Chapter 37

41 2 0
                                    


"Any second any second any second..."I was murmuring while waiting for my alarm to ring.

"O freak!!!"mabilis kong inalis ang comforter ko at patalo'ng tumayo.

Mabilis pa sa alas kwatro ko'ng kinuha yung twalya ko saka patakbo akong pumasok ng bathroom.

Mabilis yung kilos ko habang nagsasabon sa shower room. Brand ng shampoo ni Gwy yung ginamit ko. Eto yung ginagamit ko pag hindi ako nakakatulog sa kanila. Atleast naamoy ko sya hehe...

Maingat kong sinuot yung hinanda kong damit kahapon para ngayon.

5th anniversary namin ni Gwy kaya dapat pogi ako!

Bumaba na ako nang makapag bihis.

"Pogi ah!? Kagabi ka pa excited, anu meron?"tanong ni Ryza, pinsan ko.

"Syempre-"

"Anthony!"

"Ma!"niyakap ako ni mama. Nakapag bihis na din sila.

"Pogi ba?"mayabang na tanong ko.

"Of course!"tuwang tuwang sabi nya.

Nag breakfast na kami pero mabilis lang. Yung mga pinsan ko lang yung naiwan sa dining.

Umakyat ulit ako ng kwarto at may kinuha sa bedside table. Binuksan ko muna yon saka tinitigan.

"Sigurado akong bagay sayo to Gwy."bulong ko saka sinara yon. Nilagay ko sa bulsa ko sa likod ng jeans ko.

Bumaba na ako at sinalubong ni mama at daddy. Nakaka proud lang kasi umuwi talaga sila nang sabihin ko yung plano ko.

"Mama!"parang bata'ng tawag ko sa kanya. Sumimangot sya saka tumingin sakin.

"You're a bit confusing sometimes. Minsan mama, minsan mommy..."

"Tara na ma! Dami'ng arte eh..."Sabi ko. Pinunasan nya yung mata nya kaya nagtaka ako.

"S-sorry na. M-mommy, mama..."

"Binata ka na... wala na kami'ng baby."sabi nya. Natawa ako dahil dun.

"Wag kang mag alala, bibigyan nalang kita ng tatlong baby."sabi ko. Pinalo nya ako sa balikat kaya inakbayan ko sya.

"I will be your handsome driver for now Mr. And Mrs Valdemore."tugon ni daddy nang makasakay kami.

"Oh dear. I'm teary..."

Nag drive na si daddy. Maingay si mama habang patungo kami sa resort na pinanggalingan namin kahapon. Bumalik ako dun kagabi para mag paayos. Nagpatulong paako kayla mama. Nirentahan nya pa yun para saamin lang.

Nang makarating ay bumaba na ako sa entrance. Sila mama naman ay nag park muna.

"Drake!"bati nung guard.

"Kuya Andrey!"nag fist bump kami.

"Aba... ang pogi ah. Siguradong sigurado kana yata."sabi nya.

"Syempre..."proud na tugon ko.

Pumasok na ako para suriin ang disenyo.

Ayos na ayos ang mga upuan at paligid. Yung mga cottage ay may mga naka sabit na heart papers. Parang valentine's day lang.

Naglakad lakad pa ako hanggang sa makarating sa favorite spot namin.

Yung bench ay naka disenyo na rin. May mga lightseries yung para mamaya pag gabi na, magandang tignan. Lumapit ako dun.

Sa harap nun ay lamesa na pagkakainan namin mamaya.

"Shit!"excited na ako.

Bumalik na ako para salubungin sila mama.

Sleep In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon