"Bakit!? Tahan na kasi!! Bakit ayaw mo magsalita!?" may konting irita sa tono ni drake habang tinatanong ako sa pangyayari. Nasa loob na kami ng kotse nya ngayon at puno ng pag aalala ang mga mukha nila.
"Hey! Why aren't you talk? Are you pipi?"tanong ni kevin. Pero hindi nagpadala yung damdamin ko sa kakonyohan nya. Napakabigat padin sa dibdib ang makita yung taong dahilan ng paghihirap namin ngayon.
"Gwy. Inom ka ulet. Dagul nasan na yung tubig?" inabot naman sakin ni kevin yung tubig at agad na ininom ko yon. Patuloy parin sa pag agos ng mga luha ko.
"H-hindi k-ko akalain na... n-na mag kikita ulit kami..."nahihirapang sabi ko. Patuloy parin sa pag tulo ng mga luha ko.
"Sino?" Tanong ni drake. Hawak hawak nya ang kamay ko.
"S-si...s-si..."hindi ko masabi. Hindi ko sya mabanggit. Lalo lang sumisikip yung dibdib ko.
"Sino nga gwy? Yung daddy mo ba?"tanong nya. Biglang nanikip muli ang dibdib ko. Kasabay ng pag iyak ay ang biglang pagbagsak ng ulan. Yinakap ako ni drake at ganun din ng mga kapatid ko.
"S-sa dami ng t-tao... bakit...b-bakit, sya pa!"humahangos na sigaw ko. Napatakip ako ng mukha nang maalala ko yung pangyayari kanina. Lalo na nung marinig ko yung boses nya.
_______
"Daddy! Look! Balloons!"the kid exclaim jumping out of joy."Yeah. Those are ballons."sagot nya. "Want one?"he asked. Animo'y gripo na patuloy na pag agos ng mga luha ko habang pinapanood sila.
"Yes! Daddy! I want that airplain!"the kid shouted while jumping.
"Hon, sakto na ba to? Or do we have something to buy para hindi na tayo masyado maglalabas labas. Its like torturing me you know?"naiinis na tugon ng babae.
"Bakit naman? Don't you like that? Lagi tayong makakapamasyal. Zion would get boring pag lagi lang syang nasa bahay." inirapan lang sya ng babae.
"Daddy!!!!! Lets go!"patuloy sa paghila ng bata kay daddy. Hindi ko alam kung pano pipigilan yung pagluha ko. Gusto ko mang umalis sa kinatatayuan ko at layuan sila pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.
Hindi ko akalain na sa ilang minuto na pananatili ko ang ginawa ko lang ay panoorin sya at ang bago nyang pamilya na masaya at pinapasaya nya. Bagay na hindi nya nagawa samin. Ang ipasyal kami, ang bigyan kami ng oras para saamin lang. Hinihintay ko yung araw na yon kaso mukhang hindi na talaga mangyayari yon.
I am now. Devastated. Pero hindi ko ipapakita sa kanya yon. Ipapakita ko sa kanya na mabubuhay kami ng wala sya. Kahit na gano kahirap ang trabahong papasukan ko ay pipilitan kong kayanin. At sisiguraduhin kong magsisisi sya sa ginawa nya samin.
______"Dahan dahan!"saad ni drake. Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Nang makababa na ang mga kapatid ko ay saka ako hinarap ni drake.
"Stop crying na hah? Everything is gonna be okay."pagcocomfort nya. Tumango lang ako saka sabay kaming bumaba. Inayos nya muna ako para daw hindi mag alala si mama.
Pagpasok namin sa bahay ay agad na nagsiupo ang mga kapatid ko sa mesa. Taka kong iginala ang mata ko sa paligid. May kaunting decorations at pagkain na kadalasang hinahain ni mama pag may... wait!
"Happy birthday!!!!!!"sabay sabay na sigaw nila saka nagbasabog nga confetti. Napalunok ako at nangilid ang luha ko. Hindi ko man lang
"Happy birthday ate!!" Sigaw ng kambal saka patakbong yumakap saken. Nakalimutan ko na pala ng birthday ko.
"Why are you crying?"nag aalalang tanong ni mama. Umiling lang ako saka pilit na ngumiti. Hinaplos ni drake ang buhok ko na para bang kinocomfort nya ko.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...