Chapter 34: Battle

5.9K 150 2
                                    

--

Sa buhay, hindi lahat ng oras at panahon ay dapat kang maging mahina. Ang pagiging mahina ay hindi masamang bagay ngunit kung mananatili ka na lamang sa gano'ng estado, hindi mo kailan man mapagtatanto ang lakas na taglay mo.

Noon, takot akong harapin ang bagay na ito ngunit napagtanto ko na ang tanging paraan lamang upang hindi na ako matakot ay ang labanan ito.

Hindi naging madali ang pagkilala ko sa mundong ito, ang pagkilala ko sa totoong dignidad ko, ang katotohanan na buhay pa ang mga magulang ko.

Lahat ng bagay sa mundo ay nangyayare dahil sa libo-libong rason na nakalaan para rito. Hindi tutugma kung hindi itinadhana.

Ngayon ay lalaban ako hindi lamang para sa sarili ko o sa takot na hinaharap ko kung 'di para sa kinabukasan ng Diamond Kingdom at para sa kapayapaan na itataglay nito.

Para ito sa mga tao na walang sawang sumuporta sa akin pagdating ko pa lamang dito. Para kina ate at kuya na lagi lamang gumagabay sa akin. Higit sa lahat, para kina mama at papa na inilayo man ako ay para naman sa aking kapakanan.

Nang makita ko ang palasyo ni Deatro, naiintindihan ko na ang lahat.

Itim ang lahat ng makikita mo sa paligid. Pati ang kaulapan, ang kanan at ang kaliwa ay nakakatakot dahil nababalutan ito ng kadiliman. Mga halaman na nalanta, mga puno na tanging ang kanyang mga sanga lamang ang naroon at walang mga dahon.

Mga ibon na nagliliparan pabilog sa itaas ng palasyo nito na mas nagpadagdag pa sa pagtayo ng balahibo ko.

Narito kami ngayon, nagtatago sa likod ng mga puno. "Nasaan ang mga magulang ko?"

"Malamang ay nasa throne room sila." Bulong sa akin ni Lio nang lumingon sa amin si Yala.

"Alalahanin niyo ang plano." sabi ni Yala sa amin.

Tumango naman kami 'saka na siya bumalik sa kanyang pagkakatingin sa palasyo. Kasama rin namin sina Kate, mga iba pang kawal at mga kasamahan nina Lio. Marami kami, aaminin ko ngunit hindi ko alam kung sakto lang ba ito upang harapin ang mga alipores ni Deatro.

Kung marami kami, hindi ako sigurado kung ganito rin ba karami ang magtatagumpay at makakalabas ng buhay.

Ang plano ay gagawa ng ingay sa kabilang side sina Al at Knight. Kung maririnig nga ito ng front guards, mga gwardiya na nakabantay sa higanteng gate ng palasyo ni Deatro ay maaari namin iyon gawing oportunidad na sumugod.

Hindi ko alam kung magiging successful ba ang plano na iyon pero kailangan namin maibaling sa iba ang atensyon ng mga gwardiya kung hindi, mahihirapan kami.

Sabi ni Lio, wala itong backdoor dahil ang sa likod ng palasyo ni Deatro ay ang Bangin ng Kamatayan kung saan dito napupunta ang lahat ng mga namamatay dito sa Enchanted Kingdom.

Hindi ko alam kung ano ang itsura noon. Ang tanging sigurado ko lamang ay delikado ito kaya dapat ay hindi kami makapunta roon.

"Oras na." sabi ni Lio na tinanguan lamang nina Knight at Al 'saka na dahan-dahang naglakad patungo sa kabilang side.

Nakita ko silang nagtago sa isang malaking puno kung saan hindi talaga sila maaaninag ng mga gwardiya.

Creek creek creek creek

"Anong tunog 'yon?" pabulong kong tanong kay Lio pero nagkibit balikat lang siya.

"Anong tunog 'yon pikon na Lio?" tanong ko sakanya dahilan para mapalingon sa akin at sinamaan ako ng tingin ngunit pinanlakihan ko lang siya ng mata.

"Tunog 'yon ng isang poisonous squirrel. Iyon kasi ang paborito ng mga alagad ni Deatro."

"Kung poisonous iyon, bakit nila kinakain?"

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon