"Wait lang. Ito, try mo." pinatong nya sa katawan ko yung naka hanger na dress na kulay pink. Nasa mall ako ngayon kasama si drake dahil pinilit na naman kami ni mama. Bawat okasyon na pupuntahan namin, gusto nya bago yung damit na susuotin ko! Eh, hindi pa nga nalalabhan.
Pumasok na ko sa fitting room para sukatin yung dress na pinili ni drake. It was a fitted dress. Naka cross ang strapless sa likod. Hanggang tuhod lang din ang haba.
"Oh! Sino ka?" sinamaan ko ng tingin si drake nang magbiro na naman sya. "Kidding aside. Bagay naman sayo gwy. Yan nalang. Tsaka pupunta pa tayo sa mga sapatos."
"Kelangan ba lahat bago!?" Reklamo ko.
"Oo ata. Papagalitan tayo ni tita pag hindi mo binili lahat. Meron nga ako dito eh.".
"Ano ang meron mo jan?takang tanong ko.
"Bigay ni tita. Bili din daw ako para sa susuotin ko mamaya."
"Sasama ka?"
"Oo. Sa akin ka sasakay.Nakangising saad nya saka kinindatan ako.
Hindi na ko nagreklamo mas gusto ko kasi kasama ko sya dun para kahit papano may makausap ako. Pagkatapos naming mamili ng lahat lahat, umuwi na kami. Sa bahay na namin si Drake Dumiretso.
"Huy, di ka papagalitan ng mama mo?" tanong ko nang huminto sya sa tapat ng bahay namin.
"Kelan pa ko pinagalitan ni mama?"
Oo nga no? Ever since nakilala ko sya, never pa sya pinagalitan ng magulang nya. Lagi lang kasi yong nakangiti at sobrang bait. Ganun din naman ang papa nya.
Pagpasok namin ng bahay ay handa na silang lahat. Nakabihis na silang lahat pati mga kapatid ko. Kasama si daddy dahil walang mag dadrive sa kanila.
"Hey! Get ready. Aalis na tayo.Usal ni daddy.
Nagmadali naman kaming umakyat ni drake para magbibis. Sa study room ako nagbihis at sya naman sa kwarto ko lang.
Pagkalabas ko ay madali naman nya akong pinaupo sa vanity chair ko at saka hinalungkat ang bag ko.
"Hoy! Ginagawa mo?taka ko syang tinignan. Nang ilaabas nya yung foundation at lipstick ko, lalo pang nangunot ang noo ko.
"Me make up-an kita, wag ka
malikot! "Pabiro pa nya kong inambaan ng sampal kaya tumigil ako.
"Oh, Gwyneth! You look gorgeous! feedback agad ni mama nang makababa kami. Nakabihis na din si Drake. Button down polo at beige slacks ang suot nya.
"Prinsesa ko yan tita.Proud na sabi ni i Drake. Binatukan ko naman sya, kaya naka nguso na naman.
"Medyo malayo pala sa kanila." Usal ni drake.
"Reklamo ka?Giit ko. Pa kyut lang syang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"Of course not! Gusto ko nga to eh." Bawi nya.
Siguro mga tatlong oras kaming bumyahe bago makarating sa venue. Pumasok na kami at sinundan sina mama. It wasn't really a big and spacious venue, but everyone fits in there. Their guests weren't that many. Siguro mga closest friend lang at kamag anak yung inimbita.
"Iinom ka gwy?Tanong ni drake. Naka hawak sya sa bewang ko saka palinga linga.
"Ayoko. E-ewan ko. Basta."
"Gwyneth! Hi! Oh my god! I've been so pleased for you to be here! I'm really expecting you to be here. How have you been?bungad sakin ni Yvaine. She was wearing a floral-tinged dress. Naka bun lang yung hair nya at may kaunting naiwan sa bandang tenga. Naka curl dahilan ng mas lalo nyang pagganda.
"I'm good. How about you? Sorry kung hindi ko kayo nakakamusta hehe. Medyo busy kasi ako sa school.". Ngumiti lang sya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"That's okay. So... oh! Is he your boyfriend? Wait... let's think. Uhm..." tumingala pa sya na animoy nag iisip. "Andrey?"she utter.
"Its anthony. Pleasant to meet you.nakangiting tugon ni drake saka nilahad ang kamay.
"Oh yeah! Right! HAHA. How could I forget. Anyway, come on? Join the party!" hinila na ko ni yvaine, nakahawak naman sa balikat ko si Drake.
Huminto kami sa couch na mga kaibigan nya siguro yung naka upo.
"Hey everyone, uhm, this is Gwyneth, my cousin, and this is her boyfriend Andrey." Pagpakilala nya samin.
"Its anthony.bulong ni drake.
"Oh sorry, Anthony pala. So, gwy, Anthony, they are my co-workers; this is Jen, Trisha, Ashley, and that is Shaun.".
Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Ganun din sila.
"Hi Gwyneth, join us! Come here.tugon ni Jen.
"Right. Uh, Gwyneth, stay with them, okay? Aasikasuhin ko lang yung mga darating na visitors." Tugon nya. Tumango naman ako at nag paalam na sya. Umupo na kami ni drake sa couch sa harap nila.
"Co-workers? Anu trabaho nyo?tanong ko. Hindi ko alam na nagtatrabaho na pala si yvaine.
Akala ko gusto nya mag-flight attendant?
"We're working on a call center. We are team mates, by the way.".
Tumango tango ako nang malaman ko. Sa pag iisip ko, medyo mahirap yung ganon, lalo na't kung nag aaral pa.
"Diba nag aaral pa si yvaine? Buti na ha-handle nya at napag sasabay nya ang pag ta trabaho at pag aaral."
"Uh, yeah. Hindi naman sya masyado nag wowork, mas focus sya sa school works nya. Mas gusto nya daw kasi mag flight attendant. I don't know with that girl."
"Gusto lang siguro nya ng job experience. That was what she told me before. She didn't even take her job seriously." Trisha engaged, then sipped on her glass of wine. Inalok nya ko nito, kaya kinuha ko naman. Ayokong isipin nila na kj ako.
"Hey bro! Take this.inabot ni shaun yung bottle ng wine kay drake. Parang naa-out of place kami. Masyadong awkward.
Ininom nalang ni drake yon saka sumandal sa couch.
"You look, uh, minor, aren't you?tanong ni shaun. Gulat naman akong napatingin kay drake nangtumango ito.
"Oh guys, you shouldn't drink! It's not suitable for both of you!" said Sabi Ni Jen. Was that really a big deal?
"Sanay na kami,Drake flatly said, saka kumuha ng isa pang bottle sa bucket.
"Are you?conscious na tanong ni trisha. "Oh god, don't get drunk too much, okay? Damn that shitty woman. Why did she let these kids do this?"
"Legal age na ko. Kaka birthday ko lang nung august. Saka hindi na kami mga bata. Kaya na nga naming gumawa ng bata eh." tugon ni drake saka tinungga ang bote! Muntik na kong mapatayo at sapakin sya nang sabihin nya yon, kaso ayokong gumawa ng eksena, kaya siniko ko nalang sya sa tagiliran dahilan para mamilipit sya.
"A-aray k-ko gwy! N-nag jojoke lang ako eh! Agh!" he groans.
"Hey guys, how's the party? Tanong ni yvaine nang makabalik na sya. Siguro wala nang darating na bisita kaya nandito na sya ngayon. Si drake at shaun naman ay mukhang lasing na. Naging competitive, kasi sila kanina dahil sa sinabi ni drake. Gusto daw ni shaun ng patunay na hindi na sya bata.
"Hey, Shaun! You're drunk,Vaine worriedly said. "And Andrey too."
"It's Anthony, you fucking bastard!" lasing na turan ni Drake. Bahagya ko syang sinampal nang magmura sya. Ayoko talagang naririnig syang magmura.
"Oh, sorry. Anthony. Yeah. Hey shaun, go to your room. Sa may third floor. Lets talk when you sober. Kayo din gwy. Bukas na kayo umuwi gwy. Your driver is drunk.She took a little chuckle.
Tumango nalang ako atska tumingin kay drake. Halos nakapikit na sya. Konti nalang pwede na tong matumba.
"Umuwi na sina tita pati yung mga kapatid mo. Sabi ni tita ako nalang daw bahala sa inyo. I got you a room gwy, you can bring andr-A-anthony there. Kayo? Guys? Do you want' to stay here? So we could continue the party tomorrow."baling nya sa mga co-workers nya. Sumang ayon naman ang lahat.
"May trabaho ka na pala yvaine." Sabi ko.
"Uh, yeah. But I'm not taking it seriously. I still wanted to be a flight attendant, "she said, smiling.
"Mahirap ba yung trabaho nyo? Kasi sa pagkakaalam ko, pang gabi yung call center? tanong ko sa kanila.
"Hmm... not really. Sa company na pinapasukan namin is may day off. Sunday and Saturday, so, hindi masyadong stress,Jen said.
"True. And you know what? I spent those two days of sleeping straight!" sagot naman ni trisha. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Kaya nyang matulog ng 2 days straight?
"Do you want to try?" napatingin naman ako kay yvaine na nagaabang ng sagot ko.
"Try what? said Tanong Ko.
"The job. The company is looking for a new agent. Besides, you're turning eighteen, right?nakangiting saad nya. Was she serious?
"O-oo, next February. P-pero hindi pa ko tapos sa high school."
"That doesn't matter, gwy. As long as you know how to speak English spontaneously and fluently, you will be hired.".
Napag isip isip naman ako kung papayag ako. Pero sigurado akong hindi papayag si Daddy.
"P-pag iisipan ko. Saka, hindi pa naman ako legal age. Basta pag iisipan ko. Tatawagan kita kung makapag desisyon na ko."
"Right! Make a good decision.Sabat naman ni trisha.
Uminom muna kami saglit saka napag isipang magtungo sa hotel room na in-assign ni yvaine samin. Binigyan nya lang kami ng card saka pumunta sa room na sinabi nya. Inakay ko si drake mula sa venue hanggang sa elevator diretso sa room na pag tutulugan namin.
Binuksan ko na ang pinto at papasok na sana, kaso pinigilan ako ni drake.
"Ayoko."he groan.
"Ano!? Get in, you spurn little kid! Napaka yabang mo. Iinom inom ka tas hindi mo naman pala kaya!" I scolded him. Pabagsak lang syang yumakap sakin at binaon ang mukha sa leeg ko.
"I'm not a kid!bulong nya. Ramdam ko ang init ng hininga nya. Gusto ko nang patahimikin to! "Sa kotse ako matutulog."
"Ha? Bakit?takang tanong ko.
"Ayoko gwy. Lasing ako."
"Ha? Ano naman? Aasikasuhin naman kita. Dali na. Inaantok na ko."
"Sa kotse ako matutulog. Baka... baka may..."
"Baka may ano?"
"Baka may... magawa ako sayo.Mahinang sabi nya.
"Ayokong may mangyari satin."
"May tiwala naman ako sayo drake, eh?"
"Pano ako? Wala akong tiwala sa sarili ko. Sa sitwasyong to, hindi ko mapagkakatiwalaan ang sarili ko. Ayokong may mangyari satin gwy. Mga bata pa tayo at sabi ko sa daddy mo, iingatan kita."
Ilang segundo muna akong nakatitig sa kanya bago mapagtanto ang sinabi nya. Kahit lasing sya, alam nya ang mga bagay na hindi dapat mangyari.
"K-kaya mo ba mag isa dun? nag aalalang tanong ko. Tumango naman sya saka humiwalay sakin. Ihahatid ko na sana sya, kaso pinapasok nya ko saka dahan dahang sinarado ang pinto.
I flung to my bed and stared at the ceiling above. Mukhang hindi ako makakatulog. Iniisip ko si Drake. Ang mature ng pag-iisip nya. I've never expected him to do that. Hindi ko inakalang yun pala yung iniisip nya. He just wanted to avoid the temptation that everyone desires. He could.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya. Baka hindi sya komportable don. Nag aalala tuloy ako. Hindi pa mag papangatlong ring ay sinagot na nya agad.
[Hm?]
"Okay, ka lang jan?"
[Oo gwy. Okay lang.]
"Tawagan mo ko pagkailangan ha?"
[Okay. Matulog ka na gwy. [Uuwi tayo maaga bukas.]
"Sige." Saka pinatay nya na ang phone. Hindi na ko nakaligo dahil wala naman akong dalang damit kaya dumiretso nalang ako sa pagtulog.Kinabukasan pag gising ko nasa loob na ng kwarto ko si drake. Nakaupo sa tabi ko.
"Morning."bati ko dito. "Pano ka nakapasok? curious na tanong ko.
"Binuksan ni yvaine. Pinabuksan ko. Gising ka na. Uuwi na tayo.Nakangiting tugon nya saka hinalikan ako sa noo. Tumayo na ko atsaka nagayos ng sarili. Pumunta muna ako sa banyo para mag toothbrush saka pag labas ko dala na ni drake ang bag ko. Handa nang umalis.
"Sa daan nalang tayo kakain. Hahanap tayo restaurant." Dagdag nya. Tumango nalang ako saka lumabas ng kwarto. Dumaan muna kami sa floor ng kwarto nina yvaine para mag paalam saka bumaba na at dumiretso sa car park.
Gaya ng sabi nya, naghanap kami ng makakain, kaya huminto kami sa gilid. Punwesto lang kami sa mesang malapit sa pinto, kasi mainit sa loob. Nakakahiya naman kung magrereklamo kami at ipa adjust yung aircon nila.
Nag order na si drake ng pagkain. Hindi masyadong marami, kasi umaga pa naman. Pagdating namin mamaya sa bahay siguradong kakain ulet kami.
"Ubusin mo yan.Turo nya sa plato ko.
"Kelan pa ko hindi nag ubos?sagot ko naman. Minsan tinatanong ko kung kelan ako makakakain nang hindi maingay pagkasama ko si Drake.
"Masarap?"tanong nya.
"Oo naman. Wag ka ngang maingay drake! Ipapalunok ko yang kutsara sayo tamo.". Naiinis talaga ako sa ugali nitong napakaingay.
Mabilis naming tinapos ang pagkain saka nagbayad na sa cashier. Pagkatapos ay umalis na kami pauwi. Huminto muna kami sa may convenience store saka bumili ng konting snacks. Boring, kasi pag walang makain sa byahe. Medyo malayo layo pa naman ang byahe namin.
Lumabas na kami sa store, saka sumakay muli sa kotse nya. Naabutan pa kami ng traffic, kaya mas lalong tumagal. Buti nalang may binili kaming snacks para pampalibang. Nang umusad na ang traffic ay dere deretso nang nag drive si drake pauwi. Ako naman ay pa snack snack lang. Minsan naman ay sinusubuan ako sya. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming sinalubong ni mama. Tangahali na kaya may lunch nang naka handa. Inakyat namin ang mga kapatid ko para kumain. Dumaan muna kami kay Kevin na naglalaro ng games.
"Dagul! tawag ni drake kay Kevin. Lumingon naman ito, pero saglit lang. Wala pa ngang isang segundo saka bumalik sa selpon nya.
"What?Masungit na tanong nya.
"Ano nilalaro mo?Tanong ni i Drake. Sinilip namin yon. Mukhang mahirap na laro. Nakakalito.
"Geometry Dash. This is a bit chaotic, though,he shrugged. Mukhang ayaw pang magpa gambala.
"Lunch ko naman.
"Just a moment. Let me pass this one."sagot I got it. Pinanuod na muna namin syang maglaro hanggang sa matapos nya. Na-complete nya yung pangalawang level ata. Yung is back on track. Tumayo na sya at lumabas ng kwarto. Sumunod naman sina drake saka mga kapatid ko. Ako naman ay sinarado ko muna ang kwarto nya saka bumaba. Pagkababa ko nasa lamesa na sila. Wala si daddy, kasi nasa trabaho. Sa office na sya nag lalunch at umuuwi naman sya sa gabi, kaso hatinggabi na sya dumarating, kaya hindi na namin sya nakaksabay.
"Oh, Kumain ka na.Tugon ni drake habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.
"Gwyneth, gusto mo ng paksiw? Tanong ni mama na naka ngiti.
"Oo naman ma. Meron ba?"
"Wait lang.Tumayo sya saka pumunta ng kitchen. Pagkalabas nya ay dala nya pa yung maliit na kawali na pinag paksiwan nya.
"Bango."sambit ko. I could smell the aroma. Choss.
"Syempre. Oh. Kuha ka. Ikaw. Anthony kuha ka."
"Ah sige po."sang ayon ni drake saka kumuha ng tatlo."
Nagpatuloy lang kaming kuma
in habang naghaharutan silang lahat. Minsan din ay chinicheck ni drake ang pagkain ko kung nababawasan ba. Ewan ko ba dito. Ginagawa akong bata.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
••••
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...