Chapter 6: Royal Life

14K 396 28
                                    

-

"Of course Elizabeth lalo na at dumating ka na." sabi ni mama saakin. "I mean, all of the villagers and the other kings and queens are so excited to meet you. The long lost princess of Diamond Kingdom." Napalakpak pa si mama dahil sa excitement habang ang aking kapatid ay nakangiti sa akin.

Grand ball? Kailangan pa ba 'yon? Sa tingin ko, hindi na importante pa ang makita at makilala nila ako. Ganito ba talaga kapag isa ka nang royalty? You need to meet all of the people in town and all the royal families? Kuntento na ako na namumuhay sa likuran ng mga anino nila.

"You should wear your best ball gown, sissy." Excited na sabi ni Ate Diana sa akin.

"Don't worry, we'll help you." dugtong naman ni Ate Charlotte na ikinunot pa lalo ng aking noo.

"Pero--"

"No buts Elizabeth. It's your grand ball. You should be happy. All the kingdoms will be here." sabi ni papa saakin.

"Pa," ibinaba ko sa tabi ng aking plato ang kubyertos na hawak ko saka ipinagsama ang aking mga kamay."I think having this grand ball is a bad idea. Akala ko po ba, nasa panganib ang buhay ko dahil kay King Deatro? Kung gano'n, bakit tayo magpapa-grand ball?" I asked dahil totoo naman. If they really care for me, hindi siya magpapa-grand ball dahil may possibility na pumunta din yung sinasabi nila lalo na't kumpul-kumpol ang mga tao doon.

Alam ko na mga yan. Dala yan ng kababasa ko ng mga fantasy and fiction books noon sa may library. May event na magaganap tapos pati yung kalaban, makiki-party din kaya ayon, biglang mawawala 'yong target niya dahil na-kidnap na pala siya. Tapos lahat ng tao, iiyak dahil nawawala na naman ang kanilang anak.

"I understand you, Elizabeth but I'll make sure na nakabantay ang mga guards inside and outside of the kingdom." Napabuntong hininga si papa. "I apologize but this is important. This is tradition, Elizabeth." Pagpapatuloy niya sa mga sinasabi niya habang nakatingin sa akin ng diretso sa mata. Nababasa ko sa kanya ang paga-alala pero mas nangingibabaw ang pangamba at lungkot.

Isa pa, nakakahiya. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganyan-ganyan. Everytime nga na may prom sa school, hindi ako naga-attend. Kasi nga, ayoko! Hindi ako 'yong tipo na makikita mong nakikipag-sayawan kasama ang mga iba't ibang tao.

Nagulat na lamang ako ng may biglang bumulong sa likuran ko. "Ba't ka naman mahihiya?" bulong saakin ni James.

Oo nga pala, mind reader nga pala to.

"Ma--"

"Don't worry, sweetheart. Everything will be okay." Napabuntong hininga na lang ako at sumukong makipag-talo sakanila. "Now, pagkatapos niyong kumain, dumiretso na kayo sa dressing room. Ipapatawag ko na lamang si Rolly. I got your ball gowns fixed!" sabi ni mama.

Mukhang wala na nga talaga akong panlaban sa kanila. Tapos na pala ang mga gowns. Sayang naman kung hindi matutuloy. Baka ako pa ang maging dahilan.

Pero iba ang kutob ko sa salu-salo na ito.

"Kailan po ba 'yong ball?"

"This upcoming Friday."

"Friday na po?" nanlaki ang mga mata ko sa balita ni mama. Wednesday na ngayon. We only have one day to prepare. Hindi ba mapre-pressure ang mga tao pag gano'n?

"Yes princess, what's wrong?" tanong ni papa na dahilan ng pag-kunot ng aking noo pero umiling na lamang ako 'saka ngumiti. Ayoko naman na mag-alala sila kahit na sobrang alala na ako sa mga mangyayare.

It's just.. nothing.

"Okay, so it's settled then." masayang sambit ni Papa.

Nang matapos na kaming kumain ay dumiretso na nga kami sa dressing room katulad ng sinabi ni mama. Nasa pangalawang palapag ito ng castle. Kasama ko sina ate Charlotte at ate Diana.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon