumapit sa'kin.

"Now, get dress. I heard that you are going to Gashi Kingdom." sabi ni mama na halatang excited base pa lamang sa tono ng pagkakasabi nito. Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala si Queen Cigam.

Bumangon na ako saka pumunta sa banyo.

"Asan nga po pala sila Natie?" pansin ko kasing wala sila dito ngayon. Sila kasi ang nakikita ng mga mata ko pagmulat ko pa lamang ng mga ito at sila din ang gumigising sa akin. Kaya laking pagtataka ko nang si mama ang bumungad sa akin.

Napansin ko ring wala na si Harry sa tabi ko nang makabangon ako.

"They are doing something, honey." sagot naman niya kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagligo ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at pumunta sa closet ko kung nasa'n si mama. Nagtitingin ata siya ng maisusuot ko dahil hinahawi niya isa-isa iyong mga damit na nakasabit.

Pinapanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon at sobrang gaan sa pakiramdam. Ito pala 'yong pakiramdam na hindi ko naramdaman ng ilang taon. Ganito pala ang pakiramdam ng may ina na naga-alaga sa'yo.

Iyon bang siya ang maghahanda ng suot mo, ng pagkain mo. Ang gaan sa pakiramdam. Sobra.

Ilang beses ko yatang ipinalangin sa umaga na sana, bigla na lamang pumasok si mama mula sa aking pintuan para damitan ako. Ilang beses ko ring ipinalangin na sana pag-uwi ko galing school ay magugulat na lamang ako dahil may nagluluto ng makakain at hindi iyon si lola.

Ilang beses din akong umasa na sana buhay pa sila. Ngayon, hindi o na kailangang umasa dahil buhay na buhay sila.

Napansin kong may kinuha siyang isang white dress na may yellow sequence na nagsisilbing disenyo nito. I love it!

"Ang ganda." puri ko sa damit nang makalapit ako kay mama at nang i-abot niya sa akin ang damit. May pinili rin siyang white doll shoes na may yellow ribbon na talagang babagay sa damit.

"Get dress, darling and we'll wait for you for breakfast. Okay?" sabi ni mama 'saka ako hinalikan sa noo at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto ko.

Isinuot ko iyong damit na napili ni mama para sa akin 'saka ako umupo sa harapan ng salamin para ayusan ang aking sarili.

Kung may isang natutunan man ako kay lola, 'yon ay ang dapat mag-mukhang disente ka kapag may pupuntahan ka or may lakad ka lalo na kung importante iyon.

Dahil doon ay natutunan ko kung paano ayusan ang aking sarili nang hindi nakakatanggap ng tulong mula sa iba. Napagpasyahan kong i-braid lamang ang aking buhok ng hindi gano'n kahigpit saka humila ng konting strands sa harapan na nagsisilbing baby hair para magmukhang messy braid.

Gumamit ako ng kulay light red para sa aking labi 'saka nilagyan ng konting blush ang aking mga pisngi na kulay rosas. Inayos ko rin ang pagkakatayo ng buhok sa aking kilay saka gumamit ng mampakapal ng pilik-mata.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon