Chapter 31: Confession

5.9K 167 2
                                    

--

I dedicate this chapter to princess_leth. Thank you for voting and reading! 

-Yaniii

~*~*~

"Elizabeth," tawag sa akin ni mama. "May namamagitan ba sainyo ni Lio?"

"Po?"

Napatingin ako kay papa na nakatingin kay mama bago ibinaling ang tingin sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin 'saka itinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harap ko.

Nahihiya akong aminin ang kung ano mang meron sa amin ni Lio. Alam ko rin naman kasi na nasa likuran ko lamang siya.

Pakiramdam ko, nagiinit nanaman ang aking mga pisngi kaya tinapik ko agad ang mga ito at sinubukang kalmahin ang aking sarili.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na ito sa aking dibdib.

Akmang sasagutin ko pa lamang sana ang tinatanong ni mama ng tumunog ang trumpeta at nagsalita ang kawal na nakatayo sa entrada papasok ng hapag-kainan.

"Prince Eddie of Ruby Kingdom."

Napakunot ang aking noo. Anong ginagawa ni Ed dito?

Pinigilan ko ang aking sarili na mapalingon sa direksyon ni Lio dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Itinuon ko na lamang ang mga gwuardiya na pumasok sa hapag-kainan bago ko naaninag ang mukha ni Ed.

Napatayo sina mama at papa dahilanpara sumunod ako sakanilang ginawa.

"Eddie," tawag ni papa. "What are you doing here, hijo?"

Yumuko si Ed bilang paggalang bago ito tumayo ng matuwid. Ibinaling niya ang tingin sa akin dahilan para mag-init muli ang aking pisngi.

Nginitian ko na lamang si Ed bago umupo.

"Queen Victoria, King Williamson, narito po ako upang ipagpaalam sainyo kung maaari ko po bang ilabas si Elizabeth at idala sa aming palasyo."

Nalaki ang aking mga mata. Idadala niya ako sa Ruby Kingdom? Bigla akong kinabahan ngunit hinaluan ito ng pananabik.

"It's so nice for you, Prince Ed. I will allow you to take my daughter as long as she doesn't mind." Napalingon ako sa kinauupuan ni papa bago ibinaling ang tingin kay Ed.

Tumango ako bilang sagot dahilan para mapangiti siya ng malapad. Alam ko nakatingin sa akin si Lio ngunit hindi maaaring hindi-an ko si Ed nang dahil lamang sa nararamdaman ko para kay Lio.

"H'wag po kayong mag-alala. Hindi ko po pababayaan ang prinsesa ninyo."

"Hindi kami sasama?" napalingon ako kay Yala na nagslita sa aking likuran at doon nagtama ang aming tinginan ni Lio. Masama ang kanyang tingin sa akin ngunit agad din akong nag-iwas dahil hindi ko kinakaya.

"Oh Yala, dear, I'm sure Eddie can assure us Elizabeth's safety." Sagot nit okay Yala.

Ibig sabihin, ako lamang ang pupunta.

~*~*~

Bumukas ang higanteng gate ng palasyo nina Ed nang makarating kami rito. Pagkapasok namin sa kanilang teritoryo ay agad akong namangha sa lawak na taglay nito.

Maraming mga halaman, mga puno at may malaking fountain din sa dulo na kulay pula ang ibinubuga nitong tubig.

Malaki ang kanilang palasyo na kulay pula na hinaluan ng kulay itim na mga pillars. Ang kanilang higanteng pintuan ay gawa sa ruby na gemstone dahilan para mas mapahanga ako lalo.

Inilahad ni Ed ang kanyang kamay nang makarating kami sa harapan ng pintuan. Tinanggap ko ito at inalalayan naman niya ako na makababa sa chariot na aming sinakyan.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon