--
"Ano ba'ng maitutulong ko?" tanong ko sakanya. Mas lumapit siya sa akin, mas nagkaroon ako ng opotunidad na makita ang kanyang kumikinang na kulay asul na buntot ngunit sa baba ay nagi-iba ang kulay nito at nagiging violet.
"Kailangan kong makuha ang mahiwagang kabibe para maging tao ako. Please. Tulungan mo ako." sabi niya.
"At bakit hindi mo makuha ng ikaw lang?" tanong ni Knight mula sa aking likod. Tinignan niyo si James bago lumipat ang kanyang tingin sa aking dibdib at itinuro iyon.
"Kailangan ko ang kwintas mo." Napababa ako ng tingin at napansing umiilaw nga ito ng kulay asul ngunit nang abutin ko ito ay tumigil ito sa kakaliwanag.
Napakunot ang aking noo dala sa pagkakalito ngunit tinignan ko muli si Zuriel.
"Paano ko makukuha ang kabibe?"
"Liza, sigurado ka ba diyan?" tanong ni Yala mula sa aking likod.
"Kaya nga. Mamaya nanloloko lang pala yan." dugtong ni Knight.
"Kailangan mong makababa para makapunta sa Underwater Kingdom." Pagpapaliwanag ni Zuriel.
Nakaramdam ako ng kamay sa aking braso at nang i-angat ako no'n ay nagtama ang aming tingin ni Lio. Tinignan niya muna si Zuriel bago inilipat ang tingin sa akin. "Sa palagay ko, hindi tama na nagpupupunta tayo sa Underwater Kingdom ng basta-basta."
"Kailangan niya ang tulong ko." Hinawakan ko ang kanyang braso. "Gagawin mo rin kung ikaw ang nasa posisyon ko."
Napabuntong hininga si Lio bago ako pinakawalan. Ibinalik ko ang aking atensyon kay Zuriel.
Napabuntong hininga ako. "Paano ako makakapunta sa Underwater Kingdom kung hindi ako katulad mo na may buntot?" tanong ko sakanya.
"Mamamatay lang si Elizabeth d'yan." Sabat ni James ngunit napailing si Zuriel 'saka inilahad ang kanyang kamay at ipinakita nito ang tatlong perlas na kulay itim.
Ngunit nang pagmasdan ko ito ay napansing hindi pala ito itim ngunit kulay indigo na nagi-iba ng kulay na kulay asul, kulay purple at kulay violet.
Inabot koi yon at inilapit sa aking mga mata upang mas masuri pa ng mabuti. Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng perlas sa malapitan.
"Elizabeth, hindi ka namin pwedeng iwan kahit na anong mangyare." Napalingon ako kay James. "Kaya sana maintindihan mo kung bakit kinakailangan na kasama kami sa pagpunta sa ibabang parte ng dagat."
Napatingin ako kay Lio ngunit tumango lang ito. "Tama si James. Hindi ka namin hahayaan na lumusong mag-isa."
"Kung gano'n," narinig ko ang boses ni Yala. "Kayo na lamang tatlo ang pumunta at kami ni Knight ay magbabantay rito."
Masaya ako dahil kahit papaano ay sinusuportahan ako ng mga ito sa mga desisyon ko sa buhay.
Napangiti ako 'saka ibinaling ang atensyon kay Zuriel. "Lunukin niyo lamang ang mga perlas at magkakaroon na kayo ng sarili ninyong buntot."
"Paano kami makakabalik sa dati?"
"Madali na lamang iyon sapagkat nakuha na natin ang kabibe sa mga oras na 'yon." Napatango ako bago inabot ang dalawa pang perlas kay James at Lio na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Patay nanaman tayo kina Queen Charlotte pag nalaman niya ang mga pinaggagagawa natin." Narinig kong angal ni James na ikinatawa ko lamang ng marahan.
Kahit kailan talaga 'tong lalakeng to, palabiro.
Lumingon muna ako kina Yala at Knight bago naglakad patungo sa katubigan. Nakaharap kaming tatlo sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...