Chapter 23: Puno Ng Ampalaya

5.8K 192 7
                                    

Dedicated ito sa pinsan kong maganda na si Ate Rojenne Silva known as Mojaku12 dito sa wattpad.

-Yaniii

~*~*~

Ngayon ang araw ng libing nina mama at papa. Plano ko sana na hindi pumunta dahil masakit pa rin para sa akin ang mga nangyayari at mga nangyari ngunit isa naman itong kahihiyan sa aming mga magkakapatid kung hindi ako dumalo at magpakita.

Nakasuot ako ng kulay itim na hanggang tuhod ang haba nito, mahabang manggas na abot hanggang sa aking palapulsuhan na gawa sa lace design at sinamahan ko lamang ito ng kulay puti na sapatos.

Ang aking buhok ay nakatirintas lamang sa isang banda na dinesenyuhan ng mga diyamante sa bawat gitna ng tirintas.

Kasama ko ngayon ang aking mga kapatid kasama ang kanilang mga asawa. Nandito kami ngayon sa Sementeryo de Diyamante. Ito ang sementeryo ng mga taga-Diamond Kingdom at Monddia Village. Lahat ng mamamatay na Monddia ay dito ililibing.

Bawat palasyo ay may sari-sariling sementeryo at ito ang sa amin.

Malawak na lupain ito na nababalot ng Bermuda grass. Ang pinakadulo ng lupain na ito ay ang pinakamlaking parang bahay na gawa sa diyamante at dito namin ililibing sina mama at papa dahil dito rin inilibing ang aming mga angkan.

Narito rin kasama namin sina Queen Cigam, Prince Snow pati sina Prince Ed. Dumalo rin sina Queen Faye and King Gino at ang iba't-ibang mga engkantada't engkantado.

Nakaupo lamang ako sa isang silya nang lapitan ako ni Ed. "Hi."

"Buti nakarating ka, Ed. Masaya ako na nandito ka."

"Oo naman, Elizabeth. Para sa'yo, darating ako." Napangiti ako sa sinabi niya. "Kamusta ka na?"

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, Ed. Para bang kahapon lamang no'ng sinasabi ko sa'yo na ayaw kong makipaglaban, iyong panahon na nakita kita sa forest?"

Natawa kami pareho nang maalala namin ang insidenteng iyon, kung paano kami nagkakilala. "Naalala ko."

"Sabi mo, h'wag ako matakot. Kaya noong umuwi ako sa palasyo, tinanggap ko agad ang misyon dahil gusto kong ma-impress sa akin sina mama at papa."

"Paano na ngayon, wala na silang pareho. Parang wala na ring sense na makipaglaban pa ako."

Hinawakan niya ang aking balikat dahilan para mapatingin ako sakanya. "Hindi totoo 'yan. Lalaban ka upang hingian ng hustisya ang iyong mga magulang. Dapat nga, mas determinado ka na lumaban dahil hindi pa naman oras para mawala sila pero nawala na."

Tama naman si Ed. Sa sitwasyon ko ngayon, dapat mas nagiging determinado ako na lumaban.

Para kina mama at papa.

Niyakap ko si Ed. "Salamat, Ed dahil lagi ka lang nariyan para sa akin."

Naramdaman ko ang mga bisig niya na yumayakap sa akin pabalik. "I'll always be here for you."

Nakatakda akong magsalita ngayong libing nina mama at papa dahil ako ang bunsong anak kaya nang tawagin ako ni Primera Maximum, ang tawag sa kanilang mga pari ay primera, na magsalita sa harapan ay tumayo na ako at pumwesto sa kanyang pwesto.

"Hindi natin hawak ang bukas. Hindi natin alam kung anong maaaring mangyari. Pwedeng masaya ka ngayon at nakikipagtawanan kasama ang iyong pamilya, pwedeng bukas umiiyak ka na dahil sa lungkot. Maraming beses na pwedeng nakawin ng tadhana sa atin ang oras, ang panahon, ang napakarami pang araw at taon na makakasama natin ang ating mga mahal sa buhay kaya habang nariyan pa siya, sabihin mong mahal mo siya at h'wag mong kalimutan na iparamdam ito araw-araw."

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon