Hindi na ako natutuwa sa mga pasabog ng tadhana at sa mga surpresa na darating pa. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. Hindi ito ang regaling inaasahan ko, mga balita na nais kong marinig.Hindi ito ang gusto ko.
Kung tutuusin, sana hindi na lang sa ganitong paraan ako naipanganak. Kung kukunin lang pala sa akin ang aking mga magulang, hindi na ako makangiti pa.
Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko ang sinabi ni kuya dahilan para mapalingon ako sa kung nasaan man siya nakatayo. Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga kahit na masakit pa ang buong katawan ko.
Simula nang mawala si papa, tila ba pati ang aking sigla ay nawala at naisama sakanya. Halos hindi na ako makakain, hindi na ako umuupo sa silya ko sa hapag-kainan at tanging titig na lamang ang ginagawa ko sa tuwing dinadalhan ako nila Natie ng pagkain.
Inalalayan ako ni Kuya William at nang tuluyan na nga akong makabangon ay inabot ko ang aking roba na nakasampay sa bandang dulo ng aking kama.
Bumuntong hininga ako 'saka siya tinignan. "Kuya, bakit ba nagkakaganito ang pamilya natin?"
Umupo siya sa harapan ko. Nagulat na lamang ako nang tumulo nanaman ang mga luha kong akala ko ay ubos na. Naninikip na rin ang aking dibdib at sumasakit nanaman ang ulo dahil sa balitang hindi kanais-nais.
Akmang tatakpan ko sana ang aking mukha nang maramdaman ko ang mga bisig ni kuya na pumulupot sa akin. Nang dahil doon ay mas lalo pa akong humagulgol sa kanyang dibdib habang pinapatahan ako.
"Liza, magpakatatag ka." Sabi niya sa akin. "Hindi ito ang gusto ni mama. Gusto niya, matatag tayong haharapin ang kinabukasan natin, kahit ano pa ang mangyari."
Lumayo siya sa akin 'saka hinawakan ang aking balikat. "Malakas ka. Ikaw ang pinakamalakas sa aming lahat. Kaya mo ito."
Nang mahimasmasan ako ay tinignan ko siya muli.
"Anong sakit niya, kuya?" tanong ko sakanya.
"Puhedazeus. Nakuha niya ito no'ng hinawakan siya ng isang kasamahan ni King Deatro. Kumbaga, black power ito."
Bumagsak ang aking mga balikat sa sinabi ni kuya. Mukhang napakakumplikado ng sakit na natamo ni mama. Hindi ko mapigilan ang malungkot.
Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan.
Pakiramdam ko, malas ako.
Kung pinilit ko lang sana sina mama at papa na h'wag na ituloy ang debut ay hindi sana hinaharap ng pamilya namin ang ganitong problema.
"Kuya, pwede ko po ba siyang makita?" tanong ko sakanya habang humihikbi.
Tinanguan niya ako at pagkatapos ay inilahad ang kanyang kamay upang alalayan ako na makatayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Naunang naglakad si kuya patungong pintuan at nakasunod lamang ako sakanya.
Nang nasa harapan na kami ng pintuan ni mama ay nilingon muna ako ni kuya bago tuluyang binuksan ito.
Unang bumugad sa akin ang portrait na gawa sa pinta nina mama at papa na nakasuot ng pankasal na damit. Sa kanan nito ay isang sofa set, ang daan patungong walk-in closet at banyo habang sa kanan naman ay ang kama nina mama at papa.
Doon ko nakita si mama na nakahiga habang nakapikit ang mga mata.
Nakarinig na lamang ako mula sa likod ang pagsara ng pintuan. Lumingon ako upang hanapin si kuya ngunit wala na siya. Baka umalis na.
Lumapit ako sa tabi ni mama at umupo sa silya na naroon. Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Ma?"
Dahil sa aking boses ay napamulat ang kanyang mga mata 'saka tumingin sa aking direksyon. Tila ba sumaya ang aking puso nang makita ko si mama na gising ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess
FantasyNatie Gonzalo An ordinary girl living in an ordinary world until two guys entered her own bubble of misery where she discovered that she is.. ..the long lost princess of Diamond Kingdom. Along her way, will she ever take every detail she'll know...