Kanina pa ako pinaglalaruan ng dalawang ugok na mga 'to.Katatapos ko lang kumain ng sandamakmak na pagkain. Sina James at Yala ang may kasalanan kung sakaling tumaba ako ng wala sa oras. Nang dahil sakanila, sumasakit na 'yong tiyan ko sa sobrang raming pagkain na pikahain at pinakain.
Naga-alala sila, sige na, gets ko na 'yon. Pero 'yong gawin nila akong baboy? Nako.
Pero may bumabagabag pa rin sa isipan ko.
Bakit ganun nalang makaasta si Lio sa akin no'ng binanggit ko ang pangalan ni Caspian?
FLASHBACK
"Kilala mo ba si Caspian?" tanong ko kay Lio nang magkaroon ako ng pagkakataon. Kasalukuyan kaming narito sa garden.
Napakunot ang aking noo nang napansin ang pagsara ng kanyang kamao.
"Pwede ba na 'wag mong banggitin ang pangalan na iyan!" sigaw niya sa akin 'saka humarap. Kita ko ang inis at galit sa kanyang mga mata. Halatang nagpipigil ito ng galit.
Pero bakit siya magagalit? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin kung ano ba ang meron?
"Anong problema? Bakit ka ba galit?" tanong ko sa kanya ng kalmado. Sinusubukan ko rin na huwag taasan ang boses ko dahil ayokong sabayan ang init ng ulo niya.
Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa.
Hinawakan niya ang aking magkabilang braso ng mahigpit. Naalala ko muli iyong panaginip ko kung saan hinawakan ako ni Lion g mahigpit sa braso. Sa sobrang higpit, nangitim ito.
"Wala kang karapatan na pakealaman ang personal kong buhay. Nagtratrabaho ako sa'yo, hanggang do'n lang iyon!" sigaw niya na ikinalaki ng aking mga mata.
Nagulat ako, natakot, nanginig. Hindi ko pa kailanman narinig si Lio na ganito kung makasigaw, hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit. Napailing ako dahil alam kong hindi siya ganito.
Para siyang sinasapian ng masamang kapangyarihan. Nakakatakot ang itsura ni Lio. Hindi ko namalayan na nagtutubig na pala iyong mata ko. Lumambot lamang ang kanyang ekspresyon nang makitang tumulo ang aking luha.
"Elizabeth," tinawag niya ang aking pangalan ngunit tumakbo lamang ako papalayo, papalayo sakanya, sa garden, sa taong minsan ay akala ko, may pagkakataon na baka pwede, baka pwedeng mahulog ako sakanya.
Pero maski ako nalilito dahil wala pa naman akong ginagawa, kung magalit siya ay para bang napakalaki ng kasalanan ko sakanya. Maski ako naguguluhan.
Kahit na gustong-gusto ko siyang intindihin at suyuin, hindi ko magawa dahil hindi naman niya ako pinapapasok sa kanyang mundo.
Tinawag niya ako mula sa likod pero hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo patungong kwarto ko. Tumigil rin ang ibang mga kasamahan at kawal sa loob ng palasyo nang makitang umiiyak ako ngunit hindi ko sila pinansin.
Gusto ko lang magmukmok sa loob ng kwarto ko.
Lio, akala ko may pag-asang maging tayo.
Ang tanga ko. Kahit kalian, napakatanga ko sa pag-ibig.
END OF FLASHBACK
Nakahiga lamang ako sa aking kama, walang ganang bumangon, halos naibuhos ko na ata pati ang aking lakas sa pag-iyak. Nagsisimula na rin na sumakit ang aking ulo at namumugto na rin iyong mga mata ko.
Napabuntong hininga ako.
Ano ba'ng nagawa kong masama kay Lio?
Naalala ko nanaman noong pumunta rito si Phoebe upang suriin si mama. Nang pinagalitan ko si Phoebe ay pinagalitan din ako ni Lion a para bang wala lang ako sakanya.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasíaNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...