Chapter 18: Just A Dream

6.7K 204 1
                                    

-


"She's Alice. You're Alice. How lovely!" singhal ni Mad Hatter 'saka pumalakpak ng napakalakas at ngumisi ng nakakaloko. Napanguso ako roon 'saka ibinaling ang tingin muli kay Alice.

Pinagmasdan ko siya. Nakasuot ito ng kulay asul na damit, kulay dilaw ang kanyang kulot na buhok at maputi ito. Kasing-laki ko lang rin ito at mapupula ang kanyang labi.

"Paano kita matutulungan, Alice?" tanong ko sakanya.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag. Imbes sana na bumalik na ako sa palasyo ay nanatili ako at pumayag na tulungan ang kung ano mang bagay.

Bakit ba kasi ang bait bait ko?

(A/N: Ang hangin naman!)

Author naman eh.

"Look," sabi niya 'saka dali-daliang lumapit at umupo sa tabi ko. "There is a Jabberwocky--"

"S-s-s-s-s-sandali. Jabber-ano?"

"A jabberwocky, a dragon like creature that is controlled by the Red Queen. We need to stop her."

"Bakit?" tanong ko sakanya.

Kung dragon nga ito, bakit pa ako mangingialam 'di ba? Ayoko pang mamatay. Isa pa, hindi pa ako nakakapagensayo sa mga laban-laban na iyan. Sa susunod na kabilugan ng buwan pa ako mageensayo.

"Because," paninimula nito. "she terrorizes the underland's inhabitants." sagot naman nito na dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

Dahil hindi ko naintindihan. Ang alam ko lang, masama siya. Basta masama siya. Iyon ang summary ng sinabi niya.

Jabberwocky. Nice.

May haring gustong pumatay sa akin, isang white witch kung saan kakatakas ko lamang at ngayon naman, ilalagay ko ang sarili sa peligro nang walang kaalam-alam!

Elizabeth, nagi-isip k aba?

"So kailangan nating patayin iyong jabberwocky at iyong red queen bago nila tayo mapatay?" pagkaklaro ko sakanya.

"Oo."

"H-Ha?"

"Ang sabi ko, oo."

"Grabe ka naman! Nagtatagalog ka naman pala eh ingles ka ng ingles diyan kanina pa." pagrereklamo ko 'saka ikrinus ang aking kamay at braso sa tapat ng dibdib ko.

Nagtatagalog naman pala ito ta's kung makapagsalita ng ingles, akala mo isang amerikana.

"Oh ano? Tutulungan mo ba ako?" tanong niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago tumango.

"Tara." sabi ko 'saka na tumayo.

"How lovely of you to fight together." sabi ni Mad Hatter.

Isa pa to! Ingles ng ingles.

"Hoy ikaw, halika na!" sabi ko sakanya pero wala akong nakuhang sagot. Tinitigan niya lamang ako kaya ibinaling ko ang tingin kay Alice at inangat ang aking kanang kilay.

"Hindi niya alam mag-tagalog."

Anak ng.

Ah ewan.

Pinagtritripan ata ako ng mga 'to. Nababaliw na yata ako.

Nagsimula na kaming maglakbay ni Alice patungong palasyo ng Red Queen. Umiba rin ang kulay ng lupa na tinatapakan namin. Kung kanina'y kulay brown, ngayon ay kulay na pula.

Umiba rin ang mga halaman na naroon. Kahit saan ka mapalingon, kulay pula ang makikita mo. Hangga't sa natanaw ko na ang palasyo na kulay pula na may itim na lagusan. Pati ang mga maliliit na watawat ay kulay itim.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon