-
"Ako po?" paninigurado ko kay papa.Bakit ako? Wala pa 'kong alam sa laban? Atsaka kakadating ko palang pero ang gusto nila, lumaban ako agad? Hindi ba nila ako na-miss? Ayaw ba nila ako maka-bonding?
"Don't worry my princess, you'll train." sabi ni mama pero umiling ako. Tinignan ko silang lahat saka nagsalita.
"Pero hindi ako princess." Napabuntong hininga ako ng malalim saka ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "Masaya ako na nakilala ko na kayo. Simula pa lamang noong bata ako, pangarap kong magkaroon ng mama at papa. Pero hindi dapat ako andito. Hindi ako ang itinakda. Ako lang po si Natie Gonzalo. Nakatira sa Catbangen Street. Naga-aral sa isang university. May mga kaibigan po ako kasama ang lola ko. May buhay po ako sa mundo ko ma. Hindi ako dapat andito."
Mukhang nagulat sila sa mga sinabi ko pero 'yon ang totoo. Hindi ko matanggap na prinsesa nga ako pero ako ang makikidigma. Hindi ko pa kaya. Kahit na mag-train man ako, hindi ko pa rin kaya
"But Elizabeth, this is your home. We are your family. This is where you truly belong. Hindi sa mundo mo kung saan ka idinala. That's the only place where we hid you para hindi ka mahanap ni King Deatro."
"Pero hindi rin ibig sabihin na dapat ako ang lumaban sakanya. I don't know anything about those things kahit na sabihin niyo na matututunan ko rin naman."
"But sis, you can do nothing. Tanging ikaw lang ang makaka-kayang patayin siya. You were born for this."
"Ayoko!" pagpupumilit ko saka tumayo dahilan para mapatayo din sila. Tumakbo ako palabas ng palasyo nang nangingilid ang luha sa mga mata.
"Elizabeth!" narinig ko pa si papa na tinawag ang pangalan ko ngunit wala na akong pakealam. Hindi ko siya nilingon o tumigil man lang. Gusto ko na lang umalis dito. Hindi dapat ako narito.
Ayokong ako ang lumaban kay King Deatro. Wala pa akong alam sa mga yan. Hindi ako handa at kahit sabihin nila na mage-ensayo ako ay kahit na.
Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na din alam kung saan ako tinatahak ng mga paa ko pero wala akong balak tumigil at bumalik ng palasyo. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapatigil ako upang magpahinga.
Habang nakasandal ako sa isang puno ay narinig ko ang boses ng isang lalake.
"Help!"
Sinubukan kong sundan ang boses na iyon.
"Help me! Is someone there?!"
Hanggang sa mahanap ko na siya. Nakatali siya ng patiwarik sa sanga ng puno. Patuloy pa rin ang kanyang pagsisisigaw. Nang mapansin na niya ako ay doon lamang siya tumigil. Napatitig pa siya sa akin ng ilang minute bago ulet humingi ng saklolo.
"Please miss, help me." pagmamakaawa niya saakin.
Pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Para bang bigla akong na-estatwa sa kinatatayuan ko mula sa rasong hindi ko din alam. Siguro kasi ngayon lang ako nakakita ng isang lalakeng nakasabit sa puno patiwarik dahil kadalasan ay napapanood ko lamang ang mga eksenang ganito sa TV o nababasa sa mga libro o comics.
"Miss!" Doon lang nagising ang diwa ko. Nagulat din ako mula sa pagkakasigaw niya kaya dali-dali akong lumapit sakanya. Sinubukan kong ayusin ang pagkakabuhol-buhol ng tali sa kanyang paa para mapalaya siya.
Ilang minuto na din ang nakalipas hanggang sa..
"Oops!" bigkas ko nang mahulog siya sa lupa. "Pasensya! Hindi ko aakalain na.."
"Aawee.." daing niya. "You know, you could've me killed when the first thing that hit the ground was my head." sabi niya na itinawa ko na lamang bago siya tinulungang tumayo.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...