Chapter 3: Home

22.7K 535 26
                                    

-


"Prinsesa ako? Pero pa-pa'no?" tanong ko ng pautal-utal.

Hindi pa rin kayang magregister sa utak ko ang mga impormasyon na sinabi sa akin ni lola ko, mga bagay na ipinag-tapat niya at ang litrato ng mga magulang ko na hawak-hawak ko ngayon.

Pinagmasdan ko ng maigi ang litratong iyon at naging pamilyar iyon sa mata ko. Hanggang sa naalala ko ang sketch na ginawa ko noong gabing nanaginip ako tungkol sa isang babae at lalake na may sunog, may apoy at may babaeng kinakantahan pa ako.

"Yes Elizabeth. Isa kang prinsesa sa Diamond Kingdom. Siguro oras na rin para ikaw ay bumalik sa iyong tahanan." sabi ng lola.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Napa-sandal sa upuan na inu-upuan ko. Gusto kong umiyak, gusto kong magalit dahil sa mga nalaman ko.

Paano nangyare 'yon?

Simula pa nang bata ako, lagi na akong naaasar at nabubully kung bakit sa tuwing Family Day ay wala akong maidalang mama o papa. Kung bakit sa tuwing nagkakaroon ng assignment tungkol sa mga magulang ay wala akong maisagot dahil hindi ko naman sila kilala at nakagisnan ko nang patay sila.

Ngayon, gusto kong magalit dahil pakiramdam ko ipinagkait nila sa akin ang pakiramdam ng may isang buong pamilya, ipinagkait nila ang karapatan kong malaman na ang lahat ng ito ay isa lang palang kasinungalingan.

Ang rami ko pang mga tanong ngunit nang tignan ko si lola, nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Bakit parang umiba si lola? Sa maniwala man kayo o sa hindi, bigla na lamang nawala ang kulubot sa mga mukha niya. Nawala yung mga wrinkles niya at yung labi niya, ang pula. Parang naging mas bata. Parang hindi si lola.

Napatayo ako saka lumayo ng kaonti sa babaeng kaharap ko ngayon. "Sino ka? Anong ginawa mo sa lola ko?" tanong ko sakanya pero tinawanan niya lamang ako saka tumayo.

"Elizabeth, ako pa rin to. Ang lola mo."

Napakunot ako ng noo. "Lola? Imposible. Bakit parang.. ang bata mo tignan? Anong nangyare sa'yo?"

"Wala nang halaga pa kung itatago ko saiyo ang tunay kong anyo." Nginitian niya ako. "Ganito talaga kapag isa kang royal family. Maaari kang mag-iba ng anyo ngunit tayong mga taga-Diamong Kingdom lamang ang may blessing nito lalo na kapag nasa mundo tayo ng mga tao."


"Mundo ng mga tao?"

"We are immortals, Elizabeth. Like Percy Jackson's father. We can only be killed through poison or deadly creatures." Inaya niya akong umupo ulet sa silya na inuupuan ko kanina na walang alinlangan kong sinunod. Umupo rin siya sa silya na katapat ko saka hinawakan ang aking kamay.

Ang lambot ng kamay niya.

"Elizabeth, apo, alam kong mahirap mo na paniwalaan ang mga nangyayare pero ito talaga ang tadhana mo. Hindi maaaring ibahin ang itinakda."

"Pero bakit ngayon ko lang po nalaman ang lahat ng ito? Lola, wala ba akong karapatan na malaman noong una pa lamang?"

Nginitian niya ako ng malungkot. "Dahil wala pa sa tamang panahon. Ito ang tamang panahon."

Kinuha muli ni lola ang panyong inilapag niya sa mesa na kaharap namin saka kinalas ito kung saan may nakasigpit na isang papel.

"Bukas, pumunta ka sa forest at basahin mo ito. Malalaman mo ang mangyayari." sabi niya saka ini-abot saakin ang papel na nanggaling sa panyo. Then she smiled. "Wag kang magalala. You'll be fine. If hindi ka parin makapaniwala na isa kang prinsesa, listen to me and follow my instructions."

Tumayo na siya saka niya ako hinalikan sa may noo. "Wag ka nang pumasok. Good night my princess." sabi ni lola saka pumasok sa kwarto niya.

She left me hanging with unanswered questions. Nanatili pa rin akong naka-upo dito sa may silya kung saan niya ako iniwan. Hindi ko mai-galaw ang katawan ko. Ayokong i-galaw ang katawan ko.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon