Panibagong linggo, panibagong problema. Pero sa awa ng diyos ay nalalampasan namin dahil sa tyaga.Lumipas ang ilang araw ay gumaling na din si sabrina. Kinasuhan na din ng ibang mag magulang yung nagtitinda ng sandwich na dahilan ng pagka sakit ng mga estudyanteng bumili sa kanya.
"Hey! Hang out naman tayo. I inom mo yang problema mo gwy."tugon ni yuki. Nasa parking lot kami ngayon at pauwi na. Nasa likod ko naman si drake naka sandal sa kotse nya. Nakauwi na kase ang mga magulang nya kahapon lang.
"Besides, weekend naman bukas."dagdag nito.
"Wag ka na magpaliwanag yuki. Kahit naman umayaw kami hindi ka papayag."tugon naman ni drake. Yuki smirked.
"Ipapaalam kita kay tita."suggestion ni yuki. Nagkibit balikat nalang kami saka nagsiuwi.
"Pupunta ka?"tanong ni drake habang nagmamaneho.
"Wala akong magagawa. Si yuki yon eh."malamyang tugon ko.
Suminghap sya saka nagpatuloy sa pagmaneho. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Hindi na muna sya pumasok at uuwi na daw muna sa kanila. Kakadating lang ng mga magulang nya at aalis ulit.
"Sunduin kita mamaya."
Nagpaalam na sya saka sinarado ko na ang pinto at pumasok ng bahay. Agad na sumalubong si sofia saken. Si mama naman ay nasa kusina. Nang lingunin nya ako ay nakita ko ang butil ng luha nya na ilang segundo lang ay babagsak na mula sa mga mata nya. Agad akong lumapit sa kanya.
"May problema ma?"agad na tanong ko dito. Umiling iling lang sya saka mabilis na pinunasan ang mata.
"W-wala. N-napuwing lang ako. Tawagin mo na ang mga kapatid mo. Kakain na tayo."saad niya. Napabuntong hininga nalang ako saka umakyat ng kwarto. Matapos magbihis ay pinasok ko ang kwarto ng kambal.
"Kamusta?"tanong ko kay sab na nakahiga sa kama nya. Medyo hindi pa nakaka recover yung sikmura nya sa nakain nya nung nakaraang araw.
"I'm a bit fine. How are you ate?"tanong nya pabalik saken.
"I'm good. Tayo ka na jan. Kakain na tayo.
"I'm worried about mama. I saw her tearing while cleaning my room."paliwanag nito.
Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang makita o marinig na umiiyak si mama. Sobrang nangingirot ang dibdib ko pag nililihim nya ang mga problema nya.
Inalalayan kong bumaba si sab kasabay din namin si sofia at si kevin. Dumiretso na kami sa dining area saka nagsiupo sa nakagawiang pwesto.
"Kain kayo hah. Ubusin nyo ang ilalagay ko."saad ko sa mga kapatid ko. Nilagyan ko na ang mga plato nila ng kanin at ulam. Medyo nakakapanibago lang kase noon, iba't ibang ulam ang nasa hapag at halos nalilito pa kami kung anong ulam ang ilalagay namin sa plato, pero ngayon, kulang na at lumuwag na ang lamesa. Wala nang ulam na mapagpipilian kundi ang nag iisang putahe na niluluto ni mama habang may dinaramdam na lungkot. Alam ko kung ano ang dahilan ng pag luha nya kanina pero mabuti siguro kung hahayaan ko na lang muna dahil wala naman akong magagawa na pagpigil sa kanya.
Tahimik naming tinapos ang hapunan at ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ng ginawa ko ay umakyat na ko para maligo dahil maya maya lang ay dadating na sina yuki para ipa alam ako kay mama.
Matapos kong maligo ay saka ako nagbihis. Simpleng denim pants lang saka white tshirt na binigay saken ni drake. Hinayaan kong ibagsak ang buhok ko at hindi ko na pinatuyo dahil nasira yung blower ko. Bahagya ko nalang itong pinunasan ng towel saka pumasok na si drake sa kwarto ko. Nakangisi syang sinarado ang pinto saka pinaupo ako sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Sleep In Paradise
General FictionKadalasan sa mga panganay ay walang pake sa buhay o problema na kinakaharap ng pamilya nila. Halos magkanda ugaga na ang magulang nila na maghanap ng makakain o kahit ano na makakapag pa buhay sa kanila pero balewala lamang sa kanila. But in her ca...