Chapter 19: He Came

6.6K 205 0
                                    

--

Nang mag-aya sina Mack na kakain na raw kami ay tumango na lamang ako 'saka sinabing susunod ako. Tinanguan niya na lamang ito bago isinara muli ang pintuan ko.

Napatingin ako muli sa labas ng aking kwarto.

Hindi ko mawari kung bakit gano'n ang trato sa akin ni Lio. Pagkatapos ko siyang hanapin at patayin ang red queen, hindi ko alam kung bakit parang nanlamig siya bigla. Na para bang, hindi siya naga-alala sa akin katulad ng mga inakto niya kahapon, noong isang araw at iba pang mga nakalipas na araw.

Napabuntong hininga ako.

Ano nga ba'ng pakealam ko kung hindi niya ako pansinin? Hindi ko naman siya gusto. Hindi naman niya ako gusto.

Atsaka noong una palang, sinabi ko na'ng ayoko ng nireresponsibilidad ako dahil malaki na ako at kaya ko nang alagaan ang sarili ko.

Hindi ko lang mapigilan magtaka kung bakit gano'n.

Nang makapasok ako sa hapag-kainan ay napansin kong wala ang apat na ugok sa likuran ng upuan ko.

Nalungkot ako nang makita ang espasyo doon dahil nasanay na rin naman ako na binabantayan nila ako parati. Baka nagpapagaling mula sa mga sugat na natamo nila kanina sa pakikipaglaban sa dragon.

Dumiretso na lamang ako sa aking silya at awtomatikong lumapit si kate upang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Nang umalis na siya ay tinitigan ko lamang iyon.

Parang wala akong gana kumain.

Nang umangat ang aking tingin para tignan si papa ay napansin kong wala siya roon. Tanging si mama lamang kasama ang mga kapatid ko ang kasama ko rito sa hapag-kainan.

Bakit hindi ko iyon napansin?

Tahimik lamang akong nakaupo nang kausapin ako ni Kuya George na katabi ko lamang.

"Liz, why aren't you eating your food?" mahina niyang tanong sa akin upang hindi marinig ni mama.

Napanguso ako 'saka inabot ang mga kubyertos at umiling na lamang bilang sagot sa tanong ni kuya.

"Are you bothered?"

"Hindi naman po." Inangat ko ang tingin sakanya. "Bakit po wala si papa?"

"Ah, he's busy with something. After that dragon, he excused himself to talk to some—people." Nginitian niya ako 'saka ipinagpatuloy ang pag-kain nang si mama naman ang nagsalita.

"I have already sent the inviations out. Ipapadala ko na lamang kay Mack ang invitation mo mamaya sa kwarto mo." Napatango na lamang ako 'saka ipinagpatuloy ang pag-kain.

Nang matapos ang hapunan ay nagtangka akong pumunta sa kwarto nila Lio. Gusto ko lang sana siyang kausapin.

Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko siyang kausapin. Basta gusto ko siyang makita.

Tinanong ko sa mga kasamahan namin ang daan patungong kwarto nila. Nasa kabilang wing ito ng palasyo, sa kaliwang daan ng throne room.

Nang matagpuan ko iyon ay napansin kong nakabukas ang pintuan ng bahagya. Hindi ko alam kung may tao ba kaya akmang bubuksan koi to ng tuluyan nang may marinig akong nagsalita sa loob.

"H'wag mong isisi kay Liza ang nangyari. Alam naman nating hindi niya pa alam ang ginagawa niya." Boses iyon ni James.

"Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote ko at hindi ko siya binalaan. Sa totoo lang, ni hindi ko nga alam kung saan niya ba iyon nakuha. Malamang, baka iniregalo nila iyon sakanya." Narinig ko ang malakas na pagbagsak mula sa loob. Mukhang may ibinato si Lio dulot ng kanyang galit.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon