-
This chapter is dedicated to ShiellaKuyong. Thank you!-Yaniii
~*~*~
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate Charlotte.
Kung hindi nawawala, kinikidnap. Kung hindi naman kinikidnap, namamatay. Ang tragic naman ng mga kaganapan dito.
"Ano?" Binigla kong igalaw iyong mga kamay at paa ko para makaupo ngunit nakaramdam lamang ako ng sakit.
Sa totoo lang kasi, ayokong itong pwesto ko habang nagu-usap kami ni ate. Para akong naparalisa o baldado sa lagay kong ito.
"Liza, h'wag kang gumalaw dahil mas sasakit lang lalo."
Sinubukan ko ulit kumalma at mag-relax upang mawala ang sakit at gumana naman ito. Nang mabawi ko ang aking lakas ay tinignan ko si ate Charlotte.
"P-Paano? A-Anong nangyari?" tanong ko sakanya.
Kung masakit mawalan ng anak ngunit buhay pa ito, hindi ko maisip kung anong naramdaman nila nang malamang patay na talaga ito at hindi na pwedeng ibalik pa.
Ngunit namangha ako sakanilang dalawa sapagkat kahit na namatayan sila ng anak ay halata mo pa rin na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Akala kasi namin ay matutulog lang siya pagkatapos niyang mahawakan ang isang karayom sa isang spinning wheel pero hindi pala. Nagkatotoo iyong sumpa na ibinigay ng kanyang lola. Si Maleficent." paliwanag niya.
Napakunot ako dahil bakit parang pamilyar ang kwentong iyon?
"Ang sabi ng kanyang 3 godmothers ay matutulog lang pero nang hindi na ito magising ay nataranta kaming lahat. Galit na galit si Kuya George sa nangyari sa kanyang anak. Isinisi niya ang lahat ng iyon sa godmothers ni Aurora." dugtong pa niya.
Napaiwas ako ng tingin. Grabe pala ang nangyari kay Aurora. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang klaseng insidenteng iyon sa ganitong pamilya.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Come in." sabi ni ate Charlotte.
Pagkabukas ng pintuan ay pumasok sina mama at papa kasama iyong babaeng manggagamot. Si Heala.
'Di ba bukas pa ang balik nito?
"Pasensya na. Mukhang napaaga ang pag-dating ko. May nakahanda na palang gamot sa bahay kaya nang makita koi yon ay dali-dali akong pumunta dito."
Lumapit sa akin si Heala. Tumayo si ate Charlotte upang bigyan siya ng espasyo na makalapit sa akin.
Inilabas niya ang isang kulay berde na bote 'saka inabot ang baso na nakapatong sa bedside table ko. Isinalin niya ang likido sa baso 'saka ito inilapit sa bunganga ko.
"Inumin mo ito, princess para gumaling ka na."
Kulay itim na parang may pagka-asul at berde ang kulay ng likidong iyon. No'ng una ay nag-alinlangan pa ako kung iinumin ko ba iyon dahil pakiramdam ko ay masusuka ako ngunit ito lang ang paraan para hindi na ako magmukhang paralisa at tanga.
Lumapit sa akin si mama 'saka bahagyang inangat ang aking ulo, sakto lang para mainom ko ang likidong iyon.
Nang malunok ko ito ay ibinalik ni mama ang orihinal na posisyon ng ulo ko ngunit nakaramdam ako ng hilo.. at pananakit ng ulo.. at hilo.
"Ma—"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil tuluyan nan gang nandilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...