Chapter 24: Prince Caspian

6K 184 2
                                    


Kung maglaro nga talaga ang tadhana, nakakainis. Kung tao lamang ito na makakasalamuha ko araw-araw, malamang ay marami nang pumatay sakanya.

Isa na ako roon.

Sa dinami-dami ba naman ng maaari kong makilala na prinsipe, bakit ang isa pa sa mga anak ng taong pumatay sa mga magulang ko?

Pagkabanggit niya pa lamang na anak siya ni Deatro ay agad akong napatayo. Anong ginagawa ng lalaking ito dito sa puntod nila mama? Sinusundan kaya ako nito kanina pa?

Narinig niya kaya ang lahat ng sinabi ko kanina kina mama at papa?

"H'wag kang lumapit!" sigaw ko sakanya nang humakbang ito papalapit sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto, bakit ba kasi hindi ko pinayagan sina Lio na sumama sa akin? Kung nandito sila, malamang ay nakaalis na itong lalaking ito.

Habang pinagmamasdan ko si Caspian ay napaangat ang aking kilay. Kung anak nga siya ni Deatro, bakit hindi sila magkamukha? Mata pa lamang ay magkaibang-magkaiba na sila.

"Hindi ako masamang tao--"

"Masama ka dahil ama mo ang taong gusto akong patayin at ang taong pumatay sa mga magulang ko!" sabi ko saka siya dinuro-duro. Naalala ko nanaman lahat ng sakit, takot at galit na ipinaramdam sa akin ng tatay nito magmula pa lamang nang makarating ako rito, sa aking mga panaginip at sa aking kaarawan.

At hanggang ngayon, ngayong patay na ang aking mga magulang ay mas pinapatindi nito ang takot na aking nararamdaman.

"Bigyan mo ako ng pagkakataon para magpaliwanag. Hindi ako katulad ng iniisip mo."

"Imposible! Anak ka niya kaya malamang ay dumadaloy din sa dugo mo ang kasamaan ng papa mo!"

"Hindi niya ako tunay na anak."

Napatigil ako sa paghihisterikal nang marinig ang kanyang sinabi. Kaya ba hindi sila gano'n magkamukha?

Bumagsak ang kanyang mga balikat 'saka sumandal sa pader na katabi ng puntod nina mama. Napakunot nanaman ako ng noo. Ano ba ang gusto ng lalaking ito?

"Ako si Prince Caspian. Anak ako ni King Deatro.. dati. Katulad mo lang din ako, isang outsider. Hanggang sa matagpuan ako ni King Deatro na nagi-isa, gutom at walang kaalam-alam kung ano ba itong mundong pinasok ko."

"Idinala niya ako sa isang palasyo, isang maitim at masamang palasyo kung saan ako nanirahan. Kung saan trinato nila ako na para bang sarili nilang anak ng kanyang asawa. Hindi sila makabuo-buo kaya inampon na nila ako. Hanggang sa isang araw, nabuntis ang mama ko. Magmula noon ay nabalewala na lamang ako, hindi na tinapunan ng pansin. Pakiramdam ko, mag-isa nanaman ako."

"Lumayas ako sa palasyo na iyon at nanirahan sa isang matanda. Trinato niya akong parang anak at trinato ko siyang parang lola. Hindi naging madali para sa akin na kalimutan ang dati kong naging mga magulang ngunit pinaramdam niya sa akin na hindi ako nagi-isa."

Nabalot ng katahimikan ang paligid matapos magkwento si Caspian. Nakatingin lamang ako sakanya, nakikinig habang siya naman ay nakatingin sa kalawakan.

Ibinaling niya ang tingin sa aki. "Kaya kung iniisip mo na papatayin kita, wala akong balak na gano'n dahil ang dugo ko ay hindi kaparehas ng dugo ng tatay ko." Napabuntong hininga siya. "Pasensya ka na."

Napailing ako. "Pasensya na rin. Hinusgahan kita agad. Marami lang ang nangyari nitong mga nakalipas na araw ng dahil sa papa mo. Kung naakusahan man kitang masama, patawad, hindi ko sinasadya."

Napangiti ito. "Ayos lang sa akin dahil marami talagang tao ang napagkakalaman akong masama sa tuwing nalalaman nila na anak ako ng hari ng kamatay at kadiliman. Hindi ko sila masisisi. Ganito lang talaga ako."

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon