-
Nanlaki ang aking mga mata pagkatingin ko sa bracelet ko na may itim na diamond hearts. Dahil dito ay agad akong napalingon sa aking paligid. Pati ang aking ihi ay napaatras.Agad akong napasigaw.
"Aah! Lio! Knight! Yala! James!" sigaw ko sa mga apat. Nanginginig pa rin ako habang nakatingin sa bracelet ko at napagpasyahang maglakad papalayo sa kung saan ako nakatayo.
Agad namang nagsi-datingan ang mga apat.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Lio nang makalapit siya sa akin. Agad ko namang inangat ang palapulsuhan ko upang makita nila ang bracelet kong naging itim.
Pagkakita nila no'n ay agad nilang inilabas ang kanilang mga sandata 'saka tumingin sa mga paligid.
"Tara na." sabi ni Lio 'saka kami naglakad palayo roon. Nasa harapan si Knight at Dayala, nasa likuran namin si James habang si Lio ay nakahawak sa aking kamay nang biglang may lumitaw na dalawang tao sa harapan namin dahilan para mapa-atras kami. Dalawang tao na may matutulis na kuko at may dugo ang kanilang mga damit na punit punit.
"Ahhhhh!"
"Knight, Yala, kayo muna diyan." Daliang utos ni Lio 'saka na kami tumakbo nila James. Nilingon ko sila at nakita kong kinakalaban na nila Knight at Yala iyong dalawa pero napansin kong parami sila ng parami.
Kung saan sila nanggagaling? Hindi ko rin alam.
Itinuon ko na lamang ang pansin sa daang tinatahak namin nang biglang may dumating sa harap namin. Hinarangan ako ni Lio at si James ang unang umatake na sa kalaban.
"Lio! Itakas mo na si Elizabeth. Bilisan ninyo habang hindi pa dumadating ang White Witch!" sigaw ni James habang dinedepensahan ang kanyang mga sarili sa kalaban.
White witch? Sinong white witch?
Doon ko lamang natandaan na narito nga pala kami sa teritoryo ng isang reyna na ang kanyang kapangyarihan ay may kinalaman sa nyebe.
"Elizabeth, kahit anong mangyari, humawak ka lang sa akin." Utos sa akin ni Lio habang nakatuon pa rin ang tingin nito sa dinadaanan namin.
Naramdaman ko na lamang na hinatak na ako ni Lio papalayo sa kalaban na si James ang inaatake. Hindi ko mawari kung saang banda ng palasyo na ba kami. Ang alam ko lang, kailangan kong makaalis dito.
"Elizabeth!" napalingon ako sa sumigaw sa pangalan ko.
Si Prince Snow!
Lalapit palang sana kami ngunit naramdaman kong may malamig na humawak sa paa ko. Pagtingin ko, hindi pala hinawakan. Naka-ice pala! Nababalutang yelo iyong paa ko kaya hindi ako makagalaw!
"Lio! 'Yong-'Yong paa ko." Pagkasabi ko no'n sakanya ay bumagsak ang tingin nito sa aking mga paa na hanggang ngayon ay nababalutan pa rin ng yelo at para bang umaakyat ito sa aking mga tuhod.
Bigla akong nakaramdam ng lamig sa loob ng aking katawan. Nanghihina ako at para bang umiikot ang lahat ng bagay na nakikita ko. Tinawag ko ang pangalan ni Lio dahil para akong mahihimatay ngunit sinusubukan niyang tanggaling ang yelo na ngayong umabot na sa tuhod ko.
Hangga't sa nakalapit na sa amin ang mga kalaban. Tumayo si Lio 'saka sila hinarap at inatake ito. Sinubukan kong alisin ang yelo sa mga paa ko pero wala na akong lakas para gawin pa ito.
"L-Lio—" tawag ko sakanya ngunit abala ito sa pakikipaglaban sa mga kaaway.
Hangga't sa may naramdaman akong lamig na hangin sa likuran ko. Napapikit ang aking mga mata at napamulat nang may boses akong narinig.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...