--
Binuksan ng mga gwuardiya ang higanteng gate ng palasyo 'saka kami pumasok. Nang makarating kami sa palasyo ay naunang pumasok sina James, Yala at Knight habang ako naman ay binagalan ang aking paglakad.
Napansin kong gano'n rin ang ginawa ni Lio kaya nahuli kaming makapasok ng palasyo.
Napatigil ako sa paglalakad 'saka siya tinignan. Nagtama ang aming mga tingin. Naghintay ako ng mga ilang segundo dahil pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin.
1 second...
5 seconds...
10 seconds...
Nagbaba ako ng tingin 'saka bumuntong hininga. Tumalikod na ako upang pumasok ng palasyo dahil pakiramdam ko ay hindi naman siya magsasalita.
Hanggang sa hinawakan niya ang aking palapulsuhan dahilan para mapatigil ako.
Hinarap ko siya at kumunot ang aking noo, nagtatanong kung ano nanaman ba ang kailangan niya at pinatigil niya ako.
"Tungkol sa nangyari kahapin—"
"Lio," napabuntong hininga ako. "Mas maayos siguro kung kalimutan nalang natin ang nangyari."
"Kalimutan?" tumawa siya ng mapait. "Paano ko 'yon makakalimutan kung iyon na nga lang ang naiisip ko gabi-gabi?"
Napakibit balikat ako 'saka ngumiti ng mapait. "Hindi ko rin alam. Pero mas maganda na lamang na hindi na natin pa iyon balikan."
Alam kong nasasaktan ko siya dahil nasasaktan din ako sa mga pinaggagagawa ko, pero ito ang desisyon ko. Hindi kami pwede, at ang nangyare kahapon ay isang pagkakamali.
Tumalikod na ako upang tuluyan nang pumasok sa palasyo at magtungo sa aking kwarto nang hilain ako ni Lio palabas ng kingdom.
Sinubukan kong bawiin ang aking kamay ngunit masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak.
"Ho-Hoy!" hindi niya ako pinansin. "Hoy, sa'n ba tayo pupunta?" ngunit hindi pa rin siya umimik kaya napatahimik na lamang ako.
Nakalabas na kami ng gate ng palasyo. Pumasok kami sa Enchanted Forest. Nilagpasan namin ang ilang mga puno at tinahak namin ang isang landas na kahit kailan hindi ko pa nasusubukang lakarin.
Hanggang sa napansin ko na papataas na itong nilalakaran namin.
"Ah saan tayo pupunta?" tanong ko pero wala akong ni isang sagot na Nakuha. Suplado naman!
Nang makarating kami sa dulo ay doon lamang niya binitawan ang aking kamay. Lumapit ako roon at napagtantong nasa isa kaming talampas. Meron din isang puno na napakatayog na nagsisilbing payong para hindi kami mainitan.
Nakikita ko mula rito ang napaka-asul na kulay ng dagat kung saan sa gitna nito ay hinahaluan ng kulay berde. Kitang-kita ko rin mula rito ang sinag ng araw.
Ngayon ko lang 'to nakita.
"Dito ko nakilala ang unang babaeng minahal ko." Panimula ni Lio.
Napaikot ako ng tingin sa talampasan kung saan kami nakatayo.
Nagtataka ako kung bakit niya ikinekwento sa akin ito ngunit tahimik lamang akong nakikinig sakanya.
"Masaya kami, aaminin ko, ngunit tama nga sila. Hindi lahat ng oras, masaya." Napaupo ako sa malaking ugat ng puno na maaaring magsilbing upuan. Sumandal naman siya sa kahoy nito.
"Iyon ang dahilan kung bakit malaki ang galit ko kay Caspian." Tinignan niya ako. "Dahil siya ang dahilan ng aming paghihiwalayan."
"Sino ba 'yong 'unlucky' girl?" natawa siya ng marahan bago ako tinignan.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...