-
"Elizabeth? Are you okay, darling?" narinig ko ang boses ni papa kaya napalingon ako. Papalapit siya sa akin at ngayon ay katabi ko na siya sa bench na inuupuan ko.Kasalukuyan akong nandito sa garden, pinapanood ang agos ng fountain at pinagmamamsdan ang mga bulaklak habang ang mga kasamahan namin ay dinidiligan ito.
Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagpaalam na sina ate Charlotte at kuya Rayli na babalik na sila sa palasyo nila kasama si Sofia.
Yumuko ako para yakapin ito. "Mamimiss ko ang napaka-cute kong pamangkin." Hinawi ko ang buhok nito. "Makikinig lagi kina mommy and daddy okay? 'Wag pasasakitin ang ulo nila." Dagdag ko na tinanguan niya lamang. Tumalikod ito upang lumapit sakanyang ina at pagkatapos ay dali-dali rin itong bumalik.
"I made for you." Inabot niya ang isang rosas na gawa sa papel at kinulayan ng kulay asul. Lumapad ang aking ngiti bago tinanggap. "Thank you."
Hinalikan ko ang kanyang noo. "Will I see you again?" rinig kong tanong niya na ikinatawa namin ng mga kapatid ko.
"Oo naman. Basta pag nagpakabait ka, magkikita tayo."
"I will."
Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang papel na rosas. Tinignan ko si papa 'saka tumango.
"Yes pa." sagot ko sakanya 'saka ngumiti.
"Advance happy birthday, darling." Pagbati niya sa akin bago ako hinalikan sa pisngi. Ngayon ko lang naalala na in two days, debut ko na pala.
"Salamat pa."
"Oh, I have something for you." Nilingon nito ang kanyang gilid may kinuha mula roon.
"Pa, ano po 'to?" inabot niya sa akin ang isang scroll na may tali at may balahibo na nakasabit doon sa tali. Ibinaling ko ang tingin sakanya ngunit nakangiti lamang ito sa akin.
"Open it." sabi niya.
Katulad nang sabi ni papa ay inun-roll ko naman iyong scroll at sinimulang basahin ang laman nito.
Nang mapagtanto ko ang laman no'n ay ibinalik koi yon kay papa.
"No pa. I-I can't take that." Tinitigan niya lamang ito 'saka ibinaling nag tingin sa fountain. Ibinaba ko ang pagkakalahad ng aking kamay at ipinatong sa aking kandungan nang magsimula siyang magsalita.
"I was expecting you'd say that." Nakatingin lamang ito sa fountain. "Your mother and I were debating before. Your siblings already have their own kingdoms so we decided, it is your turn to continue what we have started."
"Pero pa, mage-18 pa lamang ako."
"It is not intended for today but I would like to tell you that once we die, I would like you—" humarap siya sa akin 'saka ako tinuro. "to rule this kingdom. Together with your future husband."
"Pero hindi pa naman kayo mamamatay. Bakit pakiramdam ko, pinapangunahan niyo ang mga bagay-bagay? Hindi po ba imortal kayo?"
"Oh princess, we are immortals, yes but we also want to resign from our duties. I've dreamt of spending my entire life with your mother."
"Kaya po ba ipinapasa niyo sa akin ang responsibilidad?"
"No, of course not. You see, you will turn 18 soon and you must know that you are next in line."
"Pero sabi niyo po pag namatay kayo—"
"The future will always remain as the future. If we can just change the alignment of the stars, we would. But destiny and fate has its own game."
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...