--
Hindi ako pwedeng sumuko ngayon. Hindi ko pwedeng biguin ang mga taong sumuporta sa akin simula pa lamang. Hindi ito ang tamang oras para hayaan ko na lamang na bumagsak ang lahat.
Inalala ko ang lahat ng mga tao na dahilan ng paglaban ko.
Sina Lola, sina Kate, Al, Natie at Mack, ang mga Monddia, sina Prince Snow, ang White Witch, sina Harry at Mr. Buns, ang mga kasamahan na naniwala sa akn sa una pa lamanga, ang aking mga kapatid, sina mama at papa.
Maraming tao ang nagtitiwala sa akin na maipapanalo ko ang laban na ito. Hindi ako pwedeng sumuko.
Inikot ko ang aking tingin sa buong throne room at napansin na wala si Deatro sa loob nito ngunit naaaninag ko pa rin si Lio na duguan pati na rin sina mama at papa na walang malay.
Ito na ang aking pagkakataon para gumawa ng paraan upang makalaya mula sa mga nakagapos sa akin.
Hindi ko na matandaan kung ano ang nangyare pagkatapos kong mahimatay kaya hindi ko na alam kung nasaan si Sinata. Ibinaling ko ang tingin sa mga nakagapos sa akin.
Naalala ko iyong punyal na ibinigay sa akin ni Aslan. Itinago ko iyon sa likurang bahagi ng aking damit para kung sakali na kailangan ko ng isa pang sandata ay maaari ko lamang gamitin iyon.
Saktong-sakto. Malamang ay magagamit ko iyon sa paghati ng mga nakagapos sa akin.
Sinubukan ko iyong abutin mula sa aking likuran. Nahirapan ako noong una ngunit kalaunan ay naabot ko rin ito. Inikot ko muli ang aking tingin sa loob ng throne room at nang mahati ko ang mga nakagapos sa akin ay sinunod ko ang nasa aking paa.
Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong kumilos ng mabilis.
Nang masiguro ko na wala nang nakagapos sa akin ay lumapit ako sa pintuan. Nagtingin ako ng mahabang bagay na maaaring makapagharang sa dalawang pintuan na malalaki.
Nahagip ng aking mga mata ang isang mahabang bakal na para ata sa mga kurtina. Agad ko iyong kinuha at ipinasok sa hawakan ng doorknow bago nilapitan si Lio.
"Lio," sinusubukan ko siyang gisingin habang tinatanggal ko at hiahati ang mga nakagapos sa kanyang paa at kamay. "Lio, gumising ka."
Nang masiguro kong wala nang nakagapos sakanya ay sakto rin naman ang kanyang paggising. "Liza,"
"Gumising ka. Kailangan na nating makatakas dito."
Hinayaan ko muna siya na makapag-adjust sa nangyayare bago nilapitan sina mama at papa at tinanggal ang mga nakagapos sakanila.
"Ma, pa," sinusubukan ko silang gisingin mula sa pagyuyugyog ngunit hindi pa rin sila naggigising. "Ma, please," nilingon ko si Lio. "Lio, tulungan mo ako."
Agad siyang lumapit sa akin nang makapag-adjust na siya sa mga nangyayare. Sinusubukan namin silang gisingin at nang magising na namin sila ay sakto naman kaming nakarinig ng malakas na pagkatok mula sa pintuan.
Mukhang nandyan na sila.
"Bilisan na natin." sabi ko bago itinayo si mama habang si Lio naman ay kay papa. Nagtago kami sa malapit sa pintuan at nang magiba na nga ng mga alipores ni Deatro ang pintuan ay lumabas na kami agad-agad ngunit dahan-dahan upang hindi nila kami makita.
Takbo lang kami ng takbo habang inaalalayan namin sina mama at papa nang may maalala a.ko
"Teka, 'yong kwintas ko." sabi ko kay Lio 'saka tumigil ngunit binuksan nito ang kanyang palad at nakita roon ang aking kwintas.
"T-Teka pa-paano--"
"Mamaya na." sabi niya 'saka namin ipinagpatuloy ang pagtakbo nang may sumigaw mula sa likod namin.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...