Epilogue

9.6K 185 5
                                    


"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." masayang sabi ng papa ni Lio. Siya ang nagsilbing pari. 

Humarap na si Ate Diana at Kuya Rix sa isa't isa. Narinig ko ang hiyawan ng mga bisita sa likuran habang ako naman ay napapahagigik na rin. Dahan-dahang hinawakan ni Kuya Rix ang mukha ni Ate Diana bago sila naglapit at naghalikan. 

Kung tatanungin niyo kami ni Lio, siyempre kasal na kami. Mas nauna kaming ikinasal kina  kina Ate Diana dahil siyempre, kailangan na ng King and Queen ang Diamong Kingdom at buti naman ay tinanggap kami ng mga Monddia.

Pagkatapos ng isang linggo ay uuwi muna kami sa mundo ko kung saan dati ako nakatira. Doon muna kami mananatili ng limang araw. Ipinaalam ko iyon kay Lio kung papayag ba siya at sa totoo lang, mas excited pa siya kaysa sa akin. 

"Anong iniisip mo, aking mahal na reyna?" napahagikgik ako sa kanyang pagtawag sa akin bago naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking beywang. 

Napangiti ako 'saka hinawakan ang braso niya. Hindi parin ako makapaniwala na itong lalaking ito ay prinsipe pala sa Emerald Kingdom. Noong una ay tangging-tanggi pa ako sa arranged marriage. Kung alam ko lang na siya pala ang papakasalan ko, bakit hindi 'di ba?

"Wala naman. Iniisip ko lang na ang bilis ng panahon. Kasal na sila Ate Diana." sabi ko bago tinignan sina Ate Diana at Kuya Rix na nakikisalamuha sa kanilang mga bisita. 

Pagkatapos ng ilang segundo ay hinalikan niya ako sa aking pisngi pababa sa aking leeg.

Humarap ako sa kanya 'saka marahan na tumawa.

"Hoy, 'wag dito." natatawa kong sabi. "Behave ka nga, Lio. Maiskandalo tayo." pero parang wala siyang naririnig. Ngumisi lamang ito bago ipinagpatuloy 'yong ginagawa niya kanina nang biglakong marinig ang sigaw ni Ate Diana.

"Oy kayo diyan! 'Wag kayong mag-skandalo dito! Halika na dito Liza at sayawan na." sigaw niya. Napatawa nalang kami ni Lio 'saka pailing-iling na lumapit sa kanila at sinabayan sa pagsasayaw.

Kung nandito lang sina mama at papa, malamang ay mas masaya ang celebrasyon kasama ang mga bisita. Ilang araw na rin simula nang mangyare ang labanan na iyon at kahit masakit, kailangan kong tanggapin ang naging kapalaran nila.

Ngayong wala na si Deatro, sa wakas ay tatahimik na rin ang buhay namin. Makakabuo na rin kami ng pamilya ni Lio. Masayang pamilya. Pangako iyon.

At ako? Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. Hindi ko ba alam kung bakit pero ang saya ko kapag naiisip ko ang mga bagay-bagay. Hindi man ito ang pinangarap kong buhay para sa aking sarili, masaya ako dahil natagpuan ko ang aking pamilya. Hindi ko na kailangan pang maging mag-isa.

Sina Kuya George at Ate Aura, nawalan man sila ng anak na si Ate Aurora, naging matatag naman sila at minahal pa rin ang isa't isa.

Sina Ate Charlotte at Kuya Rayli naman ay halata ang saya sa kanilang mga mata dahil ang anak nilang si Rio ay nasundan ng isa pang anak na babae na papangalanan daw nilang Charlie. Sosyal! Pero siyempre, hindi makakalimutan si Sofia.

Sina Kuya William naman at Ate Glimmer ay kontento na sa kanilang dalawang anak na si Willmer at Gliam. Hindi lang sila basta anak kundi kambal sila, at ang nanay naman ni Ate Glimmer na si Queen Cigam ay supportive sa kanilang marriage.

Si Ate Diana naman at Kuya Rix na kakatapos pa lamang ikasal, akalain mo iyon? Buntis na agad si Ate Diana? Maliit pa naman iyong tiyan niya pero excited na ako na makita ang pamangkin ko. Magiging tita na naman ako.

And of course, magpapahuli pa ba ang bida sa kwentong 'to? Siyempre hindi 'no. At hindi pa ako buntis. Ayoko pang mabuntis dahil wala pa sa plano ko iyon. Naiintindihan naman iyon ni Lio no'ng sinabi ko sa kanya pero malay mo kapag bumisita kami sa mundo ko, magkamilagro 'di ba?

"May I dance with my dear wife?" aya sa akin ni Lio.

"Sure my dear husband." masayang pagtanggap ko sa kanyang nakalahad na kamay. Sakto namang slow dance iyong kanta na ipinapatugtog no'ng orchestra kaya inilagay niya 'yong kamay niya sa beywang ko at ang aking kamay sa kanyang batok.

"Ready ka na ba'ng makita ang mundo ko?" tanong ko sakanya. 

"Handa akong pumunta kahit saan," sabi niya 'saka lumapit sa tenga ko at bumulong. "Basta kasama ka." Napangiti ako dahil doon.

"I love you." sabi ko sa kanya.

"I love you too." and then his lips met my lips as if it's the first time I have ever felt them.

I giggled as I let the sparks fly around me. 

~*~*~

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon