Chapter 9: Healing Necklace

10.4K 278 1
                                    

-

"Anong nangyare?" tanong ni Lio kina James dahil ando'n din sila nang makarating kami.

"Tol, saan ka ba galing? Kanina pa naga-alala sina Queen Victoria dahil pati si Elizabeth ay nawawala." Bungad ni Knight nang makalapit kami. Nang mapansin ako ni Knight ay napakunot ang noo niya saka ibinalik ang tingin kay Lio.

"May nakita kami." Panimula ni Lio. "Mukhang siya ang may kagagawan ng kaguluhan na ito." Dagdag nito saka itinuro si Queen Cigam. "Ano ba'ng nangyari?"

"May ininom lang siya tapos bigla na lamang nahimatay." paliwanag ni James. Tumingin ako sa mukha niya. Maputla ito na parang bangkay. Tinignan ko din si Lio, at tumingin din siya sa akin. Alam kong iisa ang iniisip namin ngayon.

Mukhang tama nga si Lio. May kinalaman ang naka-itim na nakita namin kanina sa nangyayari ngayon.

Pinapanood ko lamang ang mga guards na alalayan si Queen Cigam. Napansin kong ipinikit ni ate Glimmer ang kanyang mga mata 'saka iwinagayway ng pakanan, pakaliwa at paikut-ikot ang kanyang mga kamay. Nang ipalakpak niya ang kanyang mga kamay ay bigla namang may lumitaw na maliit na ulap ngunit sakto lamang sa laki ni Queen Cigam.

Ibinaling sa akin ni Knight ang kanyang tingin ngunit ibinaba niya ito sa parte ng tiyan ko na aking ipinagtaka. "Liz, 'yong kwintas mo!" sigaw ni Knight. Napakunot ang aking noo kaya tinignan ko ang kwintas ko kung saan umiilaw pala ito ng kulay berde.

Bakit umiilaw ito ng kulay berde?

Nang pagmasdan koi to ng mabuti ay napansin kong may likido sa loob na kulay berde. Ano ito?

"Akin na!" napalundag ako sa gulat nang sumigaw muli ito kaya para 'di na magtagal pa, agad ko itong hinubad at ini-abot kay Knight. Binuksan nila iyon na parang locket saka pinainom kay Queen Cigam.

Nang mapainom nila ito kay Queen Cigam ay naghintay kami ng ilang segundo ngunit walang nangyayare dahilan para mapaiyak muli si ate Glimmer ngunit nanlaki ang aking mga mata nang mapansin kong bumalik na ang kulay ng kanyang balat, hanggang sa unti-unti nang tumitingkayad ang kulay ng kanyang balat at nagkaroon na din ng buhay ang kanyang katawan na kanina'y nangayayat ng husto.

Nagbalik ang normal na kulay na kutis niya na kanina ay puting-puti. Pati na rin ang mga labi niya na sobrang tuyo at tamlay ng kulay.

Mukhang napansin ni ate Glimmer ang aking reaksyon habang nakatingin lamang kay Queen Cigam kaya napatingin din siya sa kanyang ina at napahawak sa kanyang kamay sa pagka-bigla.

Hanggang sa unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Lahat ng tao ay napa-singhap sa gulat at napa-buntong sa saya. Nakarinig din ako ng bulung-bulongan tungkol sa kaganapan na napanood nila.

Ngunit nagising si Queen Cigam na gulong-gulo at litong-lito na para bang walang alam sa mga nangyayare.

"Anong nangyare?" pagtataka ni Queen Cigam nang makita niya ang lahat ng tao na nakatitig sa kanya at ang anak niyang umiiyak pero nakangiti na. "Glimmer?" tawag nito sakanya ngunit niyakap lamang ni Ate Glimmer ang kanyang ina.

Guminhawa ang aking loob. Ang saya. Buhay ang kanyang ina.

Ini-abot ni Knight ang aking kwintas kay Lio habang si Lio naman ay ibingay ito sa akin. Napansin ko ring bumalik na ito sa normal na anyo na plain diamond na heart.

"Oh ano pa'ng ginagawa niyo? Let's have fun!" sigaw ni Queen Cigam. Napatayo siya mula sa ulap at nagsigawan naman ang lahat 'saka bumalik sa pagsasayaw.

That was.. fast.

Napansin ko si papa na kinakausap naman ngayon ang mga chef. Tumango-tango lamang ito 'saka kinuha ang isang container ng inumin. More like tinanggal. Baka may naihalo sa drinks kaya nagkaganun si Queen Cigam at sigurado akong may kinalaman iyon sa nakita namin ni Lio na naka-itim.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon