"Hey! Hey! Hey! Wake up, you sleepy heads!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang table na nasa tabi ng pintuan nila Sofia at Sabrina.Kakauwi ko lang galing apartment. Wala na akong trabaho sa umaga dahil tapos naman yung dahilan ng pagtatrabaho ko ng umaga.
"Get up!!! Go! Go! Go!"pangungulit ko sa kanila. Tumakbo naman ako sa kwarto ni Kevin at kinalampag ang pinto. Hindi ko alam ang dahilan ng pag la lock nya ng kwarto kaya hindi kaagad ako makapasok.
"Gising! Umaga na!"sigaw ko habang kinakalampag ang pinto nya. Inis nya iyong binuksan saka pupungay na tumingin saken.
"H-hi..." parang gulat pa na usal nya.
"Good morning my lil bruh."
Lumabas si Sofia mula sa kwarto nila.
"Prepare yourselves. We'll go somewhere today."saad ko. Nagsitinginan naman sila saken. Lumabas si Sabrina pagkasabi ko non.
"Where?"tanong nila.
"I said somewhere, now go back to your rooms and be ready." Saad ko at tinalikuran na sila. Dumiretso ako sa kwarto ni mama.
"Ma! Alis tayo."sabi ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto nya.
"Gwyneth! Nakauwi ka na pala."sambit nya nang makapasok ako. Naka upo lang sya sa kama at mukhang kakagising lang.
"Good morning ma. Alis tayo."saad ko.
"Saan naman?"tanong nya.
"Ipapasyal natin sila Sab, Kevin at Sofia."
"Nakalimutan ko! birthday pala ng kambal ngayon!"sambit nya.
"Now get yourself ready. Tapos na ako maligo kaya kayo nalang."
Lumabas na ako ng kwarto nya at nagtungo naman ng kwarto ko. Napahinto pa ako nang makapasok dahil nakita ko si Drake sa kama ko na natutulog. Mahigpit na niyayakap ang unan ko.
Dahan dahan akong lumapit at tinitigan sya habang natutulog. Mukhang mahimbing talaga ang tulog nya kaya hindi ko na ginising.
Humiga ako sa tabi nya at humarap sa kanya.
"Nakakamiss ka naman..."bulong ko habang naka titig sa kanya. Nataranta pa ako nang unti unti syang dumilat at diretsong tumingin saken.
"G-gwy...? N-nananaginip ba ako?"parang tanga'ng tanong nya.
"Good morning..."nakangiting bati ko.
Kinusot kusot nya ang mata nya na parang hindi makapaniwalang nandito ako.
Maya maya ay yinakap nya ako ng kasinghigpit ng yakap nya sa unan ko kanina.
"D-drake... gumising ka na."
"Miss na kita..."bulong nya habang nakayakap saken.
"Mas miss kita..."sagot ko naman.
"Hindi! Mas miss kita."parang bata'ng saad nya. Natawa nalang ako at dahan dahang kumawala sa pagkakayakap nya.
"Drake. Birthday ng kambal ngayon. Alis tayo."sambit ko na ikinagising nya.
"Sila dagul!?"
"Tanga! Wala naman kambal si Kevin."
"Ah, oo nga pala. Toothbrush muna ako."paalam nya. Tatayo na sana sya pero pinigilan ko muna sya..
"Kelan ka pa nandito? Hindi ba magagalit si tita?"tanong ko. Umiling naman sya.
"Nandun na yung mga pinsan ko. Sila mommy nasa Hawaii naman ngayon. Alam naman nila na dito ako naglalagi eh."sambit nya.
Pumasok na sya ng banyo at ako naman ay naghanap ng masusuot sa walk in closet ko.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...