Chapter 29: They're Back

5.9K 170 1
                                    

--

Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung anong ginawa ko upang biyayaan ako ng tadhana, ngunit nagpapasalamat ako dahil sa isang pagkakataon ay nayakap ko muli sila.

Hindi rin matanggal sa aking isipan kung sino kaya iyong kumain sa ampalaya. Alam kong dahil doon kaya nabuhay muli sina mama at papa. Kung sino man siya, salamat.

Kung isa man itong laro, handa akong sumali.

"Ma! Pa!" sigaw ko saka tumayo at niyakap sila.

Hindi pa rin ako makapaniwala na hawak-hawak ko muli ang aking mga magulang. Nararamdaman ko muli sila sa aking mga braso at nakikita ko ulet ang kanilang mga ekspresyon.

Nagtu-tubig na 'yong mga mata ko. Gusto kong maiyak dahil sa lungkot at tuwa. Naghahalu-halo na ang mga emosyon na nararamdaman ko.

Hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili. Basta ang alam ko, yakap yakap ko ulit ang aking mga magulang.

"Mahal na mahal ko po kayo." sabi ko sakanila. Bumagsak na rin ang mga luha na aking pinipigilan kanina pa. Malamang ay hindi na rin nakayanan ng aking dibdib.

Hinayaan ko lamang ito na tumulo nang lumayo sa akin si mama at papa.

Hinarap ako ni mama at pinawi ang aking mga luha habang si papa naman ay hinahagod ang aking likuran. "Noong nawala kayo, pakiramdam ko ay nawalan din ako ng isang bahagi ng aking pagkatao."

"Oh princess," hinawakan ni mama ang aking baba upang i-angat ang aking tingin sakanya. "We can never know what happens tomorrow. It will always be a surprise."

Napangiti ako bago ibinaling ang tingin kay papa na nakatingin din sa akin pabalik. "Masaya akong nakabalik na kami." Sabi nito.

Napaiyak ako ng lalo dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nakabalik na sila!

~*~*~

"All hail the queen! All hail the king! All hail the queen! All hail the king!"

Nang malaman ng mga Monddia na buhay sina mama at papa ay sumugod agad sila sa throne room kung saan nagaganap ang mga pagpupulong sa pagitan ng mga Monddia at kina mama.

Napangiti ako nang makita silang nakapila habang ibinibigay isa't-isa ang kanilang alay kina mama at papa na masaya naman nilang tinatanggap.

Doon ko napagtanto na mahal na mahal talaga ng mga villagers sina mama at papa. Pakiramdam ko, hindi ko sila kailanman mapapalitan bilang hari at reyna.

Napabuntong hininga ako. Ayokong mag-isip isip ng kung anu-ano, ang mahalaga para sa akin ay ang pagbabalik nina mama at papa.

Nag-anunsyo sila na magkakaroon ng munting salu-salo sa labas ng palasyo. Nakahanda na ang munting lugar kung saan magaganap ito.

Isang mahabang lamesa ang ihinanda upang paglagyan ng mga pagkain na niluto ng aming mga magagaling na tagaluto. Marami ring mesa ang naka-ayos sa labas na pinalamutihan ng mga tela at mga halaman.

Dumalo rin ang iba't-ibang mga hari at reyna mula sa iba't-ibang kingdom nang malaman nila ang balita na bumalik na sina mama at papa.

Nakisalo rin sa amin ang mga Monddia.Ang mga iba ay masayang sumasayaw sa gitna na nagsisilbing dance floor habang ang small orchestra ay nakapwesto malapit sa higanteng fountain.

Hindi ko kailanman inaasahan na ganito ang eksenang makikita ko. Lahat ay nakangiti, lahat ay nagsasaya na para bang wala silang dala-dalang problema.

Iyon ang isa sa mga hinangaan ko sa mga Monddia. Kahit na marami silang hinaharap, malaki man ito o maliit, gagawin pa rin nila ang isa't-isa at hindi pa rin mawawala ang kanilang pagtutulungan at bayanihan.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon